Iba

257 5 0
                                    


By :gecyl

Mahal kita mula sa puso. Simula noon hanggang ngayon ito'y hindi nagbago. Inibig kita ng lubusan pero bakit ako ay iyong iniiwasan. Nasasaktan ako at napagtaksilan. Mahal ko anong nangyari ? Sa ating dalawang mag honey? Ansakit isipin tinapon mo lang ang lahat. Ito ako at nagtatanong kung hindi pa ba ako sapat? Kasi nagmahal lang naman ako. Pero bakit ginago?. Nakita mo lang siya ika'y nawala kasama ang pangako mong napako na. Ako'y natatawa sa katotohang ako'y nakakaawa. Minsan lang ako nagpakatotoo. At ito ay ang pag ibig kong puro. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba tayo? Akala ko ba mahala mo ako? Akala ko ba may forever.? Kasi kung wala ba't ka nila tinatawag na mr. Forever.? Umasa ako sa isang araw. Na sana ikaw ay matanaw. Pero ni anino mo wala. Natataranta ako. Anong na bang nangyayari sayo.? nakakain ka naba? Natutulog ka naba? May nagluluto pa ba sayo. ? May kayakap ka ba kapag malamig? May nag aayos ba ng mga gamit mo.? Saan ka ba kasi pumunta?. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga tanong ko. Umiiyak ka rin ba? Namimiss mo rin ba ako? Hinahanap mo ba ako? Concerned ka ba kung nakakain na ako? Alam mo bang wala ng nagpapatahan sakin? Alam mo bang nasasaktan ako?. Naiinis na ako dahil mukha na akong tanga. At sa sobrang tanga pati sarili ko nalimutan na. Gusto kong lumabas at mag paganda pero hindi ko kaya. Sa aking paglabas mata mong na kangiti aking nakita. Mga kasama mong tumatawa. At ang kamay mong may nakahawak. May katabi ka pala .. Ako dapat diyan eh..Pero .....iba.

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon