NAKAKAINIS

256 6 0
                                    

Nakakainis na.
Nakakainis na sa bawat salita nila ako nalang lagi ang may kasalanan,
Na ako nalang palagi ang may kamalian,
Na ako nalang palagi ang salarin,
Sa mga eksenang di ko kayang gawin,

Gusto ko lang ng tahimik na buhay,
Di ko rin kasalanan na hindi ako ka'y tibay,
Tanging hiling ko lang ay maging masaya,
Pero ba't sila ganon kung manghusga?

Ang gusto ko lang naman ay mapag isa,
Pero ano ba talaga ang nais nila?
Makamura sila sakin ay wagas,
Paminsan iniisip ko kung pano bang tumakas?

Pinipilit ko na lamang na ngumiti,
Sa mga taong aking binabati,
Pero di ko na kinaya,
Ang inis na aking nadarama,

Pagkainis na minsan ko ng di kinaya,
Na  minsan ko ng tinago at tinawa,
Naiinis ako dahil sa sarili ko,
Na kung bakit pa ako nabuhay dito sa mundo?

Kung puro pasakit at kalungkutan lang ang natamo?
Kung sa lahat ng tao ako lang ang nagtatago?
Kung masasaktan lang naman ako?
Di ko na alam. Mas mabuti pa sigurong di nalang ako nabuo.



**
😭😭

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon