Simula
"Sis, bakasyon tayo sa bahay natin sa surigao! Miss ko na 'yung lugar don. Nakakaloka ang init rito sa Manila!" Maktol ni Yesha na nakababatang kapatid ko. Habang nagpapaypay sa salas pero nakabukas naman aircon.
"Sabihin mo kay Mom kaso ang boring naman don! Walang wifi, walang malls, basta boring! Nakabakasyon na ko ron last year kami ni Dad" sagot ko naman sa kanya. Boring naman kase talaga ron, nagtiis ako ron sa dalawang linggo na no wifi at ang boring walang magandang pasyalan, mas prefer ko rito kahit na mainit dahil mas marami rin akong kilala rito at friends kasya naman don.
"I can't live without wifi" dagdag ko pa.
"Alam mo sis, mabubuhay ka naman ng walang wifi don! Like duh, wifi ba ang magpapakain sa'yo ron?" Inirapan niya naman ako. Kahit na mas bata siya sakin umaasta siya na mas matanda sakin. Siya ata ang panganay at hindi ako.
"Hindi syempre! Pero mamatay ako sa boring don! Promise" kumuha ako ng chocolates sa fridge at kumain.
"Tatawagan ko lang saglit si Mom, ask ko muna sa kanya" ani Yesha.
"Bahala ka" sagot ko naman. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko nalang yung phone ko at nag-twitter nalang. Ganito ang ginagawa ko pag walang magawa. Magtu-twitter kahit wala namang masabi ron.
"Sis! Nasabi ko na kaagad kay Mom! Pumayag siya! Pauwi narin dito sina Mom tsaka Dad. Sa weekends punta raw tayo dun. Birthday ni lola sa weekends. Omg" sigaw naman naman ni Yesha sa pinto.
"WHAAAT?!" Bulyaw ko. Sa weekends na? Wednesday pa naman ngayon. Err, ayoko sumama sa kanila. Wala naman akong gagawin don.
"Anong what, sis? Di ka ba nae-excite?" Tanong naman sakin ni Yesha at binuksan naman ang pintuan saka lumundag sa kama ko.
"Siyempre hindi! Wala namang nakaka-excite ron! Mabuti sana kung nandun yung crush ko!" Ani ko.
"Asa ka pa ron! Ang panget panget mo kaya ate!" Asar naman niya sakin at kinuha ko agad ang unan sa tabi ko bago ko pa mabato sa kanya ay kumaripas siya paalis.
"Shup up ka nga! FYI, hindi ako panget! Kung panget ako mas panget ka dahil kapatid kita" sagot ko naman sa kanya.
"Apon ka kaya ate sabi ni dad" sagot naman niya habang nasa tapat ng pinto at hinabol ko siya.
Nagpatuloy kami sa paghabulan nang mapatigil kami dahil nandito pala sa salas sina Mom at Dad. Dumating na pala sila from business trip sa Europe.
"Mom!" Sinalubong ko kaagad si Mom ng isang warm hug.
"Baby... I missed you" sabi ni Mom at kiniss niya ko sa pisngi at ganon din ako.
"Mom! I'm not baby anymore, 18-anyos na po ako" natatawang sabi ko kay Mom. Humiwalay ako ng yakap ng kay Mom at nag-hug rin ako kay Dad ganun rin si Yesha.
"Baby damulag si Ate" singit naman ni Yesha, at inirapan din siya. 3 years lang naman ang agwat namin.
"Inggit ka lang" sagot ko.
"Kahit na lumaki na kayo, you're still our babies. Okay?" ani naman ni Dad.
Inayos muna nila Mom at Dad ang mga maleta nila at dinala sa master's bedroom. Naghanda narin ng lunch yung mga maid namin. Kaya naman sabay-sabay na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Wayback to 1940s
Historical Fiction[HIGHEST RANK ACHIEVED: #17 in Historical Fiction 11/25/2017] Tayo'y magbalik-tanaw at tuklasan ang kwento nina Estella Ignacio na isang Nars at Manuel Antonio na isang sundalo, tunghayan kung ano ang mapagdadaanan nila at pagsubok sa pagmamahalan...