ix

19 2 0
                                    

▶️Chemotherapy◀️

Marco's POV

"Marco!" Napatalikod ako ng marinig ko ang sigaw ni Ethan.

"Bakit pre?" Tanong ko ng malapitan na niya ako.

"Yung girlfriend mo hindi daw pumapasok." Napailing naman ako, nasabi na sakin ni Daddy ang problema ni Sasha, kaya ayaw daw nitong pumasok ay dahil hindi ko naman siya pinapansin.

"Pabayaan mo na yon." Kibit-balikat ko.

"Sabi mo e," natatawa si Noah.

Pumunta kami sa gym upang mag training para sa nalalapit na tournament. Panigurado ay puro training nanaman kami nito.

"Cole!" Napahinto ako sa paglalakad.

"Coach." Bati ko,

"Nako Marco, wag mo kong macoach-coach at baka masapak kita, these past days, where have you been?!" Bulyaw niya.

"May emergency lang po." Madalas kasi akong wala sa training namin dahil sa pagbisita ko kay Lea.

"I assume that will the end, sana ay wag ng masundan. Go, warm up!" Mabait naman si Coach Arnie kung di lang talaga ako pala-absent.

Dumating ang break time at nilapitan ako ng dalawang estudyante. "Kuya.... may nagpapabigay po." Mukhang mga freshman pa ang mga ito.

"Nako, kayo, ang babata niyo pa," ibinalik ko sa kanila ang isang paper bag na may lamang McDo sa loob.

"Pinapabigay po ni Ate Sasha." Nabigla ako ng mabanggit ang pangalang iyon.

"Bakit kilala niyo siya?" Tanong ko.

"Kasi po, tini-train niya kami upang maging susunod na henerasyon nila." Nabilaukan ako sa sariling laway.

"Kunin niyo na po at babalik na kami sa bahay nila." Wala na akong nagawa kundi kunin ito, mabuti nalang at gutom si Noah kaya siya na ang kumain ng ibinigay ni Sasha.

"Alam mo Pre, for keeps na yan si Sasha, biruin mo pinadadalhan ka pa ng pagkain sa training natin? Dapat diyan pinapakasalan na!" Si Noah talaga...

"High school palang tayo, wala munang kasal." Pero sa loob ko ay plano na talaga ng mga magulang namin yan.

Nagkaroon pa ng mahabang practice at sa wakas ay tapos na. "Tomorrow is Saturday so I guess lahat kayo ay maglalaan ng oras para sa training. Kailangan kayong lahat, especially you, Cole."

"Yes coach."

Nang makarating ako ng parking ay nakita ko si Sasha na nakasandal sa Mazda ko. "Hey babe." Bati niya.

"What?" Iritado kong tanong.

"I thought we're okay? Tinanggap mo na nga yung lunch na pinadala ko diba?" Sabi na e, mali talaga yung idea na tinanggap ko yung lunch na pinadala niya, may ibang meaning nanaman.

"Tinanggap ko kasi nakakahiya naman sa inutusan mo, at pwede ba, Sasha? Wag mo na akong idamay sa kalokohan mo." Hinawakan ko ang pinto ng sasakyan ko at binuksan. Tahimik akong pumasok sa loob at pina-andar ng walang lingon-lingon.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, naligo agad ako at pumunta sa kusina upang mag-break fast.

"Marco." Madiing sabi ni Daddy.

"Yes po Dad?"

"Anong ginawa mo kay Sasha kahapon?" Napatingin ako sa kapatid kong nagpa-ikot ng mata ng marinig ang pangalan ni Sasha.

"Po? Wala po."

"Anong wala?! Sinigawan at iniwan mo daw! Galing sa trangkaso si Sasha! Hindi mo manlang hinatid?! Huwag mo kong ipahiya Marco." Palakas ng palakas ang sigaw ni Daddy.

"Hayaan mo na, kung ayaw wag ipilit, masasaktan lang ang anak mo." Pigil ni Mommy kay Daddy.

Imbis na kakain ako ay nawalan na ako ng gana, tumayo ako at dumiretso sa kwarto para kunin ang gamit ko. Pagkalapit ko sa sasakyan ay nilapitan ako ni Mommy, "Anak, pagpasensyahan mo na yung Daddy mo ha? Stress lang talaga yon, tsaka kumain ka ha? Mag-ingat!" Hinalikan ni Mommy ang noo ko.

Malalim ang iniisip ko habang nagmamaneho. Kaya di ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng school. Minaniobra ko pabalik sa malapit na McDo dahil naalala ko, hindi pa pala ako nakakapag-agahan.

Saglit lang akong kumain at nag-drive na pabalik sa school, kahit sabado ay maraming tao dito marahil ay dahil sa mga activities na kailangan gawin.

"Ang aga ha!" Si Liam ang una kong nakita na kababa palang ng sasakyan niya.

"Bakit ba?" Tinaas ko ang kilay ko.

"Ay sungit!" Sabay kaming pumunta sa gymnasium.

"Pre, kamusta na yung nililigawan mong grade 7?"

"Abnormal! Marco, wag kang magbibiro ng ganyan! Para kang tanga." Masama ang tingin niya habang ako ay tawa ng tawa.

Mga thirty minutes pa kaming nag-antay habang ang iba naman ay sunod-sunod ng dumadating.

Maski water break ay walang inannounce si Coach. Gahol-gahol na kasi kami sa practice. Saglit naman akong napatingin sa cellphone ko,

2:35 pm

Unknown number:

Lea is waiting for you to come here, ayaw niyang magpa-chemotherapy hanggat wala ka.

Napatingin naman ako sa relo ko, 4:50, great!

"Coach! May kailangan lang po akong gawin, emergency po." Sunod-sunod kong sabi.

"What? Ano? Hindi pwe—"

"Bye coach! Salamat!" Kinuha ko lahat ng gamit ko at tinakbo ang papuntang parking.

Wala na akong pakielam sa speed limit kaya pina-andar ko ng mabilis papuntang hospital ang sasakyan ko.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Lea at sinilip ito, "Ahhhhhh!!!!!" Mariin niyang sigaw.

She's pain.

"Ahhhh!!!!!!!!" Sigaw niya pa.

"Saglit nalang Lea, at matatapos na tayo." Paki-usap sa kanya ni nurse Josie.

Napatirig ako sa kanyang mukha na unti-unting tinutuluan ng luha.

Marami pang sigaw ang aking narinig, bago matapos ang chemotherapy niya.

"Naabutan mo pa pala, inaantay ka niya kaya nag-text ako sayo." Nginitian ko lang siya at nilapitan si Lea na nakahiga at hinang-hina sa kama.

"Hey." Bati ko.

"You're here." Ngumiti man siya, pero halatang pagod.

"Yeah, sorry. I'm late, I thought your chemotherapy is not today. Nag hintay ka pa tuloy." Hinawakan ko ang ulo niya at pinasadahan ang kaunti niyang buhok.

"It's okay to wait." Her last word before fall asleep.

Reason To Live [on hold]Where stories live. Discover now