Chapter 2

10.6K 365 28
                                    

Note : Dedicated to Exo_SeKai9488

**

DATA

Nandito na ako ngayon sa sinasabing dormitory na tutuluyan ko sa buong school year ko rito sa Intrepide University. White and black ang theme nito. Mayroong codes pattern rin akong idinkit sa pader ng kwarto ko. You know, I'm a hacker and also a programmer, at 'yong isang code pattern ay isang secret screen computer, na mukhang code pattern frame lamang na sinasabit o idini-display lamang sa pader o kung saan, but if na-connect mo ang tamang code's nito ay gagana ito. Isa kasi itong advanced technology. Ini-lagay ko 'yon sa center ng table, sa gilid ng cabinet, na may naka-lagay na mga device and weapon's, na karamihan ay imbento ni Mom and Dad.

Tumungo ako sa walk in closet ko, at saka nakitang mayroon ng mga damit doon at iba pang mga gamit na kakailanganin ko sa araw-araw. At saka mayroon na ring uniform and complete set of school supplies. One backpack, ballpen and binder. As I remember, wala akong dalang damit patungo rito? O hindi kaya' ayy full package na ang unibersidad na 'to? Well, that's nice. Wala na akong dapat pang alalahanin.

Bukas na nga rin pala ang simula ng klase ko, at nae-excite na ako sa mga mangyayari at sa mga matutuklasan ko about this school. Curiosity is really driving me crazy now!

Inayos ko na ang school supplies ko at saka isinama ko na rin ang mega-blade ko, in case of emergency. It's a small metal box na mayroong kulay green na button. Kapag pinindot mo 'yong button na 'yon ay magiging katana, sword or kahit anong mga weapons with blades at kung yung red button naman ang pinindot mo ay babalik ito sa dating hitsura nito. And of all weapons ay pinaka-favorite ko ang weapons with blades like sword, katana, etcetera.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko ay naligo muna ako at saka nag-bihis, dahil na rin sa marumi at sira-sira na ang suot kong damit dahil sa nangyari kanina sa labas ng unibersidad na ito. Maglilibot na muna siguro ako ngayon sa buong unibersidad para ma-familiarize ko ang bawat sulok nito, at hindi na maligaw pa bukas kapag nag-libot ako, o kailangan kong pumunta sa ganito-ganyan.

Kulay puting shirt at itim na ripped jeans lang ang suot ko na tinernohan ko rin ng black and white Adidas superstar, at saka itim na leather Jacket. Kinuha ko 'yong necklace ko na mayroong pendant na shield. Well, this is also a defense weapon. Kaya nitong i-shield ang limang tao, kasama na ako pero gagamitim ko lang 'to kung kailangan talaga.

Mabilis akong lumabas sa kwarto ko, at saka bumungad sa akin ang malinis at malawak na sala ko. Dumaan ako sa may table at kinuha ang ID ko doon na ipinadala sa akin kanina ng Headmaster. Literal na ipinadala. Ang yaman, hindi ba? Tsk-tsk.

Binulsa ko na 'yon at saka lumabas na ako ng tuluyan sa dormitory ko. Bumungad sa akin ang isang napaka-lawak at napaka-tahimik na hallway ng Gold Dormitory kung saan ako nanunuluyan ngayon. Mayroong tatlong dormitory kasi dito. Ang Gold, Silver, and Bronze. Depende rin sa dormitory mo kung anong klaseng card o ID ang ibibigay sa iyo. Ang ID naman ay ang gagamitin namin upang bumili ng kahit anong kakailanganin namin sa paaralan na ito, dahil doon nakapaloob ang tuition namin sa buong taon. 'Yon rin ang magsisilbing susi namin sa dormitory namin, at saka doon malalaman kung anong antas ka sa unibersidad na ito.

Hindi ko nga rin alam kung paano ako napabilang sa Gold, eh. Baguhan pa lang kasi ako, kaya nagtataka rin ako. May sapak siguro 'yong principal.

Sumakay ako sa elevator at saka pinindot ang ground floor. Grabe! Ang tahimik dito. Mapapanis yata 'tong laway ko sa sobrang tahimik sa lugar na 'to. Daig pa ang may patay.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong lumabas doon at saka nag-lakad palabas ng building. Una kong pinuntahan ay ang cafeteria. Wala pang studyante doon ngayon kaya walang ingay at gulo. Malamang ay nasa classroom o dorm pa nila silang lahat.

Bahala sila. Pake ko ba sa kanila? Basta ako--still alive and breathing, at saka siyempre. Still gorgeous. Ano pa ba?! Alangan namang i-down ko sarili ko.

Mabilis akong lumapit sa nagtitinda rito, at saka bumili ng isang tuna spread sandwich at saka chuckie. My favorite! Ang sarap kase.

Mabilis kong ipina-swipe ang ID card ko, at saka ako umupo sa may dulong bahagi ng cafeteria. Tumingin ako sa suot-suot kong Axis Watch at saka pinindot ito, kasabay ng pag-labas ng isang holographic clock. Alas-tres na pala at ala-sinco ang dismissal dito, sabi ni Headmaster, kaya may dalawang oras pa ako para mag-libot rito ng walang istorbo.

Pagka-tapos kong kumain ay lumabas na ako ng cafeteria at nag-libot-libot hanggang sa mapadpad ako sa isang field. Napakalawak ng field nila. Mga nasa two or four times ata itong mas malawak at mas malaki sa field ng nakaraang school ko.

Umupo ako sa may bleacher's doon at saka ako pumikit. Iidlip na lang siguro muna ako dito. Napagod rin akong mag-lakad at kumain, e.

Ang lawak kaya nitong school, kaya sinong hindi mapapagod. 'Di ba? Oh, aangal ka? Ha?

Hindi ko namalayan ang oras at ala-sinco na pala. Bumangon ako't nag-inat ng may biglang sumigaw-

"MISS ILAG!" nanlaki ang mga singkit kong mata nang makitang mayroong tatlong kutsilyong paparating sa akin at mabilis ko namang nasalo 'yong isang ilang inches na lang ang lapit sa akin at saka ako yumuko para iwasan 'yong dalawa.

Napa-hinga ako ng malalim. Muntik na yun ha! Bakit ba may naglalaro ng mga throwing knives rito?! Hindi ba bawal 'yon? School 'to, hindi playground!

Tumingin ako sa sumigaw kanina at saka ko ipinakita ang throwing knife na hawak ko.

"Sayo ba 'to?" tanong ko roon sa lalaki na nasa field. Tumango naman ito, at saka nag-gesture na ibato ko iyon pabalik kaya tumango ako.

Inikot ko ang tatlong maliit na throwing knife sa pagitan ng mga daliri ko at saka ko iyon mabilis na ibinato patungo sa direksyon niya.

"Shit!" sigaw nito at saka siya napa-upo sa damuhan upang iwasan ang mga papalapit na throwing knife na tumama sa isang puno na hindi rin naman kalayuan.

Shit? Baka sit? Umupo siya, eh. Hays.

Umalis na lang ako doon at saka ako tumungo sa dormitory ko. Hindi na muna ako kakain ng dinner. Diet ako ngauon. Ayaw kong tumaba, 'no. Mahirap magpataba. At saka kapag mataba ka na, mahirap rin magpapayat.

Nang makabalik ako sa dormitory ko, ay kaagad akong humilata sa kama ko at saka ko ipinikit ang aking mga mata. I'm so tired, kahit kagigising ko lang at wala naman talaga akong ginawa. Huminga ako ng malalim.

"Welcome to Intrepide University, Data. Mag-aaral ka na namang muli," I sighed, at saka ako ngumuso. Palagi kasi akong nag-a-accelerate sa dating school ko, which is sa International School of Manila, kaya naka-graduate agad ako sa college, sa kursong Information Technology o IT. Nag-aral rin ako ng iilang Computer related courses. At ngayon, babalalik na naman ako sa pag-aaral. Great. Just great.

**

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon