Note : Dedicated to miss Meensheen
**
DATA
Kinabukasan ay alas-cuatro pa lamang ng umaga ay nagising na kaagad ako. Hindi ko alam, ngunit ganito talaga ako. Parang mayroong sariling alarm clock ang katawan ko at kusa na lamang akong nagigising pag-sapit ng alas-cuatro ng umaga.
Tumitig muna ako sa kisame at saka kumurap-kurap, bago ako tuluyang tumayo at saka ako nag-inat ng katawan bago humikab habang nagla-lakad palapit sa bintana at saka ko binuksan ito.
Today is the day! Magsisimula na ang pasok ko dito sa Intrepide University and excited na ako pero at the same time ay kinakabahan rin. At hindi ko alam kung bakit. Today is the day rin kung kailan magsisimula na ang misyon ko rito. Ang alamin ang tungkol sa school na 'to. Ang dahilan kung bakit tumungo ako rito.
Unang tapak ko pa lamang sa teritoryo ng paaralang 'to... sa teritoryo ng Intrepide University ay may naramdaman na akong kakaiba. Pati na rin noong marinig ko ang pangalan nitong paaralan na 'to kay Dad. Para bang may tumutulak sa akin na pasukin 'to, at heto na nga ako ngayon. Narito sa paaralang 'to.
Ilang minuto rin akong nakatayo sa harapan ng bintana bago ko napag-pasyahan na maligo na dahil baka mahuli pa ako sa unang araw ng klase ko rito.
Agad akong pumasok sa banyo, at saka ako nagsimulang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nag-bihis ng uniporme ng Intrepide. Isa itong shite longsleeve at black mini skirt na two inches above the knee. May blazer rin ito at nakalagay roon ang simbolo ng paaralang ito. Ang logo na nakalagay sa gate ng unibersidad. Nakalagay ito sa may tapat ng dibdib.
Kinuha ko ang mega-blade ko sa bag at saka 'yon binulsa at saka ko sinukbit ang bag ko sa balikat, ngunit bago ako tuluyang lumabas ay sinuot ko muna ang Axis Watch ko. It's not just an ordinary holographic watch, dahil isa rin itong uri ng camera recorder na hindi nafu-full at nag-s-stop record. Humihinto lamang ito kung pinatay ko 'to. Pwede ko ring i-replay lahat ng nangyari ngayong araw o noong mga nakaraang araw na na-capture nito.
Lumabas na ako sa room ko at patungo na sana sa kusina nang maalalang wala pa nga pala akong stock ng mga pagkain na gusto ko at kakailanganin ko at siyempre--lagi kong kinakain katulad na lamang ng tuna spread sandwich at saka chuckie. Magro-grocery na lamang siguro ako sa Intrepide City kung mayroong pagkakataon. Ang Intrepide City ay nasa teritoryo pa rin ng Intrepide University. Naroon ang mall, hospital, at saka ang mga galaan. Maaari lamang kaming tumungo roon tuwing sabado at lingo, kaya magtitiis muna ako sa pagkain sa cafeteria.
Napa-simangot ako at saka napa-nguso dahil mas gusto ko pa namang kumain ng lutong bahay este dorm. Mas feel ko kasing nasa bahay lang ako kapag ganun.
Habang narito ako ay bigla kong naalala ang alaga kong butiki. Naiwan ko nga pala si Zenon sa bulsa ng backpack ko! Buti na lang at naalala ko pa siya. Ang robot kong butiki na isang uri rin ng camera. Hindi rin ito masisira kahit anong gawin mo. Mukha rin itong ordinaryong butiki lamang. Naku! Kung ordinaryo talaga 'yong butiking 'yon, malamang nakawala na 'yon o patay na.
Mabilis akong bumalik sa kuwarto ko at saka ko kinuha si Zenon sa bulsa ng backpack ko na dala ko kahapon, at saka ako tuluyang nag-lakad palabas.
"Hi, Zenon baby! Na-miss kita," sabay haplos ko sa butiki ko na kasing laki lamang ng baby finger ko.
Nang maka-labas ako sa dormitory ay tumingin ako sa relo ko, pero siyempre ay naka-Wrist Watch mode pa ito.
Ala-sais na pala ng umaga at ala-siete ang simula ng morning class ko. May isang oras pa pala ako para kumain. Puwede na rin.
Habang naglalakad ako patungo sa cafeteria ay napapatingin sa akin ang iilan sa mga studyante. Ang iba ay tila naaawa sa akin, hahabang naka-ngisi naman ang iba. Naaawa? Ngunit, bakit? Mukha ba akong nakakaawa?
Nag-kibit balikat na lamang ako at saka ako nag-patuloy sa paglalakad habang hawak si Zenon. May iba ring napapatingin kay Zenon at tila nandidiri pa. Ang cute kaya ni Zenon! Sila nga yung mukhang kadiri, eh. Duh!
Nang makarating ako sa cafeteria ay maingay na maingay rito na para bang bagong laya lamang sa isang zoo ang mga narito at nagwi-wild. O puwede ring sa kulungan. Grabe! Naalala ko tuloy noong nag-adventure ako sa Africa tapos hinabol ako ng mga Zebra.
Bigla silang tumahimik at saka napa-tingin sa akin na naglalakad patungo sa dulong parte ng cafeteria kung saan hindi ako agad mapapansin. Ayoko kasi ng atensyon. Pero minsan ay gusto ko rin naman. Agad ein naman silang nag-iwas ng tingin at saka bumalik sa kanya-kanyang gawain, habang naka-ngisi. Ano bang meron? Ano kaya ang meron? Ang weird ng mga tao rito. Hays.
Inilapag ko ang bag ko sa sofa. Nasa pinaka-dulo ako ngayon ng cafeteria, sa may gilid ng glass window. Table for four ang upuan na ito. Naka-harap ang pwesto ko sa labas ng cafeteria at ang likod ko lang ang makikita nila pag tumingin sila sa akin.
Iniwan ko na muna 'yong gamit ko sa table ko at saka ako pumila upang bumili ng chuckie at saka tuna spread sandwich, as usual. Hinding-hindi talaga ako magsasawa dito! Kesa naman kumain ako ng puto with dinuguan. Ugh. Disgusting. Hindi ko alam kung bakit sarap na sarap doon si Mom at saka si Dad.
Nang makapag-order na ako ay mabilis akong bumalik sa kinauupuan ko at saka ko masayang kinain ang mga binili kong pagkain.
"Nandito na sila! Ang Hell Guerriers!" biglang tumahimik ang mga studyante na narito sa cafeteria, at tila bumigat ang atmospera ng paligid nang marinig ang sigaw nung isang estudyante. Narinig ko rin ang pag-bukas ng pintuan at pag-tunog ng mga sapatos.
Hell Guerriers? I think, mixed Filipino, French and English ang halos ginagamit na lenguahe rito. Guerriers is a French word na nangangahulugang warriors.
Biglang nanlaki ang mata ko sa naisip ko.
Mandirigma sila sa impyerno?! Ako nga, mandirigma sa zoo, eh! Inaway ko pa nga dati yung unggoy sa zoo na sinabunutan ako. Grabe! Galawin niya na lahat, huwag lang ang buhok ko. Ayun! Buti may buhok yung unggoy at nasabunutan ko din.
But I don't know pero kinakabahan ako sa mga taong kakapasok lang ngayon, but no way! Hinding-hindi ako kakabahan dahil lang sa kung sinong pumasok 'no. Hindi ako matatakot! Mas kakabahan pa ako kung isa 'silang uri ng alien na kamukha ni Barney o Kokey.
Dahan-dahan akong lumingon at saka ko nakita ang tatlong lalaki at saka dalawang babaeng nag-lalakad. Walang ekspresyon ang mga mukha nila. Wow! 'Di sila mukhang alien. Mukha silang men and women in uniforms.
One word to describe them? Nakaka-mangha. Nakaka-mangha ang kanilang kagandahan, kagwapuhan, kaseksihan, kakisigan at sigurado akong malalakas rin sila dahil base sa mga itsura ng mga studyante na kanina lang ay parang papatay kaka-titig sa akin ay para na silang mga maamong tuta. Tila ba'y takot na takot sila sa mga 'to.
Oo, blackbelter at saka weapon expert ako pero hindi ko pa nasusubukang lumaban. 'Yong totoong laban talaga. Ayoko kasing manakit. Ang hirap talaga maging mabait. Hays.
Nilibot nung lalaking nasa gitna ang mata nito at nagulat ako nang bigla itong huminto sa akin, kasabay ng pag-hinto ng mundo ko. Pigil rin ang pag-hinga ko. Teka--OA naman yung pag-hinto ng mundo! Kinabahan lang ako ng very slight.
Nagkatitigan kami nung lalaki. Hindi kami kumukurap at tila sinusuri ang isa't isa pero kaagad rin akong nag-iwas ng tingin. Talo ako, sayang naman. Never pa naman akong natalo sa titigan.
Hindi ko alam kung bakit, pero naka-ramdam ako ng takot sa lalaking 'yon. I think, kailangan kong umiwas sa kanya. Sa kanila.
Nagmamadali ako ngayong naglalakad sa hallway patungo sa classroom. Limang minuto na lang din at mag-sisimula na ang klase.
Sino kaya sila? Malalaman ko rin kung sino kayo, Hell Guerriers.
**
√
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...