Chapter 17

6.8K 244 8
                                    


**

DATA

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-bihis. Dala-dala ko ngayon ang papel, habang naglalakad ako patungo sa aming hidden headquarters.

Walang masyadong studyante ngayon dito sa hallway. Marahil ay namamasyal sila ngayon sa mall ng Intrepide.

Nang makarating ako sa harapam ng puno na nagsisilbing secret door o secret way ng aming hidden headquarters ay luminga-linga ako sa paligid at agad na ni-type ang password at saka ako pumasok roon.

Naabutan ko sila sa sala na seryosong naka-upo sa sofa. Si Alexander na naka-harap sa laptop niya, si Xiela at Lorein na napaka-layo ata ng iniisip, si Eos na lagi naman talagang seryoso, at si Tripp Axis na bored ang mukha. Hindi ako sanay na ganito silang lahat.

Umupo ako sa tabi ni Alexander at sumilip sa laptop niya at nakita ang picture nung babae. Agad kong inagaw sa kanya ang laptop niya.

"So, her name is Helena Quevas? Seventeen years of age, Senior high student of Intrepide University?" Tumango-tango ako at saka ako pumikit.

I promise, magbabayad ang mga may sala sa pagka-matay mo, kahit hindi kita gaanong kakilala at ka-close. Bibigyan ko pa rin ng hustisya ang pagkamatay mo.

Kumuyom ang kamao ko sa inis at galit dahil sa pangyayari.

Dali-dali kong inilabas ang papel na may naka-sulat na code. Bigla namang lumapit sina Xiela at Lorein sa akin.

"Ano yan?" Tanong nila.

"Codes. Rotate thirteen o mas kilala bilang ROT13." Tinignan ko ang naka-sulat.

Code : ORJNER

"Now, hand me a pen and paper, Lorein." Sabay lahad ng kamay ko, habang naka-tingin parin sa code. Mabilis niya naman akong nilahadan ng papel at panulat.

Agad kong sinulat roon ang code ng Rot 13.

A B C D E F G H  I  J  K L M
× × ×  × × ×  ×  ×  × ×  × ×  ×
N O P Q R S T U V W X Y Z

Agad kong isinulat muli ang code na naka-sulat sa papel na nasa bunganga kahapon ni Helena Quevas.

O = B
R = E
J  = W
N = A
E = R
R = E

"Beware!" Nagka-tinginan kaming lahat. Ngunit, saan kami mag-iingat?

Isa ba itong banta o warning?

Lumapit sa amin si Eos at Tripp. Biglang kinuha ni Tripp ang papel at kumunot ang noo bago tumingin sakin.

"Beware?"

"Yes. Pero, hindi ko alam kung saan ba tayo mag-iingat? Hindi naman naka-sulat ritom" Napa-yuko ako. Marahil ay dahil ito doon sa sikreto ng unibersidad na ito.

"Marahil, dahil sa sikreto ng unibersidad na 'to?" Patanong kong sabi. Nakuha ko agad ang atensyon nila.

"Sikreto?" I nodded.

"Yes. Bago mamatay si miss Helena, kinausap niya ako, habang parang baliw na tumatawa. She said, hindi lang ang pagiging gangsters ng students dito ang tinatagong sikreto ng paaralan. Na wala pa tayo sa kalahati. Na wala pa sa kalahati ang alam natin."

"Then, we'll investigate 'bout it, starting next-next week. For now, let's act normal." We nodded. I don't know, pero pakiramdam ko ay kinakabahan ako na nae-excite sa pinapasok naming gulo, kahit na alam kong delikado itong ginagawa namin ngayon.

"Wait! May flashlight ba kayo dyan?" Tanong ko. Tumango naman si Lorein, at dinukot sa bulsa ang ballpen niyang may flashlight sa dulo. Kinuha kong muli ang papel, at ni-flaslight-an 'yon, at hindi nga ako nag-kamali. May hidden message roon.

"Traitors." Nagka-tinginan kami, pagka-tapos naming basahin 'yon ng sabay.

"Ngunit, sino? Sino ang traydor?" Tanong ko sa kanila. Na-tahimik naman kami, ng biglang mag-salita si Tripp.

"We'll know it, soon. Dismiss." Tumayo na kaming lahat at aalis na sana ng bigla akong higitin ni Xiela.

"Shopping tayo sa Intrepide Mall?" Kuminang naman ang mata ko, at mabilis na tumango. Matagal na rin simula nung makapag-shopping ako.

"Sure-sure! Game ako dyan!" Pag-sangayon ko.

"Okay, then. Mag-bihis muna tayo sa room natin, girl's." Xiela at mabilis kaming hinila sa girl's room ng headquarters.

Pumasok kami sa walk-in closet at nang-halughog ng mga damit.

Ilang minuto pa, naka-hanap rin kami ng masusuot. Alam niyo na. Girl's.

Suot ngayon ni Xiela ay isang dark red backless dress na above the knee, and white doll shoe's. Naka-lugay lang rin ang mahaba nitong buhok.

While suot naman ni Lorein ngayon ay isang ripped jeans and black top, partnered with black vans habang naka fish-tail naman ang buhok nito.

Habang ang suot ko naman ay high waist maong short's and grey top, partnered with my black Adidas rubber shoe's, habang naka braid ang buhok ko.

"Let's go?" Tumango kami sa isa't isa at sabay-sabay na lumabas ng room ng maabutan namin ang boy's sa labas na bihis na bihis na naka-upo sa sofa habang inip na inip ang mukha.

"Bakit ang tagal niyo?" Bulyaw ni Alexander. Sinapak naman siya ni Xiela.

"Bakit?! Sinabi ba naming sumama kayo?!" Sabay roll eye's nito.

"Hindi! Pake mo ba kung sasama kami, panget?" Sabay kunot noo ni Alexander. Mas lalo namang nainis si Xiela at susugurin na sana si Alexander ng may nag-salita bigla.

"Enough." One word lang, tumigil agad sila. Malamang, si Tripp yon, e. Ang bossy nilang- oh, namin rather na leader.

Nag-samaan nalang sila ng tingin. I don't know, pero natatawa ako sa kanila. They looks like a child na nag-aagawan sa isang kendi.

"Let's go." Hinila ako ni Tripp bigla at nauna kaming nag-lakad, habang naka-sunod naman sila Lorein.

"I hate your outfit." Bulong sakin ni Tripp at tumingin sa paligid. Nandito na nga pala kami ngayon sa harap ng sinasabi nilang mall, at hindi ko maipagkakailang napaka-laki nga nito.

Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "I don't care," Sabay irap ko rito. I heard him tsk-ed.

"Look at those bastard's! They are looking at you." Ano bang problema nito?

"Why do you care?" Sarcastic kong tanong at umirap. Umiwas ito ng tingin and fake a cough.

Hindi ko nalang siya pinansin at iniwan siya sa may parking lot at nakisabay kina Xiela't Lorein.

"Fantasy World tayo?" Fantasy World?

"Saan yun? Anong Fantasy World?" Taka kong tanong.

"Sa fifth floor ng mall. Ang Fantasy World ay ang pangalan ng arcade ng school. Maganda dun!" Proud na singit ni Alexander.

Biglang lumapit ang boy's sa amin. "We should eat first. I'm hungry." Reklamo ni Tripp, using his cold voice at humawak pa sa tiyan niya. I rolled my eye's.

"Kumain ka mag-isa mo." Bulong ko. Kitang gagala na kami, e. Napa-lingon ito sa akin.

"Saying something, Ferrer?" Umiling ako at pekeng ngumiti, pero sa loob-loob, gusto ko na siyang sunugin ng buhay. Wala akong pake kung crush ko pa 'tong lalaking 'to. Aba! Kanina pa 'to epal ng epal, e!

Pumasok na kami sa mall at marami agad kaming nakuhang atensyon. Ugh. I hate attention.

Kumaway-kaway naman si Alexander at parang mapu-punit na ang mukha kaka-ngiti, habang kilig na kilig naman yung mga babae. Hindi ko alam, may pagka-playboy pala 'to.

Napa-tingin ako kay Xiela na ang sama ng mood pero agad ring nag-bago nung may kumaway sa kanyang mga lalaki, na kinawayan niya naman pabalik, with her sweet angelic face.

Napa-tingin ako kay Alexander na naka-taas na ang kilay.

I smell something candy? I smirked.

**

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon