**DATA
Mag-iisang linggo na rin simula noong manalo ako laban sa Hell Guerriers at dalawang linggo na rin kaming nag-t-training.
Busy ang lahat ng studyante at staffs ngayon sa dito school dahil na rin sa paparating na underground battle sa arena. At ang mas masaya ay wala pang nakaka-alam na ako ang bagong gangster recruit ng Hell Guerriers.
Lunes na ngayon at naka-tunganga lang ako dito sa loob ng classroom. Wala si Hana Rios dahil nasa training area siya nila. At wala rin ang Hell Guerriers. Ewan ko kung nasan na sila. Ang oras kasi ng training namin ay alas-cuatro hanggang alas-siete pero hindi naman sumusulpot yung magaling na leader naming si Tripp. Hindi niya siguro trip.
Hindi ko parin akalain na ang paaralang ito ay para isang paaralan na para sa mga gangsters. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o mae-excite dahil sa thrill.
Hindi ko din alam kung nagsisisi ba akong pumunta ako rito dahil sa aking kyuryusidad, o mas nae-engganyo at natutuwa, lalo na sa mga nakita at natuklasan ko.
Napa-hinga ako ng malalim at isinandal sa bintana sa gilid ko ang ulo ko at pumikit.
Alas diyes na rin ng umaga at wala pa mi-isang studyante ang narito. Malamang ay nasa training area's nila sila.
What a peaceful day. Walang maingay, walang gulo, walang Hell Guerriers-
"Bulaga!"
Nagulat ako nung may bumulong na bulaga sa tenga ko, at nahulog sa upuan. Nanlalaking mata akong tumayo at tumingin sa nanggulat sakin.
"Alexander!" Humagalpak lang ito ng tawa with matching duro-duro pa talaga sakin.
"Kung nakita mo lang ang mukha mo! Epic!" Sabay takip nito sa bunganga niya. Sa lahat ng miyembro ng Hell Guerriers, siya talaga yung pinaka-isip bata. Yung hindi masyadong seryoso.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili kong hampasin siya ng upuan.
"What are you doing here?" Grabe. Buti nalang at hindi napanis ang laway ko. Almost three hours narin kasi akong nandito sa room at hindi nag-sasalita.
Tumikhim ito at sumeryoso pero nagpa-pasimpleng tawa pa rin.
"By the way, I'm here to fetch you, Demonya este Evyl- I mean, Data." Napa-simangot naman ako dahil sa sinabi niya. Demonya man ang pangalan ko, maganda pa rin ako.
"Mamaya pa ang training ko, hindi ba?" I asked habang naka-nguso. Parang ang aga naman kasi nila akong pinatawag. Hindi uso pahinga, ganon?
"Nope. Sabi ni Tripp, siya ang magtra-train sayo this week para hindi ka mukhang tanga sa battle next week, friday." Napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa narinig.
"Okay."
Nag-simula na kaming mag-lakad palabas. Sa may hagdan kami dumaan.
I can't believe it, naka-three week's na pala ako dito, and magfi-first month na ako rito next week.
Ng maka-rating kami sa likod ng center building ay tumungo kami sa harap ng isang puno at kinapa ang switch doon at tinype ang passwird. Bigla itong nahati sa gitna at bumungad sa amin ang isang hagdan patungo sa baba.
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...