Chapter 22

6.3K 231 93
                                    


**

DATA

Ilang araw na mula noong nangyari ang pag-saksak sa akin at pagka-alam ko tungkol sa isang tagong tuluyan o ano man sa forbidden forest.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naka-higa habang nag-iisip.

Sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol don?

Pano nila nalaman na naroon ako?

At saka, yung gumaya kay Tripp? Sino kaya 'yon? Pakiramdam ko, kakilala ko 'yon. Pakiramdam ko...

"Data!"

Nabalik ako sa reyalidad nang alugin ako ni Xiela. Tama pala. Ngayon na gaganapin ang sinasabi nilang pageant. Matagal-tagal na rin simula noong maka-sali ako sa mga labanang tulad niyan, kaya pumayag na lamang ako. At saka, kapag hindi ako pumayag, alam kong pipilit-pilitin pa rin naman nila ako hanggang sa mapa-payag nila ako.

"Oh?" Bored kong tanong. Namaywang ito at itinaas ang kilay nito.

"Gaga ka ba o gaga ka lang talaga?" Utas nito, at pinitik ako sa noo, kaya naman ay napa-hawak ako roon.

"Aray, ha? Ano ba kasi 'yon?" Inis ko ring tanong rito.

"D to the U to the H! Malapit na pong mag-simula ang pageant, kaya gora na tayo sa backstage! Tanga." Napa-kamot ako sa leeg nang bigla ako nitong hilahin. Bakit ba ang hilig mang-hila ng mga tao rito? Hilahan portion?

Nang maka-rating kami sa backstage ay sumalubong agad sa aming dalawa ni Xiela ang naka-busangot na mukha ni Lorein at ang ibang contestants.

Shit. Feeling ko, matatalo na ako. Ang gaganda kaya ng mga kalaban ko ngayon.

"Bakit ang tagal niyo? At saka, hoy babae, tatalikod ka sa salamin." Bored na tanong ni Lorein at hinila ako paupo sa harap ng salamin, pero ang plot twist, naka-talikod ako rito para surprise raw.

Nag-simula na silang lagyan ng kolorete ang mukha ko at ayusin ang buhok ko. Mga ilang minuto lang ay tumigil na sila at ngumi-ngisi pa talaga.

"Ang ganda mo, Data." Puri sa akin ni Xiela. Flattered naman ako kay Xiela. Baka lumaki ang ulo ko. Pfft!

"Yeah. Siguradong mas mai-inlove pa siya sayo." At diniinan pa talaga ni Lorein ang salitang siya kaya napa-irap ako. Sino ba yung tinutukoy niya?

"Okay. It's showtime." Inikot nito ang upuan ko paharap sa salamin at-

"What the fuck, dude? Is this really me?" Gulat kong mungkahi. Sumasali naman ako sa pageant dati at nime-make-up-an pero bakit parang mas maganda 'tong sa ngayon?

Light make-up lang naman ang inilagay ni Xiela sa mukha ko, habang ni-bun naman ni Lorein ang buhok ko na may konting kulot.

"Now, now. Suotin mo 'to at rarampa na kayo para sa introduction." Ani ni Xiela at inilapag ang isang dark blue with a touch of creamy white off-shoulder dress at isang dark blue sandals with two inch heels.

Kinuha ko naman 'yon agad at saka ako pumasok sa dressing room na pagbi-bihisan ng contestants. Sumalubong naman sa akin ang lima pang contestants, kasama na si Hana Rios.

Naka-three inch above the knee, tube dress ito na kulay pula, at itim na killer heels, habang nagli-lipstick sa harap ng salamin.

Agad akong pumasok sa isang cubicle at nag-bihis tsaka lumabas, at sumalubong sakin ang naka-ngisi habang naka-crossarms na si Hana Rios.

"Goodluck." Tumalikod ito at saka umalis. Napa-ngiti ako. Ang bait talaga niya, hinintay pa talaga niya ako para sabihin lang 'yon.

Lumabas na ako ng dressing room at tumungo kila Xiela at Lorein.

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon