**
DATA
Ikatlong araw na ngayon ng aming pagsa-sanay para sa darating na labanan sa mga susunod na araw. Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan at mangamba habang iniisip ang posibilidad o maaari na mangyari sa aming lahat o sa bawat isa sa amin at sa paaralan kapag hindi namin nasugpo ang kasamaan na ito.
Paano kung... matalo kami? Paano kung may mawala sa amin? Hindi ko 'yon kakayanin. Kung kinakailangan, ibubuwis ko ang buhay ko. Oo, ganito ako ka-desperada, ma-protektahan lang sila. Ang mga kaibigan ko, at ang mahal ko. Oo. Ngayon ko lang na-realize na talagang mahal ko siya. That I can't live without him. He's my life, my world. He's my star in this dark world.
And I'm lucky to have him. I'm very lucky, to be his one and only. I'm happy, to be his star, too.
"Focus, Data!" Naka-ramdam ako ng hapdi sa kanang braso ko ng madaplisan ako ng dagger. May paparating palang dagger. Hindi ko napansin.
Napa-lingon ako sa training partner ko ngayon na naka-kunot ang noo.
"Iniisip mo nanaman ba ako, babae?" Hambog na tanong nito. Teka, did I just hear him speak in tagalog? Wow! Ang cute lang kasi, nabu-bulol pa siya na para bang bata pa siya.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pagiging hambog niya, o matatawa sa ako sa accent niya. Pinilit kong pag-seryosohin ang mukha ko and I faked a cough.
I'm here at the garden, naka-sandal sa puno habang kumakain ng burger nang bigla na lang dumating ang Hell Guerriers.
"Kanina ka pa ba riyan, Data?" Tanong sa akin nini Xiela at saka ito umupo sa tabi ko, ganon din si Lorein. Napapa-gitnaan nila ako ngayon. Habang ang mga lalaki naman ay humiga sa damuhan.
"Hindi naman. Ngayon-ngayon lang rin naman ako dumating." Sagot ko pa. Tumango naman ito, at tumingin sa kawalan, bago ngumiti.
"Sana ay matapos na ang lahat ng ito. Sana ay pagka-tapos nito, kumpleto pa rin tayo." Tinapik ko siya sa balikat, at nginitian.
Ngunit hindi ako sigurado kung kumpleto pa ba kami pagka-tapos ng labang gaganapin sa susunod.
"Huwag kang mag-alala, kakayanin natin 'to. Alam kong magta-tagumpay tayo." Pagpapa-gaan ko sa loob nito. Bigla naman itong ngumisi, at saka hinila kami ni Lorein patayo kaya napa-tayo din ang mga lalaki.
"Bonding tayo?" Masigla nitong tanong. Mabilis naman akong sumang-ayon, ganun rin sila, maliban kay Tripp.
Lumapit ako rito at hinampas siya sa braso, ang tigas. Sinamaan ako nito ng tingin, pero ngumiti lang ako, at tinaasan siya ng kilay. "Sali ka? Game?" Excited kong tanong.
"Tripp? Please.." Paki-usap ko, pero parang wala lang itong nari-rinig.
"Axis? Tripp? Theor? Tripp Axis?" Pangungulit ko, pero ganun pa rin, kaya napa-nguso na lang ako.
"B-baby?" He sighed deeply and close his eyes bago hawakan ang mga kamay ko, "y-yes, baby?" Napa-ngiti naman ako nang sumagot ito.
"Sama ka sa amin?" Tumango lang ito at saka inakbayan ako, kasabay ng hiyawan ng Hell Guerriers, kaya namula ang buong mukha ko sa sobrang hiya.
"So, let's go to the Intrepide Mall!" Hinila bigla ni Xiela si Alexander, kaya namula ang dalawang tenga nito. Lihim akong napa-tawa. Ang cute! Siya pa talaga yung namula.
"Hoy, lalaki! Tara na." Hinila rin ni Lorein si Eos, na boyfriend niya na ngayon. Nag-ligawan portion kasi sila kahapon at nag-aminan ng obvious nilang feelings. Nag-dramahan pa sila bago nagka-aminan kahapon. Tsk!
Mabilis ko ring hinila si Tripp, kasunod nila. Bawat studyanteng nadadaanan namin ay napapa-tingin sa amin. Lalo na sa aming dalawa ni Tripp. Agaw pansin rin kasi itong kasama ko.
May ibang natutuwa habang naka-tingin sa amin, at ibang parang papatayin na ako sa tingin dahil sa sobrang inggit. Mamatay kayo sa inggit!
Hays. Bigla akong napa-isip. Kamusta kaya si Hana Rios? Sana, hindi siya sinasaktan sa lugar kung nasaan man siya sa ngayon.
Nasa loob na kami ng mall ngayon, at pinag-titinginan pa rin kami hanggang ngayon ng iilang staffs and students na nandito.
"Data, sa Timezone lang kami ni Alexander na panget, ah?" Paalam ni Xiela sa akin. Hindi pa ako nakaka-sagot ay mabilis na silang umalis sa harapan namin nila Lorein kaya naman ay napa-nguso ako.
Biglang tumungo sa harap namin ni Tripp si Lorein at Eos.
"Magdi-date lang kami." Ani ni Eos. Namula naman si Lorein at saka siya napa-kamot sa batok niya nang bigla siyang hilahin ni Eos sa kaliwang banda ng mall.
Nai-ilang naman akong napa-tingin kay Tripp. "A-eh, san tayo ngayon?" Tanong ko rito. Tinignan niya lang ako at saka biglang hinila patungo sa isang exclusive accessories store dito sa mall.
"Welcome to Diamond Store, ma'am and sir." Sabay lead sa amin ng babae patungo sa harap ng isang glass, kung saan naka-lagay ang accessories. Bracelets, rings, earings, necklaces.
"Choose." Sambit ni Tripp bigla, habang mahigpit paring naka-hawak sa kamay ko.
"H-ha?" Maang kong tanong.
"I said, pumili ka." Sabay turo nito sa mga jewelries sa harapan ko. Na-bother pa ako sa Tagalog niya. Napa-tingin ako sa mga ito, at sa mga presyo nito, at saka nanlaki ang mga mata ko.
"E-eh, ang mahal ng mga 'yan." Sambit ko at tumaas naman ang kilay nito.
"Tss." Inirapan niya ako, at nilapit nito ang mukha sa salamin.
"I want those rings, miss." Ani nito sa sales lady, sabay turo sa dalawang sing-sing. Couple ring to be exact. Color silver ito, at ang disenyo nito ay moon and star. Yung pang-babae, star, at moon yung pang-lalaki.
"Yes, sir." Kinuha nito ang sing-sing at isinukat sa kamay namin, at kumasya naman.
"That would be, 256,759 pesos, sir." Nag-labas naman ng credit card si Tripp para mag-bayad. Siguro ay marami na siyang naipon mula sa mga laban, at sigurado rin naman akong mayaman si Tripp.
Nang matapos niyang bumili ron ay hinila ako nito agad palabas sa store. Suot pa rin namin ngayon ang mga singsing.
"Tripp, ang mahal naman ata nito. Baka maubos ang pera mo, ah." Kunot noo kong reklamo. He satred at me, with his eyes sparkling.
"I'm willing to spend all of my money, just for you, baby." Sabay halik nito sa noo ko. Bakit ba ang sweet-sweet ng lalaking 'to ngayon?
"Promise me, Data... that you won't leave me." Seryosong sabi nito. Ngumiti ako sa kanya at saka ako tumango, even if, hindi ko alam kung mabu-buhay pa ba ako pagka-tapos ng larong ito.
He smiled at saka niya in-interwind ang mga kamay namin.
Sana, ganito nal ang palagi...
Sana ay walang mag-bago o ma-wala sa amin.**
√
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...