Chapter 7

7.4K 295 9
                                    


**

DATA

Nandito ako ngayon sa loob dormitory ko. Mag-a-alas-diyes na ng gabi, at hindi pa rin ako nakakapag-desisyon kung pupunta o papayag ba ako sa alok nila sa akin.

Pero paano kung hindi ako pumunta? Edi wala akong gang, tapos patay pa ako sa kanila? O'shit, men. Hindi na talaga ako maaaring tumanggi pa sa alok nila sa akin.

Mabilis kong isinuot ang sweatshirt ko at sa ako nag-leggings, tapos sinuot ko na ang cap ko. Naka-all black ako ngayon dahil black-out naman dito tuwing sasapit na ang alas-otso at para na rin hindi ako makita sa CCTV cameras ng unibersidad na ito. Mahirap na.

Bumuntong hininga ako, bago ko inilagay sa aking bulsa ang mega-blade ko, at saka ako tumungo sa may pinto. Sumilip ako sandali, at nang makitang walang tao ay dali-dali at walang paligoy-ligoy na akong lumabas habang naka-dikit sa pader.

Dahan-dahan akong nag-lakad hanggang sa maka-rating ako sa first floor ng building namin, nang biglang may marinig akong yapak, kaya tumalikod ako, kaya naka-harap na ako ngayon sa pader at dumikit pa ako lalo rito. Buti na lang talaga at flat ang puwet ko.

Nang maka-lampas sa akin 'yong mga watcher ay kaagad na akong tumakbo palabas at saka ako napa-hinga ng maluwag.

"Muntik ka na, Data!" hinihingal kong sambit, sabay pitik ko sa noo ko, at saka ako nag-patuloy sa paglalakad patungo sa likod ng dormitoryo kung saan kami magkikita ng Hell Guerriers.

Mabibigat ang hakbang na binibitawan ko habang naglalakad, hanggang sa maka-rating na ako ng tuluyan roon, ngunit wala akong naabutang kahit na sino. Nag-taka naman ako, at saka ako lumingon-lingon sa paligid upang mag-masid.

"Nasaan na sila?" takang tanong ko pa sa sarili ko, at nag-patuloy sa linga-linga sa paligid nang biglang humangin ng malakas, kaya napa-yakap ako sa sarili ko.

Bigla akong naka-rinig ng mga yapak patungo rito, kaya naman ay kaagad akong umakyat sa may puno rito, at saka ako nag-tago sa malaking sanga habang naka-silip sa mga paparating.

"Where is she? It's already ten pm," ani ni Xiela, sabay hampas ng baseball bat sa kamay niya.

Wow! Maka-where is she, eh, kanina pa nga ako nauna rito, eh. Akala naman nila sila ang maghihintay. Ang kakapal ng apog. Hampas ko sa nguso mo 'yang bat mo, eh. Kainis.

Pinagmasdan ko muna sila mula rito sa itaas ng puno. Luminga-linga pa sa paligid si Xiela. Napa-hagikhik naman ako, nang biglang may langgam na kumagat sa paa ko. Naka-tsinelas lang pala ako! Shemay. Nakalimutan kong mag-palit ng sapatos. Hay, naku! Ang tang mo talaga, Data.

Napa-sigaw ako nang dumulas ako at saka nahulog sa puno. Napa-lingon naman sila sa akin kaya kaagad akong tumayo habang naka-hawak sa bewang ko at saka ako nag-peace sign.

"Tss. I thought you're late. You know, I hate late comers," sabay irap nung Xiela. Duh? Mas nauna pa nga ako sa kanilang dumating dito, eh. Edi hate niya sarili niya? Duh. Tahimik ka! Shatap.

Lumapit sa akin si Lorein, at saka siya nag-cross arms.

"Kung mananalo ka laban sa amin ay makakasali ka na sa amin. Sa gang namin, to be exact. But if you loose, then we don't have any choice, but to make your life like a living hell, bitch," akala ko pa naman mabait 'tong isang 'to dahil sa napaka-amo ng mukha niya. Tama nga ang kasabihang don't judge a book by it's cover . At saka, anong beach?

"Merong beach dito?" nanlalaking mata kong tanong. Sinamaan naman ako nito ng tingin, habang napa-halakhak naman si Alexander, kaya kumunot ang noo ko.

"Tss. So, let's start now. By the way, Axis will not fight," buti pa si Tripp Axis, hindi lalaban. Aba, gentledog. Trip niya lang siguro. Oh baka naman ay mahina siya?

"O-okay," kinakabahan kong ani. Aba! I should not underestimate them kahit 'di kasali ang leader nila sa pag-laban sa akin, 'no! Sila ang rank one dito sa Intrepide University. Pinaka-malakas. Unbeatable.

Pumwesto na kami, habang umupo naman sa isa sa mga sanga si Tripp Axis at malamig lang na naka-tingin sa amin, nagmamasid.

Unang sumugod sa akin si Xiela habang mahigpit na hawak ang baseball bat niya, at akmang hahampasin na sana ako nang yumuko ako at saka pinatid siya kaya agad itong nadapa, nang biglang sumugod naman si Lorein sa gilid ko at susuntukin na sana ako, ngunit mabilis rin akong yumuko at in-uppercut siya. Mabilis na tumayo si Xiela hawak ang baseball bat, at tumakbo patungo sa direksyon ko. Bintawan nito ang baseballl bat nang malapit na siya sa akin at saka siya nag-roundhouse kick. Mabilis akong umatras, at nag-straight front kick na tumama sa may mukha niya, kaya agad itong natumba at dumugo ang ilong. Sinamaan ako nito ng tingin at itinaas niya pa ang middle finger niya.

Biglang may sumampa sa akin mula sa likod, kaya naman ay nagulat ako. Si Lorein pala! Nakalimutan ko.

Mabilis akong umikot at saka yumuko, sabay hawak sa buhok niya at saka hinila iyon, at agad ko siyang binalibag.

"Two down, two to go," sambit ko at umirap naman si Lorein.

Biglang tumakbo patungo sa magkabilaan ko sina Alexander at Eos at akmang susuntukin na sana ako,  kaya agad akong tumalon ng mataas at umikot sa ere habang naka-split kaya agad silang napahiga.

Napa-ngiti naman ako at napa-palakpak, "Yas!"

Tumayo naman sila at lumapit sa akin. Ngumiti sila sakin except sa isa. Eos.

"Congrats. Ang galing mo! Hindi ko inaakalang malakas ka at matatalo mo kami ng ganun lang kadali," bati sa akin ni Alexander, sabay tapik pa sa balikat ko. Ngumiti naman ako't tumango sa kanya, "Hindi ko rin inaakala, eh," sambit ko pa.

"Yeah. Congrats, kid," sabat naman ni Eos. Napa-simangot naman ako, pero ngumiti din kaagad.

Lumapit sa akin si Lorein at saka siya ngumiti saka nakipag-shake hands sa akin.

"Congratulations. Natalo mo kami. Ang galing mo," puri panito sa akin.

Lumapit naman sa akin si Xiela at...

Sinampal ako!

Napa-tagilid naman ang mukha ko, habang naka-ngiti pa rin sa akin sila Alexander sa akin.

"Why the h-" biglang ngumiti si Xiela at sinuntok ako sa balikat.

"Congrats. Quits," sabay ngisi nito.

Napa-ngiti na lang din ako. Hindi naman pala talaga sila masama. Hindi naman pala lahat ng narito ay masama. Hindi pala lahat ng gangster, masama. Ngunit hindi dapat ako magpa-kampante. Wala akong dapat pagkatiwalaan sa paaralang ito.

"Stop smilin' like an idiot," napa-tingin ako sa nag-salita. Tripp Axis Theor.

Pumalakpak ito ng isang beses habang malamig na naka-titig sakin.

"Welcome to Hell Guerriers," malamig nitong saad at saka itonamulsa.

"Welcome to our Gang!" sabay-sabay na impit na sigaw nina Xiela, Alexander, at Lorein maliban sa kanila Eos and Tripp Axis o mas kilala bilang Axis o King Axis.

Yeah. Welcome to Hell Guerriers, Data. Welcome to hell. Ngayon, kabilang ka na sa kanila. Isa ka na sa kanila.

--

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon