**DATA
The bloody game 'kill or be killed'. Ngayong araw na 'yon gaganapin. Malakas ang tibok ng puso ko habang nag-aayos ng sarili ko, at ng mga gagamitin ko para sa larong 'yon.
Kailangan kong oag-handaan ito. Kailangan kong mag-handa, dahil buhay namin ni Tripp amg naka-salalay dito sa larong ito.
Sana makayanan ko 'to. Sana mabuhay ako. Sana maka-ligtas kami ni Tripp sa larong ito ng hindi napapano.
Tumingala ako at saka marahang pumikit. Pero kung sakaling mamatay man ako, sana ay maging mabuti siya, sila. Sana ay malagay sila sa maayos na kalagayan.
Biglang tumunog ang malakas na bell at may nag-salita sa speaker.
"The game will start in ten minutes, go to the arena, now! You will receive a punishment if you're late, students." Dali-dali akong tumayo at nag-lakad palabas ng dorm. Mabibigat ang mga hakbang na bini-bitawan ko habang naglalakad ako ngayon. Pakiramdam ko ay pinag-bagsakan ako ng langit at lupa ngayon dahil sa kaba at takot ko sa maaaring mangyari sa amin ni Tripp sa larong iyon.
Nagulat ako nng may sumabay sa akin sa paglalakad. I don't know her. And, yes. Babae ang sumabay sa akin. Ngayon ko lang rin naman siya nakita rito.
Ngumisi siya, at saka siya lumingon sa akin.
" Everything you know about this school ay hindi pa nangangalahati sa totoong sikreto nito, at isang advice ko lang para sayo, trust no one in this school, dahil hindi lahat ng kakilala mo, kakampi mo, malay mo, nasa tabi-tabi lang pala ang ibang kasapi ng kalaban mo," ngumisi ito. "Hindi lahat ng kaibigan mo, palaging nasa tabi mo at mapagkakatiwalaan mo, so be careful, Evyl Data Ferrer." Bigla itong tumakbo pagka-tapos sabihin 'yon habang tumatawa.
A-ano? Anong ibig niyang sabihin? May mas lalala pa ba sa sikretong mga gangster ang mga narito?
Tulala ako nang maka-rating ako sa loob ng arena. Iniisip ko pa rin iyong sinabi nung babae kanina.
Inilibot ko ang oaningin ko upang hagilapin ang mga kasamahan ko at hindi naman ako nabigo. Nakita ko naman agad sina Tripp kaya kaagad na rin akong lumapit sa kinaroroonan nila. Nakita naman ako ni Alexander kaya't kumaway ito sa akin habang naka-ngiti pa kaya hindi ko maiwasang mapa-ngiti rin.
"Data!" Sigaw nito at saka ako tuluyang lumapit sa kanila. I don't know pero kinabahan ako sa mga sinabi nung babae kanina, sabayan pa na ngayon na ang laban ko. Laban namin ni Tripp.
Huminto ako sa harapan nila, "H-hi." Kumaway ako at saka ngumiti sa kanila para hindi nila mapansin na kinakabahan ako. Hindi lang sa laban, kundi pati na rin sa mga sinabi nung babae kanina. Natatakot ako na baka totoo ang sinabi nung babaeng iyon.
Hindi ko rin maiwasang mangilabot sa mga ngisi at halakhak niya. Nakaka-pangilabot talaga.
"Data?"
Pakiramdam ko ay mayroong mangyayaring masama ngayon. Pero totoo nga ba ang mga sinasabi niya? Kung totoo man 'yon, anong klaseng sikreto naman ang mga hindi ko pa natutuklasan? Ano pa ba?
"Data!"
Nagulat ako nang sumigaw si Xiela sa may bandang tenga ko, kaya naman ay napa-talon ako, at napa-hawak sa may bandang dibdib ko. I sighed and tried to calm myself as I look at her.
"B-bakit?" Kumunot ang noo niya, pero agad ding napalitan ng kaba ang mukha.
"Mag-sisimula na nga pala ang laro. Pumasok ka na roon. Mag-ingat ka... kayong dalawa ni Tripp." Sabi nito na lubos na nagpakaba sa akin.
Tumango ako at ngumiti bago pumunta kay Tripp na bored na bored na ang mukha, habang naka-cross arms na nag-hihintay sa akin.
Hinatak niya ako patunong sa gitna ng arena. May apat na pares rin doon ng mga representatives ang naka-tayo ngayon.
Umakyat na ang emcee sa maliit na stage rito sa loob ng arena, at tumikhim upang makuha ang aming mga atensyon.
"So, this is the day kung kailan gaganapin ang ating napaka-exiting nalaro. Pag namatay ang kapares mo sa loob, ay mati-teleport kayong pareho sa punishment room, at ang parusa ay ito-torture ka. Matatapos ang laro, mamayang alas-dose ng umaga, depende kung may nanalo agad. Ang larong ito ay tina-tawag na bloody game o kill or be killed or in tagalog ay pumatay ka o ikaw ang mamamatay. Each section should have two representative. A girl, and a boy. This is a teamwork, so work like a team. Wag kayong magso-solo at magpapadalos-dalos. So now, ang mag-lalarong sections ay ang section A1, section B2, section C3, section D4 at ang section E5. Ngayon, pumwesto na kayo, at mag-sisimula na ang laban, kapag pumutok na ang baril." Pagka-tapos niyang mag-salita ay biglang may pumalibot na rehas sa amin, katulad noong sa mga prisinto o sa mga kulungan ng psychopaths. Nagka-tinginan kaming lahat.
'Yong apat na babae, mukhang maldita... mataray, habang 'yong mga lalaki namang kapares nila, ay mukhang mayroong masamang bina-balak. Pakiramdam ko tuloy, kami ang pupuntiryahin nila. Hindi ko lamang alam kung bakit.
Hawak parin ni Tripp ang kamay ko hanggang ngayon,. Pakiramdam ko, ayaw ko ng bumitaw sa kanya. Sa mga kamay niyang mainit, at mahigpit na naka-hawak sa mga kamay ko.
May biglang hinagis na kulay puting bracelet's ang emcee. "Isuot niyo 'yan. 'Yan ang magte-teleport sa inyo patungo sa punishment room. Don't worry, hindi kayo totoong mamamatay sa loob dahil sa machine na naka-palibot sa inyo. Mawawala lahat ng kirot, sakit at sugat na mararamdaman at mararanasan niyo sa loob ng battlefield, ngunit mag-handa kayo sa matinding parusa na ibibigay namin sa inyo, kapag na-talo kayo sa larong 'to."
Mabilis kaming pumulot ng isa-isang bracelet's at sinuot ito. Mabuti na lamang at hindi kami totoong mamamatay. Napa-hinga ako ng maluwag. Maya-maya lamang ay nag-countdown na ang emcee, na sinabayan naman ng mga studyanteng narito.
Three... Two...One.
Biglang may pumutok na baril, kasabay ng pag-titigan ng apat na magkaka-pares at pag-ngisi nila bago sabay-sabay na sumugod sa aming dalawa ni Tripp Axis.
I sighed and look at Tripp na nakatingin rin pala sakin. Ngumiti ako sa kanya. Buti na lamang talaga at hindi pala kami totoong mamamatay.
Nagulat ako ng sabay-sabay na sumugod ang apat na babae sakin, habang kay Tripp naman, ay sabay-sabay ring sumugod 'yong apat na lalaking mayroong malalaki at maskukadong katawan.
I hope, manalo kami. I'll fight, para sa aming section at para kay Tripp. Ayokong may madamay sa mga katangahan ko, kaya lalaban ako. Ayokong magpa-talo. Lalaban ako. I will show no mercy, now.
Now, let's start the game. The real war game.
...
...
...
Let the game begin.
**
√
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...