**DATA
Kinakabit ko ngayon ang mga camera na gagamitin namin para sa Horror Photo Booth namin, habang naka-patong sa isang parang folding stairs.
Yung camerang ikakabit namin ay isang uri ng camera na kahit malayo ka ay malinaw pa rin ito kung kumuha ng picture o video kahit na i-zoom in mo pa.
Bababa na sana ako nang matapos kong i-kabit ang mga 'yon ngunit bigla akong nadulas kaya napa-pikit ako ngunit naramdaman kong may sumalo sa akin kaya naman ay napamulat ako.
"T-Tripp?" Siya na naman? Pilit nga akong umiiwas sa kanya, siya naman 'tong lapit ng lapit sa akin. Ang lupit mo talaga, tadhana.
He tsk-ed, "Next time, be careful. What if, you fall again, at saktong wala ako? Walang sasalo sa 'yo, stupid." Sermon nito sa akin bago ako nito binaba.
Napa-yuko ako, dahil pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. So ibig sabihin, pag nahulog ako kahit na paulit-ulit ay sasaluhin niya ako? Napa-ngiti ako, even if I know na meron na siyang iba.
"Sorry. At saka, nandyan naman sina Eos at iba pa, eh." I turned my back, nang bigla niya akong higitin paharap.
"Why are you avoiding me?" Tanong nito sa akin na tila naguguluhan sa mga inaakto ko. Iwinaksi ko ang kamay niya at saka ako napa-pikit ng mata at nag-crossarms.
"Ano bang pake mo? Ikaw ba si Data? Tatay ba kita? Boyfriend ba kita? Ha?" Sumbat ko pa sa kanya. Ngumiti naman ito ng mapakla. I don't know, pero nakita kong nasaktan ito. Nakita kong nag-bago ang emosyon niya.
"Yeah, right." Tumalikod ito at saka nag-simulang mag-lakad papalayo mula sa kinaroroonan ko. I don't know, pero totoo ba 'yong nakita ko? Napa-hawak ako sa aking dibdib.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Tripp? Bakit ba lagi mo nalang akong pinahihirapan?"
"Bulaga!"
Nagulat ako ng bigla na lamang sumulpot si Alexander sa tabi ko. Bakit ba ang hilig nitong manggulat? Paano kung mayroon akong sakit sa puso at bigla akong atakihin, hindi ba? Edi patay ako, kulong siya. Pero nga pala, hindi siya makukulong. Makapangyarihan rin kasi siya at ang mga kamag-anak niya.
"Mag-sisimula ng mag-bukas ang booth natin, saktong pag-bukas ng gate ng unibersidad na 'to mamaya kaya tumungo na tayo sa naka-assign area sa atin. By the way, dalawa tayong naka-assign sa monitoring room, baka naka-limutan mo lang." Naka-ngiting malapad nitong sabi at pagpa-paalala sa akin. I forced a smile at pilit na pina-sigla ang mukha ko.
"O'sige! Tara na!" Agad kong hinila ang kamay niya patungo sa isang na ginawa namin dito sa loob ng classroom na tama lang sa aming dalawa, at sa isang computer.
Nang maka-pasok kami 'ron ay tila namangha ito sa kanyang mga nakita.
"Wow. Sayo ba galing 'tong mga gadgets na 'to? Ang high-tech!" Tanong nito, sabay hawak nito sa gadget na pag-aari ko, kaya nakuryente ang kamay niya.
"Aray!" Daing nito. Ayan kasi, pakielamero.
"Hindi ka pa nai-scan ng computer na 'yan at hinsi pa nase-save ang Deoxyribonucleic Acid mo kaya ka nakuryente." Paliwanag ko sa kanya. Umupo ako sa harap ng computer at mabilis na nag-type ng codes tsaka kinuha ang kamay niya at dinikit sa screen.
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...