Chapter 19

6.2K 226 17
                                    


**

DATA

Ilang linggo na rin simula noong namatay si miss Quevas at nang makipag-usap sa akin si Tripp Axis.

Nandito nga pala ako ngayon sa hallway at nag-lalakad habang naka-pamulsa pa, nang biglang may marinig akong nag-uusap sa likod ng isang pintuan.

At dahil nga sa dakhila akong chismosa, ay kaagad tumungo ako roon at saka nakinig sa usapan ng mga taong iyon.

"Let's make a show, L." Rinig kong sambit ng isang tinig-- tinig babae. Pamilyar ang boses nito. Sino kaya ito? Ito na ba ang mga sinasabing traydor?

"Sure, H. What kind of show?"

"The amazing show, kung sakaling malaman na nila ang plano natin." Plano? Posible kayang sila nga ang pumatay kay miss Quevas? At sinong nila? Posible ba na sila ang pakana ng lahat at--sila ang traydor? Napa-iling naman ako.

"Sige, H. Bantayan mong maigi ang mga galaw nila, lalo na siya."

Nagulat ako nang may kumagat sa paa kong langgam, kaya naka-gawa ako ng ingay. Narinig kong palapit na ang mga yabag nila kaya naman ay mas lalo pa akong kinabahan.

Ngunit nagulat akong muli nang may humigit sa akin at nag-takip sa aking bibig.

"T-Tripp?" Bigla niya akong binuhat ng pa-bridal style.

"Shut your eyes." H-ha?

Narinig kong bumukas ang pintuan kaya madali kong isinara ang mga mata ko.

"T-Trip?" Rinig kong tinig ng isang lalaki.

"Yea, Lester. Long time no see. And you know what? It's really not good to see you here." Ani ni Tripp, in a sarcastic tone. Lester? Hindi ko pa naririnig ang pangalang 'yan.

"Sino yan? K-kanina pa ba kayo rito sa labas?"

"This girl is my girlfriend and you don't give a fuck. Now, get the hell out of my way." Matigas niyang sambit. Naramdaman kong nag-lakad si Tripp at may binangga. Ngunit, bakit yung Lester lang ang lumabas? At saka, ano raw?! Girlfriend?! Wow! Hindi nga siya nan-ligaw sa akin, e.

Mayamaya lang ay huminto ito at saka hinulog ako, kaya napa-mulat ako at saka namilipit sa sakit. Ikaw ba naman ihulog?! Napaka-gentledog talaga ng lalaking 'to. Kung maka-asta, parang anak ng Mafia! Nako!

Mabilis akong tumayo, habang naka-hawak pa sa bewang at sinamaan siya ng tingin dahil palagay ko ay nabalian yata ako ng buto sa sobrang lakas ng impact.

"Sino si-" Pinutol niya ang dapat ay ita-tanong ko.

"Did you hear what they are talking about?" Tanong nito sa akin. Kita niyo na, kita niya na! Gentledog na, wala pang manners! Nako, nako. Umirap na lang ako.

"Oo. Ano naman ngayon?" Sagot ko pa sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, at saka ito tumango na lang bago ako hinila patungo sa classroom.

"Omg! Nandito na pala kayo! Tara, umupo na muna kayo." Hinila ako ni Lorein, kaya naiwan sa may pintuan si Tripp na magka-salubong ang mga makapal niyang kilay ngayon.

Pina-upo ako nito sa tabi ni Xiela, na busy ngayon sa pagli-lipstick niya na para bang wala siyang ibang kasama rito. Biglang hinalbot ni Lorein ang lipstick nito at saka iyon binulsa kaya naman ay napa-tingin sa kanya si Xiela ng masama, pero di naman 'yon pinansin ni Lorein.

Umupo si Lorein sa harapan namin at saka ito nag-salita, "Intramurals na bukas, at bukas ay magbubukas na ang Intrepide University para sa ibang paaralan, paaralang tulad ng Intrepide," Biglang napa-lapit sa amin ang mga kaklase namin, pati si Jerome o mas kilala bilang Jenny. Opo! Bakla po siya. Sayang nga at may hitsura pa naman siya.

May intramurals rin pala rito at mga booths. Kung tutuusin, parang normal lang naman itong paaralan. Ang kakaiba lang ay ang mga studyante rito at ang patakaran rito, pati na rin ang mga walang tigil na patayan at gulo.

"May mga fafa ba?" Singit nito sabay hagikhik pa. Humagikhik naman si Lorein, at saka siya tumango, kaya naman ay nag-tilian ang mga babae, pati bakla kong kaklase.

"And lahat ng classroom ay gagawa ng booth. One week preparation lang ang ibinigay sa atin, at ngayong lunes na tayo mag-sisimula, dahil sa susunod na linggo na 'yon gaganapin. One week rin palang gaganapin ang intramural natin." Sambit nito sabay tango-tango pa ni Lorein at saka ito ngumisi.

"So, anong booth ang gusto niyo na gawin natin? 'Yong makaka-kuha kaagad ng atensyon ng ibang tao," Tanong niya sa mga kaklase ko. Kaya pala busy yung mga studyanteng nadadaanan namin kanina, eh. Dahil pala sa busy sila sa paggawa ng mga booths nila.

Napa-isip naman kami, nang biglang mag-salita si Jerome alyas Jenny.

"How about Kissing Booth? Tapos ako yung hahalik sa mga fafa!" Excited nitong saad habang tila humu-hugis puso ang mga mata, at kumi-kislap. With matching patili-tili pa! Napa-irap naman kami, habang nakikinig lang sa amin yung mga lalaki.

Biglang nag-taas ng kamay si Shin, lalaking kaklase namin.

"How about Horror Photo Booth?" Suhestisyon ni Shin at saka ito ngumiti. Ang cute ng dimples niya! Ang lalim.

"Ha? Pano 'yan? Horror lang yun o Photo diba? Bakit dugtong yang sayo?" Takang tanong ni Lorein, ngumiti naman sa kanya si Shin.

"Gagawin nating Horror Booth ang classroom natin, then may ilalagay tayong cameras sa bawat sulok na may magmo-monitor, at kukunan natin ng pictures yung epic faces nila." Pagpapaliwanag pa sa amin ni Shin. Napa-isip naman kami, saka kami napa-palakpak habang natatawa pa.

"Game ako dyan!" Sigaw ni Lorein habang natatawa at mukhang exited na exited pa ito.

Ini-imagine ko pa lang ay hindi ko na rin mapigilang matawa.

"So, sino ang bibili ng materials?" Tanong ni Lorein. Nag-taas naman ng kamay sina Jerome alyas Jenny at Wendy. Mabuti na lang at nakiki-sabay rin sila.

"Kami na ni beshy ko," Ani nito sabay akbay kay Wendy, na bigla namang namula. They look good together.

"Okay. So, ang mag-aayos ng classroom ay tayong lahat, tutal, konti lang naman tayo." Ani nito. Yeah. Hindi kami aabot ng bente rito. Kaming anim na Hell Guerriers lang, si Jerom na bakla, si Shin na lalaki, si Wendy. Wala na kasi si Hana Rios rito dahil sa lumipat na ito sa B2, classroom ng mga ka-gangmates niya.

"So, ang magmo-monitor rin ng camera ay si Data at Alexander, habang ang gaganap na mga multo ay tayo, sila Eos at Tripp naman ang mag-bebenta ng ticket, para sure na maraming bibili." Sabay tayo ni Lorein at pumalakpak dahil sa naisip niyang strategy.

"So, it's settled then! Leggo!"

I hope, maging maayos ang Intramurals namin, at walang mamatay ulit o hindi kaya'y madamay.

**

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon