**DATA
Narito ako ngayon sa hallway, tulala, habang naglalakad. Sana ay mali ang hinala ko. Sana ay hindi siya kabilang roon.
"Data, friend!" Biglang umakbay sa akin si Hana Rios, habang naka-ngiti ng malapad.
"Oh, kamusta?" Pilit akong ngumiti rito at pabiro pa ako nitong pinalo sa balikat ko.
"Ano ka ba! Okay lang ako, eh, no?" At umikot pa ito sa harap ko.
"Ikaw ba? Ayos ka lang ba?" I faked a cough and forced a smile. Pilit kong pina-sigla ang mukha ko.
"Yes na yes, Hana! San ka pala galing? Ilang araw ka ring nawala." Nakita ko namang tumaas ang kilay nito.
"It's none of your business." Napa-tikom naman ako ng bibig.
"Pero syempre, joke lang! May inasikaso lang ako." Tumawa ito, evil laugh, to be exact. Bigla itong sumeryoso, at tumingin sa akin.
"Hindi lahat ng mabait, kakampi mo, Data. Malay mo, nasa tabi-tabi mo na lang pala ang kaaway mo ng hindi mo man lang napapansin. Hindi din lahat ng masama, kaaway mo. Malay mo, may rason siya, oh para rin yun sayo." She sighed deeply and pat my head.
"Nandito lang ako para sayo, ngunit, hindi sa lahat ng oras ay nandito ako. Malay mo, mamaya, patay na ako, hindi ba?" She laughed, with full of sarcasm.
"Always be careful." She smiled, sincerely, bago tumalikod at nag-lakad palayo.
Naguguluhan na talaga ako. Nalilito sa lahat ng bagay.
Nandito ako ngayon sa classroom, naka-tingin sa bintana, habang nag-iisip. Ilang araw na rin, simula nung huling usapan namin ni Hana Rios.
Bigla kasi siyang nawala, pagka-tapos nung araw na 'yon. At ako pa ang sinisi ng pagiging missing niya, dahil ako ang huli nitong kasama.
Napa-buntong hininga ako nang may biglang nag-snap sa harapan ko, kaya nagulat ako.
"Oh, Alexander!" Gulat kong ani. Tumaas-baba ang makapal nitong mga kilay.
"Kanina pa ako dito, ngayon mo lang ako na-pansin. Grabe, nakaka-sakit ka ng feelings!" Aktong lalabas ito, pero agad namang bumalik at umupo sa harap ko at saka tumawa at kinamot ang tenga.
"Joke! Anong problema mo, mareng?" Inakbayan ako nito.
Umiling lang ako at saka ngumiti. Hindi ko naman pwedeng sabihing, dahil kay Hana Rios, kaya ako nagkaka-ganito. Mas aakalain niya- nilang ako ang may kasalanan ng pagka-wala nito, kahit na hindi naman.
"Iniisip ko lang kung kumusta na ba sina mom and dad." Ngumiti naman ng malawak si Alexander. Abot hanggang Mount Everest.
"Okay lang yung mga magulang, dude. Don't worry." Kumindat ito sa akin, ng biglang bumukas ang pintuan, at saka pumasok sina Kyla at si Laine. Puno sila ng pawis at hinihingal. Mukhang tumakbo pa sila, patungo rito.
Inilibot nilang ang kanilang paningin, hanggang sa madapo 'yon sa akin. Tumakbo silang magka-gang sa akin at napa-upo.
"S-si Hana, nakita naming dinukot siya!" Utal na sumbong sa akin ni Stef. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at napatayo. Bigla akong kinabahan. Baka may kinalaman yung sa laboratory!
"Saan? Kailan? Paano?" Tanong ko sa mga ito. Hinawakan naman ni Alexander ang balikat ko.
"Calm down. Maupo ka muna." Tumango ako at umupo, tsaka tinignan ang mga ka-grupo ni Hana.
"Kanina, sa may forbidden forest, around 4:30, afternoon. Nakita naming may mga lalaking naka-ninja suit na dumukot sa kanya. Mukhang mga hired assassins. Dinala nila si Hana Rios papasok sa forest. Alam naming wala kaming laban, kasi marami ang kalaban, kaya agad kaming tumungo rito sa A1, baka matulungan niyo kami." Ani ni Kyril. Himala, at wala itong hawak na gadget ngayon. Tumango naman ang mga kasamahan nito.
Nagka-tinginan kami ni Alexander, bago tumingin sa mga kasamahan ni Hana Rios.
"Hindi dapat malaman ng nakaka-taas ito, maliwanag?" Kumunot ang noo nila.
"Bakit?" Tanong ni Angeline, habang nagta-takang naka-titig sa akin. Umiling ako.
"It's dangerous." I said as I sighed deeply.
Hindi ko talaga alam, kung sino ang kalaban at kung sino ang kakampi. Tumango naman sila.
"But, I think, alam na namin kung sino ang kumidnap sa kanya." Ani ko. Huminga naman sila ng maluwag.
"So, just watch Netflix, and chill, girls." Nabatukan ko naman si Alexander. Nagawa pang mag-biro, eh.
"Ano ang maitu-tulong namin?" Tanong ni Laine sa amin. Tumayo ako, at ngumiti.
"Sumama kayo sa akin, sa dormitory ko. Magme-meeting tayo, kasama ang Hell Gueriers." Tumingin ako kay Alexander. "Ikaw naman, lalaki, tawagin mo sila Tripp."
Now, kailangan na din naming planuhin ang pag-sagip kay Hana Rios. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin namin. Ang pag-alam kung sino-sino ang mga tauhan na ka-sabwat ng kalaban dito sa school at pag-talo sa master ng laboratoryong 'yon o ang pag-sagip kay Hana Rios.
Napa-pikit ako ng mariin. Sa ngayon, kailangan muna naming alamin kung sino-sino ang kasabwat ng mga kalaban dito sa loob ng paaralan. Maaring, nasa higher ranks ang mga kasabwat nito, oh nasa council ng paaralan. Pwede ring, nasa tabi-tabi ko na lamang sila.
Utak ang gagamitin namin dito. Dapat hindi rin kami magpa-dalos-dalos. We need a training, to eliminate those bustard's, and to save Hana Rios.
Nang makarating na kami sa dormitory ko, ay agad ko silang pina-pasok. Tila, namangha pa ang mga ito, sa mga gadgets at aramas na nag-kalat sa loob ng kwarto ko.
"Ang ganda ng dormitory mo, at ang daming gadgets!" Ani ni Kyla, habang hawak ang mini-uzi ko, na may tatak ng organisasyon kung saan kasali ako.
"Uy, Data! Ito yung logo ng Corporation niyo, hindi ba?" Ngumiti ako kay Kyril at tumango. Hindi lang sa korporasyon 'yan. Mahalaga ang simbolong 'yan.
"Ang cool nito!" Napa-tingin ako kay Angeline, na naka-hawak sa kadenang latigo ko na nakaka-kuryente pag in-on ang power nito.
"Maupo na muna kayo." Iginaya ko sila sa sofa, at saka ako umupo sa harap nila. Saktong may nag-doorbell sa pintuan, kaya agad ko 'yong binuksan, at bumungad sa akin ang buong Hell Gueriers, na pinangu-ngunahan ni Tripp. Ngumiti ako sa kanila.
"Pasok kayo." Pina-upo ko sila sa sofa, at umupo sa harapan nila.
"So, what's the problem?" Tanong ni Tripp. Bumuntong hininga ako.
"Na-kidnap si Hana Rios, I think, yung mga nasa laboratory o ang master nila ang dumukot sa kanya." Sagot ko.
"Ano ng plano?" Tanong ni Xiela. Ngumisi naman ako.
"We already have a plan, pero sa ngayon, kailangan nating mag-training ng isang linggo, upang matalo natin sila at masa-gawa ang plano natin. Maghi-hintay rin tayo, kung may ipapadala o tatawag ang kalaban. Kailangan muna rin nating mag-ingat, at mag-masid sa paligid. Kailangang malaman natin, kung sino ang puno't dulo ng posibleng organisasyong 'yon upang mas mapa-dali ang pag-lusob." Tumayo ako at saka ko kinuha ang isang salamin na nasa drawer ko, at pinindot ang button nito.
May lumabas na hologram dito. Isang tablet hologram o holographic tablet. Nag-type ako ng mga commands, at hinack ang isa sa mga computer ng secret hideout o maarin secret organization na 'yon tsaka kinopya ang formula para gawing zombie ang tao, at para magka-roon ng kapangyarihan. Kinopya ko din ang blueprint ng hideout nila. They are so stupid. Ang dali nilang ma-hack. Umiling ako at ngumisi.
"Wow! Memorize mo ba lahat ng commands?" Manghang tanong ni Alexander. Ngumiti ako at sumagot, "yes."
"So, we will start tomorrow, at the field of this school, exactly four in the morning." Biglang ani ni Tripp. Sumang-ayon naman kaming lahat kaagad. Mas maaga, mas maganda.
"Guys.." Lumingon sila sa akin. Ngumiti ako, at sinabi ang plano.
Sana, mag-tagumpay kami.
**
√
BINABASA MO ANG
Intrepide University
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who hides something...atrocious. Data Evyl Ferrer, our heroine, is a not-so-normal and an awesome girl...