Chapter 6

7.8K 301 7
                                    

**

DATA

Nandito na ako ngayon sa classroom, naka-tingin lang sa kawalan, habang naka-headphones nang biglang may humila sa headphones na suot-suot ko.

Agad akong napa-tingin sa humila at saka ko nakita si Hana Rios na ngumunguya ngayon ng bubblegum at naka-pulang lipstick pa.

"Bakit?" kunot noo kong tanong sa kanya. Ano kayang kailangan nitong babaeng 'to? Hay, naku!

"Wala lang. Ang boring kasi  eh," sagot niya sa akin, sabay kibit balikat pa niya. Oo nga naman. Kanina pa nga ako bored na bored dito, eh. What a life.

"Nakita ko nga pala 'yong nangyari kanina sa cafeteria, Data, " kunot noong sabi nito sa akin.

"Ah, 'yon ba?" medyo kinakabahan kong tanong. Tumango naman ito sa akin, at saka tinaasan ako ng kilay.

"Bwisit kang babae ka! Bakit hindi ka lumaban? Alam kong kaya mo sila, even if hindi pa kita gaanong kilala," biglang bulyaw nito sa akin. Napa-atras naman ako ng isang beses. Wow! Ang lutong niyang mag-mura, ah.

"Hindi ako marunong lumaban," diretso kong sabi sa kanya, at saka ako yumuko. Binatukan naman ako nito.

"Gago ka ba? Eh, ano 'yong pinakita mo sa amin kahapon? Good time? Sinong niloloko mo?" napa-kamot naman ako sa ulo.

"W-well, wala lang 'yon, 'no. Kalimutan na nga natin 'yong tungkol sa nangyari kahapon at kanina!" sabay tawa ko ng peke at saka hinampas pa siya sa balikat niya.

Sikreto. Oo, meron akong tinatagong sikreto. Alam kong kaming lahat dito ay mayroong tinatagong sikreto. Madilim na sikreto. Sikretong kailanman ay 'di mo gugustuhin.

Biglang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase, at saktong pumasok naman si Professor Spade. Ang training teacher namin sa paggamit ng iba't ibang klase ng sandata.

"Good morning, section A-1. Please settle down," naka-ngiti nitong utos sa amin. Umupo naman na ang mga kaklase ko, at ganun rin ako.

May naka-patong ang paa sa table, may ngumunguya ng bubblegum, may naka-hawak ng mga baseball bat, may naka-hawak ng gitara, may naka-hawak ng soft ball na bola, etcetera. Para bang may sari-sariling mundo ang mga narito.

"At the end of the month, we'll be having an underground battle, kaya mag-training kayo ng mabuti kung gusto niyong manalo at maka-sali sa Rank," seryosong saad nito. Nagulat naman ako nang biglang lumingon lahat ng kaklase ko kay sir Spade, na tila ba bigla silang naging interesado.

Underground battle?

Tumayo ako, kaya napa-tingin sa akin si Professor, ganun rin ang mga kaklase ko.

"Sir, a-anong underground battle?" takang tanong ko, ngunit ngumiti lamang ito, at saka naka-crossarms na lumapit sa akin.

"Well, miss new kid. Totoo ngang wala ka pang alam. Ang underground battle ay isang labanan kung saan malalaman at masusukat kung gaano ka kalakas. Makikipag-laban ka sa isang grupo o gang, at kung matalo mo sila, you win. Depende na 'yun kung masasali ka sa ranggo. Masasali ka lamang kasi sa ranggo kung matalino at malakas ka, kaya mag-training ka na, miss new kid," nanlaki naman ang mga mata ko.

"G-gang?" gulat kong sambit, at saka ito tumango.

"Yes. Gang o gangster. Lahat ng studyante rito ay gangster, at ang paaralang ito para sa gangsters," paliwanag nito sa akin. Nalaglag naman ang panga ko. So, ito pala ang tinatagong sikreto ng unibersidad na ito?

I-ibig sabihin ba nito ay gangster rin sina Mom and Dad?

"O-okay, sir," utal kong  sambit.

Tulala akong bumalik sa pagkaka-upo. Pinat pa nito ang ulo ko, bago tumungong muli sa harapan ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang...

Hell Guerriers.

Wait, what?! Anong ginagawa nila dito?

Napa-tingin si Professor Spade sa kanila at nag-crossarms.

"Hindi na nga kayo pumasok noong nakaraan, late pa kayo," mahinahong sabi ni Professor, pero dinaanan lamang siya ng mga ito na parang wala silang narinig at nag-lakad patungo sa direksyon ko?!

Pigil ang hininga naming lahat,  habang naka-titig sa kanila. Ngayong alam ko ng gangsters sila at sila oa talaga ang nangunguna sa ranggo, I think kailangan ko ng mag-doble ingat sa mga galaw ko.

Napa-lingon sila sa akin bago sila tuluyang umupo. Kaya ang arangement namin ngayon ay ako na nasa tabi ng bintana, sunod ay si Tripp Axis o King Axis, sunod naman ay si Xiela, tapos si Eos, then Lorein, at si Alexander naman sa may aisle.

What the heck? Sila ang row mates ko? I'm dead, men. Mukhang maling puwesto yata ang napili kong upuan.

Inusog ko pa-tabi sa bintana ang upuan ko ng konti para malayo-layo ako sa tinatawag nilang King Axis. Napa-tingin naman ito sa akin ng cold, at saka ito umirap.

Hindi ko maiwasang mapa-titig sa kanyang mga mata niya. Blangko at itim na itim ang nga ito. Para rin itong kumikislap. Nakaka-lunod...

"Stop staring at me. You're drooling. Tss," biglang sambit nito, saka siya umub-ob sa kanyang mesa. Napa-fake cough naman ako, at saka pasimpleng humawak sa may bibig ko. Wala naman, ah?

Napa-tingin naman sa akin ang buong Hell Guerriers kaya alanganin akong napa-ngiti at nag-peace sign sa kanila, at saka ako dali-daling humarap sa harapan. Wala na si Professor Spade dahil may gagawin pa raw siya at tumungo lang siya rito para sabihin 'yon.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras ng klase ni Professor Spade.

Pina-una ko munang lumabas ang mga kaklase ko, at saka mabilis akong tumayo para unahan din sana ang Hell Guerriers dahil kabadong-kabado na ako sa presensya nila nang biglang hawakan nung Xiena ang kamay ko. Nanlamig naman bigla ang mga kamay ko.

"B-bakit?" sabay tingin ko sa kamay niya na naka-hawak sa akin ngayon. "T-tomboy ka ba?"

Humalakhak naman 'yong Alexander raw, at tinuro si Xiela na masamang naka-tingin sa akin ngayon.

"T-tomboy ka raw," pang-aasar pa nito, sabay halakhak nitong Alexander, habang naka-hawak sa tiyan at naka-turo kay Xiela. Ang cute niyang tumawa, nawawala kasi 'yong mata niya.

"Shut up! Idiot," sigaw nito kay Alexander. Tinaas naman nung Alexander ang kamay niya na parang sumusuko na habang nagpipigil ng tawa.

Huminga ng malalim si Xiela at tinitigan ako, "I'm-"

"Xiela?" Tumango naman ito sa akin at saka siya nag-roll eyes.

"Gusto ko lang sabihin na pumunta ka mamayang alas-diyes ng gabi sa likod ng dormitoryo. Ikaw ang napili naming maging Gangster Recruit because we know you're strong and intelligent, even if mukha kang tangang walang kaalam-alam. Oh, wala ka nga pala talagang alam, " kumunot naman ang noo ko. Na-realtalk pa talaga ako. Infairness, medyo na hurt ako, ha? Medyo lang naman. At saka, totoo rin naman ang mga sinabi niya. Wala akong alam, maliban sa nalaman kong rebelasyon ngayong araw na ito.

Hindi ko na lamang pinansin 'yong pang-iinsulto nitong babaeng 'to sa akin. Porket rank one lang eh! At ssaka, "Gangster recruit? Anong ibig mong sabihin?"

"Yes. Every gang should consists six members ngayong taon, kaya nire-recruit kita. Nire-recruit ka namin. Alam ko ring wala kang gang, kaya mamaya, pumunta ka or else..." Umakto ito na hiniwa niya ang leeg niya, "You're dead meat."

Mabilis naman silang lumabas pagka-tapos nilang sabihin sakin 'yon.

Pupunta ba ako o hindi?

Wala pa akong gang at 'you're dead meat' raw ako kapag hindi ako pumunta.

Napa-hinga na lang ako ng malalim at saka umupong muli.

Papayag ba akong maging gangster recruit ng Hell Guerriers?

--

Intrepide UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon