Gamit ang tintang idinikit sa paladᅳ
Ng tadhanang minsa'y nagbuklod sayo at sa kanya.
Isang malawak na guhitan na nawasak kailan lang
Kahit na buuin muli ng madikit na sabstansya.Iginalaw ang panulat at nag umpisang mag tala,
Ng mga pangyayaring minsang pinagsamahan nila
Tayo, ako at ikaw
Minsang naganap na ngayo'y nakalipas nalang.Sa bawat pilantik at guhit ng tinta
Di maiiwasang magkaaberya
Matigil, masira at minsan mawalan ng tinta
Ang buhay na kabisado nating dalawa.Pero kahit magkaganoon tuloy pa rin ang pag guhit ng panulat.
Upang muling ipaalala ang mga nakaraang tumatak sa isa't isa
Mga pangyayaring minsan na naghatid ng lungkot at saya
Na ngayo'y pinagsisihan nating lubos diba?Isang pagkakamali na maaaring lumukot sa samahan
Na nagdulot ng pagtapon ng pinagsamahan
Mga bagay na minsang nagpasaya satin
Na ngayo'y parang isang abong hinangin.Tinangay, dinala sa di kalayuan.
Sa isang parang na may malawak na bakuran
Kung saan may isang naghihintay
Upang sating dalawa'y maggabaySa tama at mali
Dapat at di dapat gawin
Mga bagay na dapat puntiryahin
Upang mawalan ng lihimLihim na nagdudulot ng paglaho
Ng nararamdamang noo'y nabuo
Mula sa maliliit na bagay na iyong pinatamo
Na sa aki'y nagpaantig ng puso.Pero sa bawat obra ay may katapusan
Kung saan ipinamamalas ang malikhaing paraan
Ng pagbibigay kahulugan sa bawat guhit at hugis na gawa ng panulat
Sa guhitang papel na nagtatala ng bawat kaganapan sa buhay ng isa't isa.