Can you hold me tonight? (OS)

0 0 0
                                    

Alas tres na naman ng umaga! Bakit kaya lagi nalang akong naaalimpungatan tuwing sasapit ang oras na ito! Nakakainis! May meeting pa akong dadaluhan mamaya at hindi ako maaaring pumunta ng hindi handa! Nakasalalay ang buhay ko dito.

Ilang araw na akong nagigising sa eksaktong alas tres ng umaga sa hindi malamang paraan. Dati rati naman ay okay lang ako at mahimbing ang tulog hanggang alas syete ng umaga. Hindi naman ako nag aadik o anoman pero punyeta lang dumadami na ang pimples ko sa kakapuyat! Tumayo na ako at bumaba na para kumuha ng inumin. Pumunta ako sa harap ng ref para kumuha ng tubig namin. Ininom ko agad ito at agad na hinugasan ang baso. Pagkatapos kong itaob ito sa organizer, naglakad na ako papunta sa sala at naupo sa sofa na kaharap ng isang wall sized glass window. Bilog na naman ang buwan katulad nung araw na iyon. Tahimik at payapa ang gabi habang unti unting sumisilay ang liwanag sa buong kapaligiran. Gaano katagal na ang nakakalipas noong dumating na naman ang oportunidad na ito para mapakalma ang nag uumapaw na kalungkutan sa puso ko.

"You can't sleep?", mula sa aking likuran...nagmula ang boses ng taong aking kinamumuhian. Hindi ako lumingon o nag abalang sumagot. Tinititigan ko lamang ang liwanag ng buwan. Ang nag iisang saksi ng nangyari noong araw na iyon.

Mula sa aking mga mata, lumandas ang iilang butil ng luha pababa sa aking pisngi. Bakit kailangan kong manatili sa pangil ng mapanuksong lobo para maiwasan ang digmaang namayani na ng ilang daang taon? Caizel... labis akong nangungulila sa mga yakap mo at halik. Sanay isinama mo na lamang din ako kung ganito lamang ang tadhanang naghihintay sakin pagkatapos nating matalo sa digmaan.

Lumapit si Dimitri sa akin at niyakap ako. Lumandas patungo sa akin ang init na natural na nilang taglay. Isang komportableng init na tila isang magandang kadamay sa mga oras na ito.

"Ellyzea...inaalala mo pa rin ba ang araw na iyon?" Isang malungkot na mga salita mula sakanya. Hindi ako kumibo...ipinikit ko lamang ang aking mata. Caizel...hindi ko na kaya na mabuhay pa ng ilan pang dekada. Caizel...

Ipinilig ni Dimitri ang aking ulo upang harapin ang mga malaginto niyang mga mata na nagpipinta ng kalungkutan. Pinunasan nya ang basang parte ng aking mukha na nilandasan ng aking mga luha ng kalungkutan. Tinitigan ko lamang siya, ni walang ekspresyong mababasa sa akin. Hinawi niya ang buhok ko para makita nyang mas mabuti ang mukha ko. Unti unti siyang lumapit upang angkinin ang aking mga labi. Isa iyong banayad at mapaghanap. Hindi ako tumugon ngunit hinayaan ko lamang siya. Wala rin namang magagawa ang pag pupumiglas. Nakasalalay ang buhay ng aking angkan at lahi sa akin. Nag iba ang kanyang paghalik....mabangis at marahas. Ilang segundo pa at nalasahan ko ang dugo. Iba sa aking natikman, mapait ito. Humiwalay siya at kita sa kanyang mata ang galit at desperasyon.

"ANO PA BANG KULANG ELLYZEA?! BAKIT HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN? LIMANG DAANG TAON NA ANG NAKAKALIPAS...BAKIT HINDI MO PA RIN AKO KAYANG TANGGAPIN? " Nagtatagis ang kanyang bagang at bakas sa kanyang mga pangil ang marka ng aking dugo na lumandas na sa kanyang baba.

"Dimitri, diba ito ang iyong gusto? Sayo na ako...bakit naghahangad ka pa ng ibang kahit kailan ay hindi mo makukuha?" Nakuha mo na aking katawan pati ang aking ngalan. Binigyan kita ng supling na kailanman ay hindi ko na maibibigay kay Caizel. Ito ang aking kabayaran sa pagkitil ko sa kanyang buhay. At iyan ang iyong kabayaran sa pagtataksil sa akin at aking lahi. Makukuha mo ang katawan ko pero kailanman ay hindi mo makukuha ang aking nararamdaman.

"Ellyzea, hindi ko kailangan ng lahat ng kayamanan o kapangyarihang ito kung ikaw ang kapalit at malaman ko na ako na siyang nagmamay ari ng iyong puso-----"

"KASINUNGALINGAN!! HINDI MO HAHAYAANG MANGYARI ANG GULO AT DIGMAANN KUNG IYAN ANG IYONG GUSTO! DIMITRI, MARAMING BUHAY ANG NAWALA... PERO HINDI IYON ANG NAGWAWASAK NG AKING PUSO... ANG MASAKIT SA LAHAT AY ANG LUNGKOT NA DALA NG PAG IWAN SA AKIN NG NAG IISANG AKING MI----" Nagpumiglas ako sa kanyang bisig at marahas na binawi ang aking katawang ubod na ng dungis.

"TIGIL!! NARARAPAT LANG NA SIYA AY MAWALA! KINUHA NYA LAHAT SA AKIN! PERO NAKUHA KO NA ULI IYON AT HINDI AKO NAG SISISI SA AKING GINAWA! "

Kita ko sa kanyang mga mata na totoo ang kanyang sinabi. Isa kang mababang nilalang upang pagtaksilan ang mga taong kumupkop sa iyo at gumawa ng kwentong pag uumpisahan ng gulo. Sa aking kamay lumandas ang mga dugo ni Caizel ng iturok ko ang pilak na punyal sa kanyang puso. Hindi ko makakalimutan ang kanyang sinabi...

--

"Ellyzea aking mahal na Reyna... Ito lang ang natatanging paraan para maisalba ang ating lahi. Kung ako ang kanyang nais ay siyang dapat ibigay upang mailigtas ang nakakarami. Lubos akong humihingi ng tawad sa aking paghingi ng pabor upang ikaw ang kumitil ng aking buhay dahil sa ganitong paraan makakasama pa kita hanggang sa huling hininga ng aking buhay. " Kanyang hinaplos ang aking pisngi at marahan na pinisil ito. Nangungusap ang kanyang pulang mata na nagliliwanag dahil sa kislap ng bilugang buwan na saksi ng kaganapang ito. Niyakap ko siya hanggang sa huling pagkakataon.

"Caizel! Kung magkagayon ay isama mo na ako! Hindi ko kakayanin na mabuhay ng walang ikaw dahil ikaw ang rason kung bakit ako bumabangon at masayang tinatahak ang aking tadhana! Caizel! H-hindi ko kaya... "

"Mahal ko... alam kong mahirap ang aking hinihiling ngunit hindi maaari. Walang maggagabay sa ating nasasakupan. Mga supling pa lamang sila at hindi pa alam ang mga aral at leksyon upang mabuhay. Obligasyon nating gabayan sila. Obligasyon kong iligtas ang kanilang buhay at ikaw naman ay para gabayan sila bilang kapalit ng aking pagkawala. Ellyzea...kahit kailan hindi ako nagsisi na ikaw ang aking piniling makasama sa lahat ng oras at kaganapan sa aking buhay. Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan mo. Kung ito lamang ang siyang tanging paraan upang ikaw ay maligtas, puwes, hindi ako magdadalawang isip na isakripisyo ang aking buhay para sa iyo. Mahal ko, hindi mo kasalanan ang digmaang ito. Isa ka sa mga magagandang bagay na dumating sa buhay ko at kailanman hindi nagbago ang pagtingin ko sayo. Ellyzea... Sa huling pag kakataon... lagi mong iisipin na ako ay nandito lamang sayong tabi. Sapagkat sa oras na inumin mo ang aking dugo, mabibiyayaan ka ng buhay na hindi kailanman makukuha ng iba. "

Ang mga luha ay walang tigil na pumapatak sa aking mata. Hindi ko hiniling na magkaroon ng buhay na walang hanggan kung ang kapalit lamang nito ay tahakin ang mundong wala ka! Pinupunas ni Caizel ang mga luha sa aking mata at ginawaran ako ng isang halik sa huling pagkakataon. Isang masiil at mapusok na halik na kailanman ay hindi na muling matitikman ng aking labi.

"Ellyzea mahal ko. Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng nagbigay ng liwanag sa mundo kong pinagtaksilan ng pag asa. "

Iniabot nya sa akin ang punyal at itinutok iyon sa kanyang puso. Muli niyang sinakop ang aking mga labi at itinurok ang talim. Habang lumalandas ang luha sa aking mga mata, nalasahan ko ang kanyang dugo mula sa tusok na kanyang ginawad sa kanyang sarili upang ipainom sa akin ang kanyang dugo.

--

Makasarili ka Caizel. Iniwan mokong naghahapis sa bawat araw na pumapatak. Ang nais ko lang naman ay makapiling ka ngunit kahit ang mga Diyos ay pinagkakait ka.

"Ellyzea...can you hold me tonight? Just this once...nakikiusap ako kahit ngayong gabi lamang, ako muna ang nilalaman ng iyong puso? "

Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata habang dumadausdos ang kanyang katawan sa sahig at ang kanyang ulo ay nakasandig sa aking tuhod. Ang mga kamay niya ay nakahawa sa aking pulso habang naghihintay ng tugon mula sa akin. Ito ang iyong kaparusahan Dimitri. Ito ang bayad sa lahat ng kasalanan na iyong ginawa.

"Dimitri kahit kailan hindi mo makukuha ang iyong inaasam dahil nung oras na namatay si Caizel ay dinala niya sa kanya ang aking puso."

Sobrang Short Stories And PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon