|| hindi ko malagay saedia yung link so guys mano mano us heh~https://youtu.be/hB_pyNU9d_g
Enjoy~||
Milyun-milyong mga salita ang namumuo sa isip 'kong di na gumagana
Tila nawalan na ng baterya ang sira na makina
Makina na nagpapagana sa isipang ikaw lang ang laman
Noon.
Noon nung walang humpay na magkausap
Noon na hindi pa alam ang salitang pahinga makapag usap lang hanggang umaga
Noon nung binubuo palang natin yung "tayo"
Yung "tayo" na ngayo'y ikinakatwa mo
Nakakatawa.
Halo halo ang nasa isip kung bakit nga ba nagkalayo
Kung bakit nga ba hindi pwedeng magkasama
Kung bakit nga ba kahit kailan hindi na mabubuo.
Akala ko nung una ay akin
Akala ko nung una ay ikaw
Ikaw na yung taong 'dumating ng dimo aasahan'
Pero diko alam ikaw rin pala yung taong 'aalis ng di mo aasahan'
Alam mo okay lang ako
Okay lang sinabi mo saking 'mas mabuti na ito kaysa naman mahirapan tayong dalawa'
Pero sana..
Pero sana...
Sana sinabi mo nalang yung totoo para
Mas matanggap ko na panandalian lang pala
Edi sana hindi ko ninamnam ang sandali na akala ko walang hangganan
Na akala ko ipinaglalaban.
Pero oo nga. Tama nga.
Di lahat ng akala totoo
Ang akin lang, akin lang
Ang tanging mali ko lang
Ay yung handa kitang ipaglaban pero bakit ako ay iyong sinukuan.
Handa kong saluhin ang bala at pana ng mapanghusgang mundo para sayo
Pero hindi ko alam ikaw pala ang taong humihila ng gatilyo ng baril at nagbibitaw ng pana sa palaso.
Nakakatawang isipin na handa mong hamunin ang mundo para sa taong mahal mo
Pero siya pala itong magtataas ng puting bandera at susuko sa gera na akala mo ay ipapanalo nyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/98805632-288-k369601.jpg)