Chapter 9: Plan

6.3K 173 0
                                    

Author's Note:

Baka po maguluhan kayo sa chapter na ito kaya't ipapaliwanag ko na. Ang timeline po sa kwentong ito ay December. Lumipat po sila Aphrodite ng Jailo University ng mga bandang December 10 at ngayon ay December 14 na. Pwede naman yun diba? Yung mag pa-transfer ng ibang school kahit kalagitnaan ng klase? HIhihi Yun lang po~ Enjoy reading <3

- - - - -

APHRODITE'S POV

Kasalukuyang kumakain kami ngayon dito sa canteen. Kasama ko yung dalawang tigyawat tsaka si Gean and friends. Pito sila tapos tatlo kami kaya heto ngayon. siksikan kami sa iisang lamesa. Kainis! Ang sikip!

"Pwede bang lumipat yung iba sa inyo dun sa kabilang table? ang sikip kaya!" Ayan na. Sumabog na si Cindy. Sinigawan na nya yung anim na anghel at isang mamaw.

"Hindi pwede eh" Sagot ni Gab. "At bakit naman?" Taas noo kong tanong "Kasi sabi ni Jin hyung" Sabi ni Bryle kaya't tinignan ko ng masama si Jin, tapos nag peace sign naman siya. Ang cute nya bwiset TTnTT

Gusto nyo ba malaman kung bakit kami napunta dito sa canteen at kung bakit kami nagsi-siksikan? O sige, dahil mabait ako pagbibigyan ko kayo sa mini flashback

>> FLASHBACK <<


Nandito kami ngayon sa classroom. Grabe sobrang boring mag-turo nung teacher kaya yung iba kung ano ano na lang ang ginagawa para malibang yung sarili nila.

Sa gilid ng mata ko ay nahagip ko yung grupo ng mga tukmol dun sa may gilid ng room. Nakita ko si Gean na nakatingin sakin kaya't iniwas ko yung tingin ko. Pagkaiwas ko ng tingin ko, nakita ko naman si V na nakatingin din sa direksyon ko.

Hutang inerns lang. Ano bang ginawa ko sa kanya at ang sama nanaman ng tingin nya sakin? -___-

Di ko na lang siya pinansin sa halip ay kinuha ko na lang yung Cellphone ko at naglaro ng Flappy Bird. Leche to eh. 1 lang High score ko T^T

"Ano yan?"

"Ay petrang kabayong nasagasaan ng ten wheeler truck." Nakakagulat naman 'tong si Jin. Huhuhu. Aatakihin ako sa puso neto eh TT^TT

"Grabe nama to. Nagtanong lang kung ano yan eh" Sabi nya tapos umupo sa katabing upuan ko sabay pout. Leche Jin! Kapag ako hindi nakapagpigil baka mahalay kita ng di oras! HAHHA Joke lang -___-V

Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon