APHRODITE's POV
Matapos kong kausapin si Paul ay nagdiretso ako sa bahay, pumasok ng kwarto ko at humiga sa kama. Ugh. Sana naman maipaintindi ni Paul kay V yung gusto kong sabihin, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kung ganito pa rin ang sitwasyon namin.
*tok tok tok*
Biglang may kumatok mula sa labas ng pinto ngunit di ko iyon pinansin sa halip ay kinuha ko yung unan sa tabi ko at itinakip iyon sa mukha ko tapos nagpagulong gulong ako sa kama.
Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi ko pa rin ito pinaansin.
"Tigilan mo nga yan. Para kang baboy na gumugulong diyan" Napabalikwas ako nang marinig ko yung boses niya ngunit pagka-balikwas ko ay wala akong ibang nakita kundi ang bukas na pintuan
Nagha-hallucinate lang siguro ako. I leave a heavy sigh and walk towards the door to close it. Pagkasara ko ng pinto ay babalik na sana ako sa kama ko ngunit hindi ko nagawa dahil nanigas ang buo kong katawan.
N-Nandun siya... Nakatingin sakin... Nakangiti...
Di ko na napigilan pa ang sarili ko, naptakbo ako papunta sa direksyon niya at niyakap siya habang nakangiti. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko nang niyakap din niya ako pabalik
Kumalas ako sa pagkakayakap at pinisil pisil yung mukha niya
"Aray! Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya habang inaalis ang mga kamay ko sa mukha niya "Totoo ka ba talaga?" Napaayos ako ng tayo at tinigilan ko na rin ang pisngi ni V na ngayon ay pulang pula na. "Hindi, Doppelganger lang ako. potspa, mukha bang hindi ako to? bakit? Gumwapo ba ako? Ahe" Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Siya nga to, mayabang eh =___=
"Naniniwala na akong ikaw yan kaya please lang, tigilan mo na yang kayabangan mo dahil baka matangay na tayo ng hangin" Inirapan ko naman siya at narinig kong tumawa siya ng mahina "Ayos lang. Kahit gaano pa kalakas ang hangin na yan, kahit gaano pa kalakas ang bagyo't ulan. Kahit na daanan pa tayo ng buhawi, tsunami o kahit na anong delubyo, kakayanin natin yan basta ba magkasama tayo" Yumuko na lang ako dahil alam kong namumula na ako dahil sa mga sinabi niya at oras na malaman niya iyon ay paniguradong aasarin nanaman niya ako.
"Eh kung ganon pala, bakit sa isang simpleng kwintas nawala na yung tiwala mo sakin?" Nakayuko ko pa ring tanong, naramdaman kong malapit nanaman akong maiyak dahil sa naalala ko yung mga nangyari kanina kaya't pinikit ko na lang ang mga mata ko upang pigilan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]
FanficAng Jailo University ay isang school ng mga Gangsters, mga patapon ang buhay, mga bagsak, record holder sa Guidance office at kung ano ano pa... Kaya ayokong pumasok dito! Puno ng masasamang tao! Lahat sila basagulero at batugan! Mga walang maabot s...