TRAGEDY II

3.4K 135 6
                                    

A/N: 

Justin po ang tawag ko kay V dito sa chapter na to hahaha ge yun lang po :)

- - - - -

MAY 5, 19**

THIRD PERSON's POV

Masayang masayang naglalaro ang batang si Justin sa loob ng hotel na pagmamay-ari nila.

"Justin, halika dito! wag ka ng makulit at pareho tayong mapapagalitan ng mommy at daddy  mo sa pinagaga-gawa mo!" Hingal na sabi ng yaya ni Justin habang hinahabol siya "Show me what you've got yaya" Pilyong sabi nito habang tumatakbo papalayo sa yaya niya.

Takbo lang ng takbo si Justin samantalang napahinto naman sa kakatakbo ang yaya niya sa pagtakbo dahil sa sobrang pagod kaya't nawala sa paningin niya si Justin. Hindi nito namalayan na nakasakay na pala ang bata sa elevator.

Lumabas si Justin sa elevator at nang may makitang bukas na pinto ay dali-dali siyang pumasok dito. Wala siyang paki-alam kung may makakita sa kaniya na naka check-in sa kwartong iyon dahil pagma-mayari naman ng pamilya niya ang hotel.

"Who are you?!" Gulat na tanong ng isang batang babae. Nakarinig si Justin ng mga yabag ng paa, nasisigurado niyang iyon ang iba pang mga tauhan ng kaniyang ama kaya't dali-dali niyang isiniarado ang pintuan at tinakpan ang bibig ng batang babae.

"WHO ARE YOUUUUU?!" Tili ng batang babae nang matanggal na ni Justin ang kamay niya sa bibig nito.

'Maganda nga, bungangera naman. Tsk. Muntik ko na maging crush' Isip isip ng pilyong bata habang nakatingin sa batang babae.


"AAHHH! THERE'S A STRANGER IN MY ROOM! OMG! HEEEEELP!!" Nagulat si Justin nang bigla na lamang buksan ng bata ang pinto at nagsisisigaw. Dali-dali niya itong pinuntahan at hinila ulit papasok sa loob ng kwarto. Inilagay ni Justin ang hintuturo niya sa tapat ng kaniyang mga labi, senyales na gusto niya itong tumahimik.

"ANDITO KA LANG PALANG BATA KA!" Nanlaki ang mga mata ni Justin nang marinig ang isang napaka-pamilyar na boses. Tumulo ang malamig na pawis sa noo niya at napalunok muna bago humarap papatalikod.

"D-Dad" Mautal-utal na sabi nito habang nanginginig. "Diba ang sabi ko sayo wag kang magulo? Tularan mo nga yung kuya mo na nandun sa kwarto niya at nagbabasa ng mga libro!" Sermon sa kaniya ng ama sa kaniya.

"But daddy, I wanna play--" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya at tuluyan na siyang napahagulgol dahil pinalo siya ng kaniyang tatay "Play? Puro ka laro! Ikaw talagang bata ka!" Galit na galit na sabi sa kaniya ng ama niya.

Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon