APHRODITE's POV
Nandito kami ngayon sa loob ng mansion ni V. Ang laki!!! Ganto rin kalaki yung bahay namin eh. Kung di nga lang nangyari yung trahedyang yun, malamang masaya ako ngayon at hindi ako papasok sa Jailo.
Kasalukuyan pong nasa 2nd floor si V. Sabi nya may kukunin lang daw siya pero bakit ang tagal? Psh.
Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Kulay puti ang pader at sa kanan may mga naka-sabit na paintings. Sa kaliwa naman ay may Picture ng isang babae, isang lalaki at dalawang batang lalaki. Magkakahiwalay na picture yan ah?
Tapos sa maliit na lamesa naman ay may isang Family Picture. Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. May kuya pala si V? Ang cute naman nilang dalawang magkapatid.
"Sino may sabing galawin mo 'yan? Ibaba mo nga yan" Agad ko namang ibinaba ang Picture. Grabe naman 'tong isang 'to. Titignan lang eh >3<
"May kuya ka pala? Nasan na siya?" Tanong ko "He passed away"
Hindi na lang ako sumagot sa halip ay umupo na lang ulit ako tapos siya naman umupo sa tabi ko. Kumuha siya ng bulak tsaka Betadine tapos nagsimula na siyang linisan ang sugat ko.
Tahimik lang kami habang nililinisan nya yung sugat ko.
"Ang cute naman ng kapatid mo tapos ang ganda at ang gwapo ng mommy at daddy mo. San ka nagmana?" Pagbasag ko ng katahimikan
"Sa Lolo ko, mas gwapo pa kasi yun kesa sa Daddy ko" Asdfghjkl Ang hangiiiiin.
"O talaga? Mas gwapo pa pala siya sa daddy mo pano mo nasabing sa kanya ka nagmana? Baka naman sa Unggoy ka nagmana?" I Smirked.
"Pero ako naman ang pinakagwapo sa buong mundo" Bagyong V, Signal #1,000,000,000. Dilubyo na 'to hindi na 'to basta hangin lang! Baka tangayin ako! Lels. Ang korni ko -_-
"Mas gwapo kaya sayo si Gean, mas Hot pa, cute pa siya, mabait at masaya kasama! Di tulad mo! Ang sungit sungit mo! Parang lagi kang may dalaw! Daig mo pa ang babaeng nagme-menopause. Di ka rin maintindihan. Minsan sasayaw sayaw ka na lang na parang nakasinghot ng albatros o kaya katol tapos minsan ang sungit mo, minsan naman pangasar ka. Ano ka ba talaga?" Nagulat ako sa mga pinagsasabi ko. Hala! Sinabi ko ba talaga yun?
"Araaaay!" Sigaw ko. Diniinan nya kasi yung pagpupunas. Ang sakit kaya! TT^TT
BINABASA MO ANG
Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]
FanfictionAng Jailo University ay isang school ng mga Gangsters, mga patapon ang buhay, mga bagsak, record holder sa Guidance office at kung ano ano pa... Kaya ayokong pumasok dito! Puno ng masasamang tao! Lahat sila basagulero at batugan! Mga walang maabot s...