V's POV
"Hyung! Ikaw muna dun sa taas" Sabi ni Gean pagbaba nya ng hagdan. Tignan mo 'to, nagpupumilit kanina na siya na yung magbabantay, tapos ngayon uutusan akong bantayan si Aph =___=
"Ikaw na" Sabi ko tapos nagkalikot nanaman sa cellphone ko. Leche 'tong si Vanessa kanina pa text ng text! Di ko na nga lang pinapansin eh. Ang kulit -__-
"Eh, inutusan kasi ako ni Jin hyung na samahan ko daw siya sa pagbili dun sa grocery para mamayang gabi eh, magluluto daw siya" Sabi ni Gean. "Eh bakit ako pa? Asan si Gab? Si Jino? Si Cindy?" Pagdadahilan ko pa.
"Ewan ko hyung. Basta akyat ka na! Tinatawag na ako ni Jin hyung eh" Tapos lumabas na siya, napatayo ako sa pagkakahiga sa sofa at tinignan ko si Jin at Gean na umalis. Tsk.
"Jino!" Tawag ko kay Jino. Asan ba kasi yun? "Bakit?" Nakagiting tanong nya. Anong problema nito? =___=
"Bantayan mo daw muna si Aph" Paglipat ko ng utos sa kanya pero hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mukha nya. Ano ba kasing meron? Anong nangyari dito? Ang weird nya. "Eh kasi sabi ni Noona pupunta daw kami sa park kasama si Bryle hyung at Cindy eh"
Si Paul at Gab na lang ang pag-asa. Sana wala silang ginagawa =____=
"Hyung!" tawag ko sa kanilang dalawa. Nasa may garden sila ng bahay at nakita ko silang sumasayaw. "Oh?" Tanong ni Paul habang hindi pa rin tumitigil sa pagsayaw.
"Paki bantay daw muna si Aph" Utos ko sa kanila. "Mamaya na! Nagpapaturo pa ako kay Gab na sumayaw" Asdfghjkl! No choice ako kaya't umakyat na lang ako sa kwarto nila Aph.
Isa lang ang masasabi ko. This room is so... Pink
Umupo ako sa upuang katabi ng kama ni Aph tapos nilabas ko yung Cellphone ko. Ewan ko ba kung bakit puro cellphone na lang ang ginawa ko buong maghapon. Wala kasi akong mapagtripan, nagkasakit pa kasi 'to eh.
"Magpagaling ka na nga kasi. Tsk" Ewan ko pero bigla na lang yan lumabas sa bibig ko. Maging ako'y nagulat din. Buti na lang at tulog 'tong kasama ko.
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa Cellphone ko. Naglalaro ako ng 2048.
BINABASA MO ANG
Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]
FanficAng Jailo University ay isang school ng mga Gangsters, mga patapon ang buhay, mga bagsak, record holder sa Guidance office at kung ano ano pa... Kaya ayokong pumasok dito! Puno ng masasamang tao! Lahat sila basagulero at batugan! Mga walang maabot s...