PAUL's POV
Nandito pa rin kami ni Aphrodite sa may rooftop ng hospital. Buti pa 'tong si Aphrodite, madaling makaintindi. Di katulad nung kapartner niya, kailangan mo pa ng mahabang mahabang eksplenasyon bago maintindihan ang lahat. Kaya walang nararating ang relasyon ng dalawa eh. Hindi pa nga nagiging sila ang dami ng drama sa buhay. =____=
"Paul... Pwede bang ikaw na lang ang magpaliwanag ng lahat kay V? Baka kapag ako kasi ang nag-explain sa kaniya, baka hindi niya maintindihan" Pagpapakiusap sakin ni Aphrodite. Kahit kailan talaga ang gulo ng takbo ng buhay ng dalawang love birds na to eh. Pag-untugin ko 'to eh.
Bitter ba? Psh. Di ah. Ang sweet kaya ng smile ko. Ako nga pinaka gwapo, pinaka magaling mag rap at pinaka masipag (weh) samin :P
"Ako? Bakit ako? Ayokong masangkot diyan. Problema niyo yan eh. May sarili akong problema" Pagre-reklamo ko habang kinakamot ng marahas ang ulo ko. Ano ba yan, nautusan pa tuloy ako T_T
"Eh, sige na kasi Paul! Ano bang gusto mo? Ibibigay ko kapag ginawa mo yun. Sige na pleaaaase?" Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Kumurba ang isang pilyong-- este matamis na ngiti sa mga labi ko nang tumingin ako sa kaniya "I want a big house, big cars, and big rings~"
"O sige bibigyan kita ng doll house, gusto mo pati barbie doll i-provide ko na. Tapos cars? O sige yung truck ng basura na dumadaan samin bibilhin ko para sayo. Big rings? Ay susko day, bibilhan kita ng hoola hoop" Sabi niya kaya't binatukan ko siya. Gawin daw ba akong bakla? Huhu sabi ko BIG house hindi DOLL house, tsaka anong hula hoop? T_T
"Aray ko naman" Sabi nito habang hinahawakan yung part na binatukan ko "Ikaw kasi eh. Oo na gagawin ko na yung pinapagawa mo, wag mo lang akong bigyan ng mga ganyang bagay. Lalo na yung truck ng basura, baka mapahiran ng kung ano anong germs yung balat ko" Nakangiwing sabi ko
"Talaga? Yehet! Ang gwapo mo talaga Paul! Thank you talaga!" Sabi niya na mas lalo ko namang ikinatuwa "Siyempre naman gwapo ako. Hah, si Paul Rivera yata to" Sabi ko habang naka-pogi sign.
"Haha. Tama na paghithit ng katol, napapa-sobra na. Kung ano ano ng nasasabi mo" Pilit na tawang sabi nito. Napabusangot naman ako. aba loko 'tong babaeng to. Mukha ba akong naka-katol? Sa gwapo kong to?
"Maka-alis na nga" Sabi ko at padabog na umalis.
Nagpunta ako sa bahay ni V at pagka-pasok ko ay nakita ko siyang ginagamot yung sugat niya.
"Bakit ka nandito hyung?" Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita. Nakakagulat naman 'tong batang to. "Ba't parang gulat na gulat ka?" Tanong niya habang tumatawa "Eh kasi naman yang boses mo parang lolo. Ang lalim kaya" Reklamo ko
BINABASA MO ANG
Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]
FanficAng Jailo University ay isang school ng mga Gangsters, mga patapon ang buhay, mga bagsak, record holder sa Guidance office at kung ano ano pa... Kaya ayokong pumasok dito! Puno ng masasamang tao! Lahat sila basagulero at batugan! Mga walang maabot s...