Chapter 10: Sorry

5.5K 183 8
                                    

GEAN'S POV

"Hala ka Andrew! Bakit mo inaway si Jino?" Parang batang sabi ni Cindy. Andrew nga pala tawag nya sakin kasi di pa kami close pero dahil kaibigan siya ni Aph, kaibigan ko na rin siya Haha

"Gean na lang tawag mo sakin. Tsaka ganun talaga yung si Jino hyung" Mas bata ako kay Jino hyung pero parang mas matanda pa ako sa kanya. Ang liit kasi. Haha

"Gean, mag-sorry ka kay Jino" Utos sakin ni Paul hyung. "No need. Ganun talaga yun, di ka na nasanay hyung. Lagi naman siyang ganun eh. Maya-maya ayos na yun" Ayoko mag-sorry sa kanya. Nakakahiya eh -.-

"Kahit na mabilis mawala ang galit ni Jino, tingin mo ba hindi sumasama ang loob nya sayo? Pasalamat ka nga at ang bait bait satin ni Jino. kahit ano pang sabihin mo tungkol sa height nya, mabait pa rin siya satin. Gean, mas matanda pa rin sa'yo si Jino. Sige nga, kunware mas bata ako sayo tapos binabatuk-batukan lang kita. Anong magiging reaksyon mo?" Panga-ngaral ni Paul hyung... Hmm.. Ano nga ba magiging reaksyon ko?

"Magagalit syempre" Sagot ko. "Bakit ka magagalit?" Gatong na tanong naman ni Bryle hyung "Kasi parang hindi na ako karespe-respeto?" Sagot ko ulit.

"Yan mismo ang nararamdaman ni Jino ngayon at kung ako sayo pupuntahan ko na siya ngayon at magso-sorry. Lahat ng bagay may hangganan Gean, malay mo mapuno na si Jino at iwanan na lang tayo. Malay mo magalit sya sayo kasi hindi mo na siya nire-respeto" Napaisip din ako sa sinabi ni Paul hyung.

 Pano nga kung iwan na lang kami ni Jino hyung? Wala ng mahangin sa'min, wala ng makulit...

"Magso-sorry na nga ako" Sabi ko sabay tayo.. San naman kaya posibleng magpunta si Jino hyung?

"Nandun siya sa rooftop for sure" Biglang singit ni V hyung.. "Diba nandun ka sa pilahan ng pagkain kanina? Ano ka kabute?" Tanong ni Aph kay V. Naunahan ako magtanong ni Aph HAHAHA

"Gwapong kabute" Tapos umupo na siya at kumain nung mga in-order nya. Nasabi ko na bang siya ang pinaka matakaw samin? Parang si Aph lang eh Haha

"Pano mo naman nalaman na nasa rooftop siya?" Tanong ko.

"Kanina nakita ko kasi siya lumabas ng canteen kaya sinundan ko tapos nakita kong nagpunta sya sa rooftop at nagsisi-sigaw" sabi nya habang sumusubo ng chocolate cake.

Dali-dali akong lumabas ng canteen at nagpunta sa rooftop. Lakas kasi maka-kunsiyensya ni Paul hyung eh...

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop ay nakita ko siyang nakaupo sa edge ng rooftop. May harang naman kaya hindi siya mahuhulog.

Umupo ako sa tabi ni Jino at pinagmasdan ang mga estudyanteng nasa baba namin. May mga nagsu-suntukan, nagsasabunutan, nagsasampalan, nagiinuman, naninigarilyo.

Maswerte ako at sila ang naging mga kaibigan ko, nandyan sila parati para sakin. Hindi kami katulad ng mga estudyanteng nakikita ko ngayon. Oo nga't nakikipag-away kami pero ginagawa lang namin yun kapag kailangan.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa baba.

"Jino hyung..." Napatingin ako sa kanya at nakita kong tinanggal nya yung earphones na naka-kabit sa tenga nya "Alam mong first time ko 'tong gagawin at alam mo rin na hindi ako marunong sa mga ganto--"

"Manliligaw ka? Sorry Gean, di tayo talo" Walang expression nyang sabi. Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka nahulog ko na 'to mula dito sa rooftop =___=

"Di ah! Nandito ako para humingi ng tawad. Sorry Jino hyung kasi hindi na kita nabibigyan ng respeto. Alam kong ang bait bait mo sa amin pero inaabuso ko na yung kabaitan mo, yung tipong palagi na lang kitang pinagt-tripan. Sana magkaibigan pa rin tayong lahat hanggang sa huli" Shet. Bakit feeling ko ang bakla ko? =____=

"Ayos lang yun, haha! Paki-ulit nga yung mga sinabi mo kanina. From the top ah! Pag may mali kang nasabi ihuhulog kita dito" Sabi nya tapos binatukan ako. Leche, Ako yata naabuso dito eh

"Eh ikaw ba hyung? Gusto mo ikaw ihulog ko dyan? Mahal yata sorry ko, pasalamat ka naka-libre ka. Tara na nga, punta na tayong canteen" Sabi ko tapos tumayo na ako.

"Sorry Jino hyung kasi hindi na kita nabibigyan ng respeto. Alam kong ang bait bait mo sa amin pero inaabuso ko na yung kabaitan mo, yung tipong palagi na lang kitang pinagt-tripan. Sana magkaibigan pa rin tayong lahat hanggang sa huli"

Shet. Parang boses ko yun ah?!!!!

Tumalikod ako nakita ko si Jino hyung na hawak yung cellphone nya. Tangina, ni-record yata neto yung mga sinabi ko kanina!!! =_____=+

"HYUUUUUUUUUUUUUNG!!!" Sigaw ko tapos hinabol ko siya.

- - - - - -

A/N:

Hanggang dito na laaaaang! Thank you po sa mga nagbabasa <3

Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon