TRAGEDY I

3.9K 138 11
                                    

MAY 5, 19**

THIRD PERSON's POV

Masayang naglalakad ang pamilya Villafuerte patungo sa Parking lot ng Mall... Birthday ng Mama ni Aphrodite kaya't nanood ng sine ang buo niyang pamilya.

"Mommy ang saya saya ko po talaga at kasama ko kayo ngayon! Happy Birthday mommy! I Love you!" Sabi ng batang si Aphrodite at dali-daling niyakap ang kaniyang ina

"Aww... Thank you baby, Mommy loves you too" Sweet na sabi ng kaniyang ina at hinalikan sa pisngi ang kaniyang anak.

"Honey, eto nga pala yung birthday gift ko sayo" Sabi ng Ama ni Aphrodite habang may inaabot na maliit na kahon sa kaniyang ina. Binuksan nito ang natanggap na regalo at laking tuwa nang makita ang isang singsing. May malaki itong bato at halatang napaka-mahal.

"Thank you!" Sabi ng kaniyang ina at hinalikan ang asawa sa pisngi. Sumakay na ang pamilya sa kanilang sasakiyan at umuwi na ng kanilang bahay.

Gabi na nang makarating sila sa tapat ng bahay nila ngunit laking pagtataka nila nang makita nilang bukas ang gate ng bahay, inisip nilang baka nakalimutan lang na isara ng guard ang gate kaya't hindi na lamang nila ito pinansin.

Ipinarada ng tatay ni Aphrodite ang sasakyan sa kanilang garahe. Lumabas na ng kotse si Aphrodite at nagtaka nang may nakitang isang batang lalaking nagtatago sa isang malaking halamanan sa may Garden nila. Agad niya itong pinuntahan ngunit bigla itong tumakbo papalayo

"Baby, san ka pupunta? Gabing gabi na!" Tawag ng kaniyang ina kaya't napatingin lamang siya dito "Mommy, I saw a boy over there! I will go find him, okay?" Pagpapaalam ni Aphrodite sa kaniyang ina

"But baby, it's too dark already! Baka kung mapaano ka pa" Pagtanggi ng nanay niya "Please, mom?" Pagpupumilit ni Aphrodite. Wala ng nagawa ang nanay niya kaya't pinayagan na lamang niya ang kaniyang anak.

"Basta bumalik ka kaagad ha? Wag kang lalayo" Habilin ng nanay niya bago tuluyang pumasok ng bahay. Tumango naman si Aph at dali-daling tumakbo si Aphrodite upang hanapin ang batang nakita niya kanina.

Takbo lamang siya ng takbo nang mahagilap ng mata niya ang batang kanina niya pa hinahanap. Nakaupo ito sa damuhan at nanginginig at para bang takot na takot.

"Hey, why are you crying?" Linapitan ito ni Aphrodite at tinanong "W-Wag mo akong lapitan!" Nanginginig at may halong takot na sabi ng Batang lalaki habang umaatras

Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon