Chapter 24: Hear me out

4K 139 11
                                    

V's POV

New Year's passed, Gean's still in coma. Hindi nanaman ulit kami nagpapansinan ni Aph at si Vanessa naman, sobrang nakakainis na! Laging naka-buntot! Buti nga ngayon at naisipan niyang humiwalay saglit sakin eh.

Naglalakad-lakad lang ako sa loob ng hospital at nang makarating ako sa may dulo ng pasilyo ay bigla na lamang akong nakarinig ng dalawang pamilyar na boses.

"Vanessa, kailangang malaman ni Justin 'to!" Sumilip ako ng kaunti at laking gulat ko ng makita ko si Gab at Vanessa. What do I need to find out?

Dahil sa sobrang pagka-curious ko ay hindi ko na napigilang wag makinig.

"No Gabriel. Please not now! I'm begging you. Gusto ko pang makasama si V!" Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pangalan ko. Anong dapat kong malaman? Aish

"No Vanessa... I'm sorry but I need to tell this to him. Tigilan mo na ang kasakiman mo! Maraming tao ang nasasaktan nang dahil sayo! Puro sarili mo na lang ang iniisip mo!" Naramdaman kong papalapit sa kinaroroonan ko si Gab kaya't umakto ako na para bang kadarating lang.

"K-Kanina ka pa diyan?" Takang tanong ni Gab. Umiling naman ako "Kararating ko lang, bakit?" Pagsisinungaling ko.

"We need to talk" Sabi ni Gab tapos hinila ako papalayo kay Vanessa. Rinig na rinig ko ang pagtawag ni Vanessa sa pangalan ko at kay Gab ngunit binalewala lang namin ito.

"Anong sasabihin mo?" Pagmamaang maangan kong tanong kay Gab nang huminto kami sa paglalakad. "It's about Vanessa and her Family..." Mahinang sabi nito.

"What about her?" Tanong ko. Gustong gusto ko na talagang malaman. Wag pa-suspense Gab, pwede? "Tumawag kanina si Mommy at sinabi ang lahat tungkol sa pamilya niya..." 

"Straight to the point bro. Ano bang gusto mong sabihin?" Diretsahang sabi ko. Ayoko ng patagalin pa. Asdfghjkl dami pa kasing nalalaman ng kabayong 'to eh :3

"Na-bankcrupt na ang pamilya ni Vanessa at lubog na sila sa utang" Nakangiting sabi niya. "Ibig sabihin..." Nakangiti ko na ring sabi. Shet nakakahawa ba ang pagngiti? O sadyang masaya lang ako?

"Yes... Malaya ka na" Sabi niya. I'm now free from that witch! Hah! Salamat sa pinagkakautangan ng pamilya ni Vanessa at sa wakas, hindi na ako maba-black mail nung babae na yun!

Jailo University (BTS Fan Fiction) [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon