"HAYAN," padabog na wika ni Ariana kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng isang guest room.
Sigurado siyang palaging maayos ang mga kuwarto doon pero ewan ba niya at parang gusto pa rin niyang i-check. Kaya naman nagpatiuna na sa pagpasok si Ariana. Ang una niyang nilapitan ay ang kama. She traced her hand on the bed cover. Yumuko pa siya para mabistahan iyon ng husto. Pagkatapos ay tinungo niya ang maliit na closet para kumuha ng towel. Umikot na siya para ipatong iyon sa ibabaw ng kama nang mahuli niyang nakatingin sa kanya si Clay.
"What?" defensive agad na tanong ni Ariana. Paano ba naman kasi ay parang relaxed na relaxed na nakasandal lang ito sa hamba ng pinto habang pinapanood siya.
Sumimangot si Ariana nang magkibit lang ito ng balikat. Bigla ay parang nangati siyang burahin ang satisfied na ngiti sa mga labi nito. At lalo pa siyang nainis nang humalukipkip ito at pinagkrus ang mga paa na para bang aliw na aliw ito sa panonood sa kanya.
Napapabuntong-hiningang ibinaba ni Ariana ang towel at ibinuka ang mga kamay. "Kung may bad news ka pang itinatago diyan, sabihin mo na. Come on, do your worst."
Naa-amuse na ngumiti si Clay. "Bakit iniisip mo agad na may bad news akong sasabihin? At kailan ba ako nagbigay ng bad news sa'yo?"
"Simula nang pumunta ka sa opisina ko ay puro bad news na lang ang dala mo. You're like bad news personified."
Bigla na lang ay nawala si Clay sa pagkakasandal doon sa pinto. Determinado ang mga hakbang na lumapit ito sa kanya. At bago pa makapagreact si Ariana ay naroon na ito sa mismong harap niya."I beg to differ, Ariana. Sa ating dalawa, ikaw ang mas bad news."
At sa unang pagkakataong simula nang makilala ni Ariana si Clay ay nakita niyang nawala ang composure nito. Ang palaging cool na cool na ekspresyon ng muka nito ay napalitan ng frustration.
"Bago kita nakilala ay hindi ako basta-basta gumagawa ng mga impulsive na bagay. At kahit kailan ay hindi ko ginawang magpropose ng kasal sa isang babae sa pangalawang beses pa lang naming pagkikita. Hell! I've never even proposed to any woman at all. But you," ang frustration sa mukha ni Clay ay biglang napalitan ng determinasyon. "I've never even kissed you or dated you. Pero heto at nagkakandarapa agad akong magpa-impress sa'yo kaya nagpagawa ako ng singsing na may ruby diamond. Because I thought the fiery red suits your fiery personality."
Nang humakbang si Clay palapit kay Ariana, agad na iniutos ng isip niyang umatras siya. Pero parang napako na siya sa kinatatayuan. Hindi pa kasi siya nakakarecover sa mga narinig mula kay Clay.
"At ni hindi pa nga tayo ikinakasal, you already had me hauling my ass and driving all the way through two, or was that three, provinces just so I could make sure that you were all right."
Tapos bigla na lang ay hinahaplos na ni Clay ang kaliwang pisngi ni Ariana. "Pagkatapos mong putulin ang tawag kanina ay hindi na kita makontak uli. I got worried. Kaya pagkatapos kong pilitin si Georgie na sabihin sa akin kung nasaan ka ay sumunod agad ako dito. Inutusan ko na din si Georgie na tawagan ka every five minutes at ireport niya sa akin kapag sumagot ka na. Kailangan ko kasing magconcentrate sa pagmamaneho."
Napasinghap si Ariana nang biglang lumipat ang kamay ni Clay sa likod ng kanyang ulo. Isinuklay nito ang mga daliri sa kanyang buhok. Then he possessively curled his other hand on her nape.
"Hindi mo alam kung anu-anong senaryo na ang pumasok sa isip ko. And damn it, Ariana, I've never been this worried in my life."
Bago pa malaman ni Ariana kung ano ang intensiyon ni Clay ay natagpuan na lang niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito. Then he was kissing her full on the mouth.
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...