The Other Side of Clay

10.7K 286 18
                                    

HINDI pinayagan si Ariana ng mga magulang niya na umalis. That night she slept in her old clothes and in her old bed. Dati ay paborito niyang lugar doon sa bahay ang kuwarto niya. Pero nang gabing iyon, pakiramdam niya ay hindi siya komportableng matulog doon. She missed sleeping with Clay. Namimis niya ang mga yakap nito. It felt so cold, kahit pa balot na balot na siya ng kumot.

Narealize ni Ariana na ngayong gabi ang unang gabi na hindi niya ito katabi sa pagtulog simula nang ikasal sila. She really missed her husband. She missed hearing him grumble in his sleep. But she especially missed hearing the beat of his heart while she lay against his chest. Kaya siguro paggising niya nang umagang iyon ay hindi agad maganda ang umaga niya. Kahit pa mahaba naman ang tulog niya, pakiramdam pa rin niya ay hindi siya nakapagpahinga ng maayos.

"Good morning," tipid na bati ni Ariana pagpasok niya sa dining room. Naroon na ang papa at mama niya at nag-aalmusal.

"Good morning, Ariana. Nakatulog ka ba ng maayos?" malambing na tanong ni mama Criselda.

Tipid na tumango lang si Ariana saka nagsimula na ding kumain ng agahan. Maya-maya ay bigla na lang binitiwan ni papa Anselmo ang binabasa nitong dyaryo at tinawag siya.

"Ariana, tatawagan ko agad ang ninong Leonardo mo pagkadating ko sa opisina. He's not practicing domestic law. Pero inaasahan kong may mairerekomenda siyang magaling na abogado para hawakan ang kaso mo."

Nanlalaki ang mga matang bumaling si Ariana sa papa niya. "K-kaso ko?"

"Your separation with Clay," agad na sagot nito.

"P-pero—"

"This is for the best, Ariana."

Huminga ng malalim si Ariana para kalmahin ang sarili. She didn't dare speak. Ayaw kasi niyang may masabing hindi maganda sa mga magulang niya. Naiintindihan niyang concerned lang ang papa niya kaya nito sinasabi ang mga iyon.

"Alam kong kaya mo nang alagaan ang sarili mo, Ariana. I may be late in saying this but I'm proud of your independence. Kaya hindi na ako magdadalawang isip na pangalanan ka bilang solong tagapagmana ng Ariana's Taste. Kakausapin ko agad ang abogado ng Ariana's Taste para gawing opisyal ang lahat," muling wika ni Anselmo.

Hindi maitatanggi ni Ariana na ang mga salitang iyon ang matagal na niyang gustong marinig mula sa papa niya. At ngayong narinig na niya ay parang wala naman yung satisfaction na inaasahan niyang mararamdaman. It just didn't feel right anymore.

"Thank you, pa," tanging naisagot niya.

"'Wala ka bang itatanong tungkol sa mga detalye?" tila naguguluhang tanong ng papa niya.

Umiling si Ariana. "I'm very happy and honored, pa."

"Nagbago ka na," biglang wika ni mama Criselda na siyang nagpabaling kay Ariana dito.

"Ma?"

"Ang sabi ko nagbago ka na, Ariana."

Alanganing ngumiti si Ariana. "Ahm, I hope mabuti naman ang pagbabagong napansin mo, ma."

Bago pa makasagot ang mama ni Ariana ay may dumating na kasambahay at sinabing may naghahanap daw sa kanya sa labas.

"Si Clay ba 'yan?" agad na tanong naman ng papa niya.

"Hindi, sir. Mukhang delivery boy po. Pero ayaw niyang ibigay ang package hanggat hindi si Ma'am Ariana ang tumatanggap," sagot nito.

Nang tumango ang papa niya ay tumayo na si Ariana para lumabas. Pagdating sa labas ay may delivery boy ngang naghihintay doon.

"Kayo po ba si Ma'am Ariana?"

Nang tumango si Ariana ay may iniabot na isang sobre sa kanya ang delivery boy. Pagkatapos ay sumenyas ito sa kasamahan nito na naroon sa delivery truck. Ilang sandali pa ay naroon na din ang isa pang lalaki na may hawak na dalawang malalaking bouquet sa magkabilang kamay.

The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon