KANINA pa tulala si Ariana sa sarili niyang opisina nang tumawag ang mama niya.
"Anak, kailangan mong kausapin ang papa mo. He's been working nonstop since he got back to work," agad na wika ng mama niya.
"Ma, alam mo namang masama pa rin ang loob sa akin ni papa."
Malakas na napabuntong-hininga ang mama ni Ariana. "Kilala mo naman ang papa mo. Mawawala din ang tampo niya sa'yo. Ganyan naman kayo palagi eh pero pagkalipas lang ng ilang araw ay okay na uli kayo."
Gustong sabihin ni Ariana na iba itong pagtatalo nila ngayon. Na sa tuwing naaalala niya ang eksenang iyon sa conference room ay parang tinutusok parin ang puso niya. Nasaktan siya sa naging reaksiyon ng papa niya, pero hindi naman niya magawang magalit dito ng tuluyan dahil alam niyang nasaktan din niya ito.
"Okay, Ma, ako na ang bahala kay papa."
"Salamat, anak."
Sandali pa lang na naibababa ni Ariana ang telepono ay bumukas naman ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok doon ang assistant niyang si Georgie kasunod ang isang lalaki.
Agad na napatayo si Ariana. "What are you doing here?"
Ang lalaking nakasunod kay Georgie ay si Clarence De Asis. Ang batang-batang presidente ng De Asis Corporation na siyang nagbigay ng malaking offer para lang tanggapin nila ang franchise proposal para sa Ariana's Taste.
"I'll just be outside if you need anything," narinig niyang wika ni Georgie pero ang buong atensiyon niya ay na kay Clarence lang.
Maliban sa pagkakataong iyon ay isang beses pa lang itong nakita ni Ariana sa personal—nang i-finalize nila ang proposal ng De Asis Corporation para sa pagfranchise ng mga ito sa Ariana's Taste. At ngayon ay siguradong nabalitaan na nito na irerevoke ng papa niya ang inisyal nilang kasunduan.
"I'm no longer connected with Ariana's Taste. Kung anuman ang gusto mong sabihin ay sabihin mo na lang sa papa ko."
Sa wakas ay tumigil din si Clarence sa pagmamasid sa kanyang maliit na opisina. Pero hindi naman nagustuhan ni Ariana na sa kanya tumutok ang mga mata nito. At sa halip na magsalita si Clarence ay naupo lang ito sa visitor's chair na nasa tapat ng kanyang desk.
Parang biglang nailang si Ariana. Sanay siya na ang lahat ng taong nakakasalamuha niya ay nagkakandarapa para gawin ang nais niya. But not this man.
Dahan-dahang naglakbay ang mga mata ni Clarence sa kabuuan ni Ariana. Bigla tuloy siyang napaupo sa kanyang desk para lang maiwasan ang mapanuring mga mata nito.
Yup, definitely not this man.
"So," sa wakas ay nagsalita na din si Clarence. "Just this morning, I was informed that our initial agreement is being revoked."
"Tulad ng sinabi ko kanina, I'm no longer affiliated with Ariana's Taste. Whatever issues you want to discuss, you have to discuss them with my father." Naipagpasalamat ni Ariana na nagawa niyang patatagin ang kanyang boses.
"Alam ko."
Tumaas ang kilay ni Ariana. "Kung ganoon ay ano ang ginagawa mo dito?"
Nagkibit ng mga balikat si Clarence saka tila balewalang sumandal sa upuan. Nagpakawala ng buntong-hininga si Ariana.
"Alright, kung anuman ang gusto mong sabihin, pwede bang sabihin mo na? As you can see, I'm busy here," itinuro pa niya ang sariling desk. "At sigurado akong busy ka din."
Sa pagkadismaya ni Ariana ay hindi parin nagsalita si Clarence. Naisip tuloy niya na parang si Clarence 'yung klase ng tao na hindi basta-basta mapipilit na gawin ang isang bagay na ayaw nito. At sa oras na iyon ay obvious na wala pa itong balak na magsalita. Kaya hinayaan na lang ito ni Ariana.
"Alam mo ba kung gaano katagal ko nang sinusubukang makakuha ng franchise ng Ariana's Taste?" sa wakas ay tanong ni Clarence.
Tumango naman si Ariana. "Yes, simula nang ikaw ang maging presidente ng De Asis Corporation, which was more than five years ago."
"Hmm," ang tanging sagot ni Clarence.
"What exactly are you doing here, Mr. De Asis?"
"You're too formal, call me by my name." Ang paraan ng pagkakasabi doon ni Clarence ay para bang wala siyang karapatang tumanggi. At hindi maintindihan ni Ariana kung bakit ni hindi man lang siya nakakaramdam ng pagkainis dahil doon.
"Clarence," nasabi na niya bago pa siya makapag-isip.
Bigla na lang ay ngumiti si Clarence.
Oh Jesus, Mary, Joseph, and a camel! Alam ba ng Clarence na ito kung gaano kapanganib ang ngiti nito? Kaya ba ito ngumiti sa kanya ngayon ay para gamitin iyon bilang sandata?
"Clay."
"Ha?" wala sa sariling tanong ni Ariana.
"Call me Clay. Since you're going to be my fiancé soon, you need to start calling me Clay."
"Oh," pagkatapos ay bigla na lang natauhan si Ariana. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero wala naman siyang maisip sabihin.
"Yes?" nakangiti pa ring tanong ni Clarence. Teka, hindi ba sinabi nitong Clay ang itawag niya dito?
"Clay," pero kasabay nang pagbanggit sa nickname nito ay naalala din ni Ariana ang iba pa nitong sinabi. "Teka, sinabi mo bang fiancé?"
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
Storie d'amoreBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...