"Fuck it!" marahas na pagmumura ni Clay saka biglang ikinulong ang mukha ni Ariana sa dalawang palad nito.
Lalo lang namang napaiyak si Ariana dahil doon. Pagkatapos ay bigla siyang nakarinig ng mga papalapit na yabag.
"Bitiwan mo si Ariana, Clay," galit na utos ng papa niya.
Napamura nanaman si Clay pero sinunod naman nito ang utos ng papa niya. Kung si Ariana lang ang masusunod ay ayaw sana niyang bitiwan siya nito. Pero kailangan na niyang masanay na wala ito.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, Clay. Then you may go," matigas paring wika ni papa Anselmo.
"Goddamn it, I don't even know where to start," frustrated na wika ni Clay.
Nang tumunog ang cell phone ni Clay ay gulat na gulat na pinanood ni Ariana ang bigla nitong pagkuha niyon at pagbato sa sahig.
"I said I'm not taking any calls right now, damn it!" he muttered as he kicked his phone away.
Parang biglang umurong ang mga luha ni Ariana. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa iniaakto ni Clay ngayon.
"Clay...?" mahinang tawag dito ni Ariana. Dahan-dahan din siyang lumapit dito.
"I'm sorry, Ariana. I'm just so fucking sorry."
"'Wag kang magsorry. Hindi mo naman kasalanan kung hindi mo talaga ako mahal. I just assumed—" napatigil siya nang umiling-iling si Clay.
"But that's exactly my problem. Hindi ako nagsalita hindi dahil sa hindi kita mahal."
"Napakarami namang hindi niyan. It doesn't sound so good."
But in typical Clay fashion, he just ignored her statement. "This is such a mess," wika nito saka inihilamos ang mga kamay sa sariling mukha.
"Siguro dapat ay sa ibang araw na lang tayo mag-usap, Clay. I don't think this is the right time for us to talk."
"Alam ko. Kanina ko pa nga pinipilit ang sarili kong umalis."
Something sharp pierced through Ariana's heart. Pero hindi niya ipinahalata iyon. "Just go home, Clay."
"But that's exactly my problem, Ariana. Hindi ko kaya. Kahit ano'ng sabihin ko sa sarili ko, hindi ko magawang umalis dito nang hindi ko naitatama 'yung maling iniisip mo. Pero ngayong nandito na ang chance, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin."
Ariana stared at Clay in wonder as he walked slowly toward her. Makikita ang pagkatalo sa mga mata nito. Pero nagpatuloy ito sa paglapit hanggang sa magkatapat sila. At habang magkahinang ang mga mata nila ay dahan-dahan itong lumuhod sa harap niya.
"I wish I can say 'to hell with the money!' But I can't. I may be a selfish man, but I'm not that selfish."
"Hindi kita maintindihan, Clay," halos pabulong na wika ni Ariaana.
"Hindi ko masabi ang mga salitang gusto mong marinig kanina hindi dahil mas importante ang pera kaysa sa'yo. God knows you're the most important thing in my life, Ariana."
NAHIGIT ni Ariana ang hininga sa sinabi ni Clay. Hinayaan niyang umusbong ang maliit na pag-asa kahit sandali lang. Lalo na nang gagapin ni Clay ang dalawa niyang kamay at halikan ang mga iyon.
"But you see, bago namatay ang papa ko, he made some bad investments. Nagsuffer ang De Asis Corporation dahil doon. Tapos isang araw nalaman pa niya na ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan at kasosyo sa negosyo ay trinaydor siya. That was what got him killed. Nang malaman niya na nagnakaw ng malaking halaga ang sarili niyang kaibigan na siya ding financial executive ng De Asis Corporation ay sinugod niya ito. But he never got there. Siguro sa sobrang galit niya ay hindi siya nakapagfocus sa pagmamaneho. He crashed his car and he died. Lahat ng problemang dala ng mga failed investments na iyon at ang pagkawala ng malaking halaga sa korporasyon ang minana ko."
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...