NANG umalis si Ariana sa opisina ni Clay ay dumiretso siya sa bahay ng mga magulang niya. It's weird because she didn't consider it her home anymore. Pero wala siyang ibang mapuntahan kaya doon siya nagtungo. Nagkulong siya sa dati niyang kuwarto at hindi niya pinansin ang kahit na sinong kumatok doon at nagtangkang kumausap sa kanya.
Masamang-masama ang loob ni Ariana. Gusto niyang umiyak pero ngayong nag-iisa na lang siya ay ayaw namang pumatak ng mga luha niya. She just felt tired and numb.
"Ariana... Ariana, gumising ka na, anak."
"Ma?" naaalimpungatang bumangon si Ariana. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
"How do you feel?"
Hindi nakasagot si Ariana. Kung kanina ay ayaw lumabas ng mga luha niya, ngayon naman ay parang sasabog ang dibdib niya kapag hindi siya umiyak. Pero hindi niya hinayaang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. She will not let her parents see her cry.
Nang makarinig siya ng pagtikhim ay saka lang niya napansin na naroon din pala ang papa. Nakatayo ito niya sa bukana ng pinto. Hawak nito sa isang kamay ang master key sa kanyang kuwarto.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita niyang nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang. Naramdaman agad ni Ariana na may hindi sinasabi ang mga ito sa kanya.
"Pa? Ma? Ano'ng problema?"
Nag-iwas ng tingin si mama Criselda saka umiling. Si papa Anselmo ay napapabuntong-hiningang lumapit sa kanyang kama.
"Anak, nariyan sa labas si Clay," dahan-dahang wika ng papa niya.
Hindi nagsalita si Ariana.
"Halos kasunod lang namin siyang dumating dito kanina. Pero hindi ko siya pinayagang makapasok. That was five hours ago."
Biglang napabaling si Ariana sa papa niya. "Five hours?" napatingin siya sa relo at saka niya nasigurong tama ito. Mahigit limang oras nga siyang nakatulog.
"Sinabi ng papa mo sa kanya na ayaw mo siyang makausap. But he still stayed there."
"Ito namang mama mo masyadong malambot. Pinapasok agad sa gate pagkalipas lang ng dalawang oras."
Napasinghap na si Ariana. Parang noon lang niya na-absorb ng husto ang pinagsasabi ng kanyang mga magulang. "N-nandiyan pa rin siya sa labas?"
Sabay na tumango ang mga magulang niya. Then they all fell silent. Pero ang totoo ay hindi lang talaga alam ni Ariana kung ano ang sasabihin.
"Ariana, anak, I'm sorry."
Gulat na napatingin si Ariana sa papa niya. "Pa, bakit ka nagsosorry?"
"Kasalanan ko kung bakit ka nasasaktan ngayon. Dapat kinwestiyon ko ang tunay na relasyon niyo ni Clay. Hindi ako dapat basta naniwala na nagkagustuhan kayo noong magkita kayo sa meeting. Responsibilidad ko bilang ama mo ang bagay na iyon. But I failed you. I couldn't let go of my old beliefs."
"Anselmo, hindi lang ikaw ang nagkulang sa anak natin. Ako man ay nagsisisi na hindi ko man lang kinwestiyon kung bakit nagmamadali silang magpakasal." Pagkatapos ay bumaling si mama Criselda sa kanya. "Patawarin mo kami, Ariana."
"Wala na akong pakialam kung ayaw mo munang mag-asawa. I'll let you establish your career and your independence if that's what you want. Pero hindi na ako makakapayag na bumalik ka pa sa Clay na iyon."
"Pa..."
"Alam naming mahal mo si Clay. Pero bata ka pa naman. Mawawala din 'yan, anak. Makakalimutan mo din siya. All you need is time," dugtong pa ng mama niya.
Napayuko si Ariana. Paano ba niya sasabihin sa mga magulang niya na mali sila. Na hindi na mawawala ang pagmamahal niya kay Clay. She already gave her heart to him. At noon narealize ni Ariana na siya pala yung klase ng babae na kapag ibinigay na niya ang puso sa isang lalaki, 'yun na talaga 'yun. She's one of those people who would love only once.
"Papa, mama, please 'wag niyong sisihin ang mga sarili niyo. Wala kayong kasalanan. Kung anuman ang nangyayari ngayon, I brought this upon myself. And if you don't mind, gusto ko sanang makausap si Clay." Nang tila magpro-protesta ang mga ito ay itinaas niya ang isang kamay. "Kahit pa ano ang kasalanan niya, asawa ko pa rin siya. Saka hindi naman natin siya pwedeng hayaan na manatili lang doon sa labas hanggang sa magsawa siya."
Sumeryoso ang mukha ng papa niya pero tumango din ito. Nang makababa siya sa kama ay tinulungan siya ng mama niya na ayusin ang nagulo niyang damit. Pagkatapos ay napahawak siya sa kanyang buhok. Siguradong magulo na din iyon. Pero sa huli ay pinili niyang pasadahan na lang ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok. What does it matter anyway? Hindi naman magbabago ang nararamdaman ni Clay kapag nagsuklay pa siya.
ANG COAT ni Clay na nakasampay sa likod ng isang upuan sa garden set ang unang nakita ni Ariana paglabas niya. Papalubog pa lang ang araw pero medyo madilim na doon sa garden nila kaya nahirapan siyang hanapin si Clay. When she saw him, he had his back on her. Nakayuko ito habang nakasandal sa isang poste na kinasasabitan ng ilang mga orchids. Ilang sandaling pinanood lang ni Ariana ang sunod-sunod na paghugot ni Clay ng malalim na hininga.
Suddenly, he turned around as if he could sense her presence. "Ariana..."
Ibinuka ni Ariana ang bibig para magsalita pero naunahan siya ni Clay.
"I won't let you go."
Isinara lang uli niya ang bibig. Sa isang iglap ay naroon na si Clay sa mismong harap niya. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding determinasyon. It felt like deja vu. Parang ganoong-ganoon din kasi ang eksena nila noong bigla na lang dumating si Clay sa opisina niya at i-announce nito na pakakasalan siya nito.
"Narinig mo ba ang sinabi ko, Ariana? Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag."
It was deja vu alright. Pero kung noon ay kinakabahan siya dahil sa takot at pagtanggi, ngayon ay kinakabahan siya dahil sa biglang pagbangon ng pag-asa puso niya. Ngunit mabilis na pinatay niya ang pag-asang iyon bago pa lumaki.
"I'm sorry, Clay. Hindi ko kayang—"
"Please, 'wag ka munang magdedesisyon hanggat hindi mo naririnig ang buong kwento."
"Hindi ko kailangang malaman pa ang mga detalyeng 'yan, Clay. Iisa lang naman talaga ang gusto kong malaman at marinig kanina."
"I know, sweetheart. And I'm sorry I couldn't say it earlier."
Ah, shit! 'Yung kanina pa pinipigilang mga luha ni Ariana ay biglang sunod-sunod na bumuhos.
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...