DETERMINADO ang mga hakbang na nagtungo si Ariana sa guest room na inookupa ni Clay. Hindi siya kumatok at basta na lang siyang pumasok doon. Naabutan niya si Clay na isinusuot ang polo shirt na ipinahiram dito ng papa niya.
"So you decided to walk right into the dining room wearing only boxer shorts?"
"Bakit? Mas gusto mo ba sana na wala na lang?" nang-aasar na tanong nito.
Hindi iyon pinansin ni Ariana. "Then you took advantage," parang batang bintang niya dito.
Tumigil naman si Clay sa pagbubutones sa suot na polo shirt at hinarap siya. "Hindi 'yan totoo, Ariana, at alam mo 'yon. I gave you a chance to say your piece first. Pero ni wala ka namang masabi so," pagkatapos ay nagkibit ito ng mga balikat.
Napapabuntong-hiningang lumapit si Ariana kay Clay. Pagkatapos ay siya na ang kusang nagbutones sa suot nitong polo shirt para mas mapabilis ang pagbabalot nito sa sarili nito. Hindi kasi siya pwedeng madistract ngayon. "Alright, I'll concede that point. But let's get something straight first."
Tanging ang bahagyang pag-angat ng isang kilay ni Clay ang tanda na nais nitong magpatuloy siya sa pagsasalita.
"I've always thought that I'd marry for love. Pero sa totoo lang, medyo nagdududa na ako kung may kakayahan ba akong makaramdam ng klase ng pagmamahal na tulad ng nababasa sa mga romance novels. Pero siguro ay nasasabi ko lang ito dahil hindi ko pa nararamdamang magmahal. Still, para sa pamilya namin ay sagrado ang kasal. Kahit pa ano ang sabihin mo, this marriage will not be simply a business negotiation. A marriage to a Costales is a forever kind of thing. Kung hindi mo kayang i-handle iyon, you better say it now." Pagkatapos ay ngumiti ng matamis si Ariana. "Or forever hold your peace," panggagaya niya sa dialogue ng pari sa kasal.
"Tinatakot mo ba ako sa lagay na 'yan?" nagpipigil ng ngiting tanong ni Clay.
"Hindi ah," painosenteng sagot ni Ariana. "Pinapaalam ko lang sa'yo na kaming mga Costales, sineseryoso namin ang bawat pangakong binibitiwan namin. At kasama doon ang wedding vows. Kaya kapag sinabi naming 'till death do us part, 'till death do us part talaga." Diniinan pa niya ang pagkakasabi sa salitang death.
Sa pagkagulat ni Ariana ay bigla na lang tumawa ng malakas si Clay. "That's two times now, Ariana."
"Anong two times?"
"I believe this is the second time that you threatened to murder me," natatawang sagot ni Clay. "At sa lagay na iyon ay ni hindi ko pa naisusuot sa kamay mo ang singsing ko."
"Hindi ko kailangan ng singsing," pairap na wika ni Ariana. Hindi niya nagugustuhan na parang hindi naman sineseryoso ni Clay ang mga sinasabi niya.
"Of course you do," at sa isang iglap ay hawak na ni Clay ang coat nito. Kinakapa nito iyon na parang may hinahanap. Pagkatapos ay may inilabas itong isang maliit na kahon mula sa bulsa ng coat nito.
Nakatayo lang si Ariana doon sa gitna ng kuwarto habang pinapanood si Clay. Kahit pa siguro gusto niyang gumalaw ay hindi niya magagawa. Napako na kasi siya doon habang hinihintay ang susunod nitong gagawin. Parang nahihirapan nang huminga si Ariana habang pinapanood niya ang dahan-dahang paglalakad ni Clay palapit sa kanya. Nang makarating ito sa tapat niya ay dahan-dahan din itong lumuhod.
Kahit kailan ay hindi sinubukang imagine-in ni Ariana kung ano ang itsura ng marriage proposal ng lalaking mapapangasawa niya. Pero kapag may napapanood siyang mga wedding proposals sa Internet ay hindi lang isang beses na napaisip siya kung ano ang feeling ng may isang lalaking luluhod sa harap mo at tatanungin ka ng, "Are you ready to spend the rest of your life plotting the perfect murder of your husband?"
Wait, what?
"Ano'ng sinabi mo?" halos hysterical na tanong ni Ariana.
Na sinagot naman ni Clay ng isang ngisi. Pero agad din itong sumeryoso. "Hindi ko kayang ipangako sa'yo ang kahit na anong bagay na may kinalaman sa love, Ariana. Dahil hindi ko naman alam ang ibig sabihin niyon. Pero maasahan mo na rerespetuhin at aalagaan kita. Because once you marry me, you will be mine and I always take care of what's mine."
Ariana shivered at the heat coming from Clay's eyes. Pigil niya ang hininga habang dahan-dahang binubuksan ni Clay ang hawak nitong maliit na kahon. Napasinghap siya nang mabuksan iyon at tumambad sa kanya ang pinakamagandang singsing na nasilayan niya. Halos hindi na nagregister kay Ariana ang paghawak ni Clay sa kamay niya at pagsuot nito ng singsing sa kanyang daliri.
Nang maisuot iyon ay awtomatikong itinaas ni Ariana ang kamay upang matitigan ang singing. Hindi niya malaman kung paano ilalarawan iyon. The red stone looked like it was glimmering with pride. At narealize ni Ariana na parang ganoon din ang nararamdaman niya ngayon. Proud siyang isuot ang singsing na bigay ni Clay.
"Napakaganda nito, Clay," manghang wika ni Ariana.
"Oo, napakaganda nga," pabulong na sagot naman ni Clay.
Natigilan si Ariana nang marealize na sa kanya pala nakatingin si Clay at hindi sa singsing. Bigla tuloy siyang naconscious. Lalo na nang hindi pa ring tumigil si Clay sa pagtitig sa kanya habang inaabot ang kamay niyang may suot na singsing. Sandaling tinapunan iyon ni Clay ng tingin saka hinalikan. Kinilabutan nanaman si Ariana nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang balat.
Pagkatapos ay bumulong ito, "Not just beautiful, but perfect."
Agad namang natunaw ang puso ni Ariana.
"So was that a yes?"
"Yes."
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...