Petty Fight

10K 259 8
                                    

        

HINDI beginner sa paghahike at pag-akyat ng bundok si Ariana. Ngunit hindi din naman siya matatawag na eksperto doon. Kaya kumuha parin sila ng guide. Doon mismo sa babaan ng mga bus ay madami nang nag-o- offer na maging guide sa mga hikers kaya hindi sila nahirapang maghanap.

"Okay ka pa ba, Ariana? Sabihin mo lang kung gusto mong magpahinga tayo." Hindi na mabilang ni Ariana kung pang-ilang beses na iyong sinabi ni Clay.

"Okay lang ako, Clay. Hindi naman ito ang unang beses na umakyat ako ng bundok," nakangiting wika ni Ariana.

"It's not?"

Tumango si Ariana saka nagpatuloy sa pag-akyat sa malalaking bato na kasalukuyan nilang dinadaanan.

"Kanina ko pa pinag-iisipan kung paano magpapaimpress sa pamamagitan ng pagtulong sa'yong umakyat tapos hindi mo naman pala kailangan. So, how did you get into hiking?"

"Actually, natuto akong maghike nang simulan ko ang Ariana's Adventures."

Hindi sumagot si Clay. Pero kung dati ay ikinakainis niya iyon, ngayon ay narealize na niyang ganoon talaga ito kapag gusto nitong magpatuloy siya sa pagkukwento. Kaya nagpatuloy siya.

"Noong umpisa kasi ay dalawa lang kami ni Georgie. Ako ang gumagawa ng field work at kay Georgie ko naman ipinapasa ang lahat ng admin work. Hindi ko talaga hilig ang admin tasks. Lalo na ang pagsagot sa mga queries. Wala akong tiyaga doon."

Paglingon ni Ariana kay Clay ay nakita niyang nakangiti ito. Si Ariana kasi ang pinauna nila para daw siya ang magdictate kung gaano kabilis ang trek nila. Nakasunod si Clay kay Ariana at ang guide naman nila ang pinakahuli. Kumbaga ito ang guide at sweeper nila para daw masigurong wala sa kanila ang maiiwan at maliligaw.

"Well, it's true," giit ni Ariana. "Kung ako ang naka-assign sa pagsagot ng mga queries, baka matagal na kaming nawalan ng customer. Kapag nakukulitan na kasi ako, ang tendency ko ay magsungit."

"Napapansin ko nga," natatawang komento ni Clay. Hindi iyon pinansin ni Ariana. "Halos isang taon din na ganoon ang setup namin. Nang dumami na ang customers namin ay saka ako naghire ng mga part-timers—part-time driver, part-time assistant ni Georgie, part-time tour guide."

"At ngayon?"

"Ngayon ay mayroon akong limang tauhan. Si Georgie ang isa. Tapos may IT slash social media personnel din ako. Mayroon din akong accountant, driver, at full time tour guide."

"At itong pagtetest ng mga adventure trips, ikaw lang ang gumagawa nito?" interesadong tanong ni Clay.

"Well, kapag mga simpleng bagay lang naman na tulad ng pagha-hike, ako lang talaga ang pumupunta. Minsan ay sumasama si Georgie at ang tour guide ko. Pero kapag mga beaches, resorts, at ibang tourist destination ay madalas na kasama silang lima. Parang yun na ang pinakabonus nila."

"That sounds like a good deal. Pero hindi ba lugi ka kung isasama mo sila palagi sa mga test trips mo?"

"Hindi naman. Nagtratrabaho pa rin naman sila kahit sumasama. Halimbawa, hindi naman mauubos ang mga queries sa mga social media accounts namin kapag nasa test trip kami. Yung IT slash social media personnel ko ay palagi pa ring online at sumasagot sa mga tanong. Ang driver at tour guide naman namin ay inaalam agad ang pasikot-sikot sa area at kung anong mga interesanteng bagay tungkol sa lugar. 'Yung accountant namin ay minomonitor parin ang mga online payments. Tapos kami ni Georgie ang nakikipagkaibigan sa mga managers ng resort, hotel, at restaurant."

"You sound like you really enjoy running your business."

"Oo naman, bakit parang gulat na gulat ka?"

Paglingon ni Ariana ay nakita niyang ngumiti si Clay. "Wala naman. Hindi ko lang ine-expect na magkakasundo tayo pagdating sa ganitong bagay."

"Anong ganitong bagay?"

"'Yung ganitong klase ng dedication sa trabaho."

"Bakit? Ano ba ang iniisip mo dati tungkol sa akin? Na isa lang akong spoiled brat at humihingi lang ng pera sa mga magulang?" hindi na naitago ni Ariana ang talim sa kanyang boses.

"Hey, relax, hindi naman ganyan ang iniisip ko. Hindi ko lang talaga inaasahan na ganito ka ka-dedicated sa trabaho. Na aakyat ka pa ng bundok para lang masigurong maayos ang adventure trip na io-offer ng Ariana's Adventure."

Hindi sumagot si Ariana. Talagang sore spot sa kanya ang isyu ng pagiging spoiled, rich girl niya.

"Pwede ba tayong magtake five muna?" maya-mata ay narinig ni Ariana na tanong ni Clay sa guide nila. Ibig sabihin ng take five ay magpapahinga sila ng five minutes.

"Oo, Sir, meron tayong madadaanan diyan na malaking puno. Pwede tayong magpahinga doon."

Nanatiling tahimik si Ariana. Basta biglang sumama ang mood niya sa sinabi ni Clay. Kaya nang makita niya ang punong tinutukoy ng guide ay agad na lumapit siya doon. Napakalaki nga ng punong iyon. Hinubad ni Ariana ang suot na backpack saka naglabas ng mga candies. Una niyang binigyan ang guide bago siya lumapit kay Clay na nakaupo sa isang malaking bato.

"Gusto mo ng candy?" tanong ni Ariana saka inilahad ang kamay na may hawak na candy.

Wala namang naisip na kaduda-duda si Ariana nang abutin ni Clay ang kamay niya. Kaya napasigaw siya sa gulat nang bigla siya nitong hilain paupo sa kandungan nito. Hindi din siya nakagalaw. Kaya siguro madali siyang naiposisyon ni Clay para mapaharap siya dito. Ang isang kamay nito ay humawak sa kanyang batok at hinila ang ulo niya hanggang mapasandal iyon sa balikat nito. Walang nagawa si Ariana kundi ang isiksik ang kanyang mukha sa leeg ni Clay.

"I'm sorry," tanging wika ni Clay. Walang eksplanasyon o kahit na anong pagdadahilan. Para bang basta tinanggap na nitong mali ito at ngayon ay nagsosorry ito.

"Okay," mahinang sagot ni Ariana. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Clay.

"Okay?" tanong nito malapit sa kanyang tenga.

Tango lang ang naisagot ni Ariana. Pero bigla din siyang natigilan nang maramdamang dumampi ang mga labi ni Clay sa kanyang sentido. Ang akala ni Ariana ay dahil lang iyon sa pagtango niya. Pero nang dumiin ang mga labi ni Clay doon ay napapikit siya para namnamin ang sandali. Ewan ba niya. Basta napakakomportable ng pakiramdam niya habang nakakulong siya sa mga bisig ni ni Clay.

The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon