NAPAUPO ng diretso si Ariana nang biglang may tumikhim. Pagtingin niya sa pinto ay naroon ang papa Anselmo niya.
"Pa, kanina ka pa ba diyan?"
Hindi ito sumagot. Tinitigan lang siya nito saka tipid na ngumiti. "Tama nga ang mama mo, Ariana. Nagbago ka na."
Ibinuka niya ang bibig para sumagot pero inunahan siya nito.
"Nandiyan si Clay sa baba. He wants to talk to you."
Tumalon ang puso ni Ariana sa narinig. Pero hindi niya magawang ngumiti dahil sa nakikitang kaseryosohan sa mukha ng papa niya. Kaya naman tumango lang siya at tahimik na lumabas ng kuwarto. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang muli siyang tawagin ni papa Anselmo.
"Narinig ko ang mga sinabi mo sa mama mo tungkol kay Clay."
Hindi umimik si Ariana. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot doon.
"For what it's worth, I've always respected him as a businessman and as a person. Alam ko din na honorable siyang tao. Ngayong nakapag-isip- isip na ako, narealize ko na siguro ay iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kinwestiyon ang mabilisang pagpapakasal niyo. Because deep inside I was secretly very pleased to have him as a son in law."
"Thank you, papa."
"Narinig ko ang mga ipinaliwanag niya sa'yo kahapon. Hindi ako mapakali sa mga sinabi niya, so I made some calls last night and confirmed his story. Ang totoo ay nagulat ako at nagawa ni Clay na panatilihing sikreto ang sitwasyon ng De Asis Corporation. He's really good. Pero kahit pa magaling siya sa negosyo, hindi nangangahulugan na magiging mabuti na siyang asawa."
Napapabuntong-hiningang lumapit si Ariana sa papa niya at niyakap ito. "Pa, alam kong sinasabi mo lang 'yan dahil concerned ka sa akin. Pero kailangan nating maging patas dito. Sa parte ni Clay, sino naman ang makapagsasabing magiging mabuting asawa ako sa kanya?"
Nang kumunot ang noo ni papa Anselmo ay napangiti si Ariana.
"Pareho lang naman kami ni Clay, pa. We both deserve someone better. At umaasa ako na pareho naming pagsisikapan na maging mas mabuti para sa isa't isa."
Her father gave a defeated sigh. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil sa ipinapakita mong maturity at wisdom."
Napangiti na si Ariana. Binigyan niya ng halik sa pisngi ang papa niya bago siya tumalikod upang puntahan ang kanyang asawa.
"GOOD morning, Clay," nakangiting bati ni Ariana nang lumapit siya sa kinauupuan ni Clay doon sa garden.
"I promised to stay away for a while but I can't."
Natigilan sa paglalakad si Ariana dahil sa sinabi ni Clay. Hindi man lang niya naihanda ang sarili sa nakakalunod na pakiramdam ng matitigan ng ganyan ka-intense.
Nang hindi pa rin siya gumagalaw ay umiling-iling na tumayo na si Clay at inalalayan siyang makaupo. Ang akala ni Ariana ay babalik na ito sa sariling upuan. Pero nanatili ito sa tapat niya. Pagkatapos ay lumuhod naman ito.
"Clay, bakit ba nakaluhod ka nanaman diyan?"
"I like being near you."
Nagustuhan ni Ariana ang sagot nito pero hindi niya nagustuhan na nakakunot ito habang sinasabi iyon. Kaya hinaplos niya ang noo nito. Nagpakawala naman ng malalim na hininga si Clay saka hinuli ang kamay niya at ipinatong sa sarili nitong pisngi.
"Natanggap mo ba ang mga bulaklak?"
Tumango si Ariana. "Hindi mo naman kailangang magpadala ng madaming bulaklak, Clay."
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomansBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...