HINDI maipaliwanag ni Ariana ang excitement habang pauwi sila ni Clay. Ni hindi nga siya napigilan ng kanyang mga magulang nang basta na lang siyang magpaalam sa mga ito. Pero nang makasakay siya sa kotse ni Clay ay nilingon niya ang mga ito atnakita niya sa mga mata nila ang suporta. Alam ni Ariana na natatakot lang ang mgamagulang niyang masaktan siya. Pero kailangan na nilang tanggapin na ito na ang buhay niya ngayon. At ang lugar niya ay sa tabi lang ng kanyang asawa.
Bigla na lang natawa si Ariana sa naisip. Ganoong-ganoon kasi dati ang dialogue ng papa niya. Ngayon ay siya na mismo ang nagsasabi niyon.
"Ano'ng nakakatawa?" biglang tanong ni Clay saka tinapunan siya ng tingin habang nagmamaneho.
"May naalala lang ako na sinabi ni papa dati."
"Ano 'yon?"
"That a woman's place is beside her husband." Hindi nagsalita si Clay. Tinapunan lang uli siya nito ng tingin kaya idinugtong niya, "Well, we can use that argument against him now."
Natawa na din si Clay. Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa parking area kung saan naroon ang bachelor's pad ni Clay. Ewan ba ni Ariana kung bakit bigla siyang kinabahan. Hindi tuloy siya nakapagsalita hanggang sa tumigil na sila at alalayan siya ni Clay pababa. Tahimik parin si Ariana hanggang sa marating na nila ang kanilang unit.
Nang makapasok sila sa loob ay naramdaman agad ni Ariana yung kakaibang feeling na nakauwi na siya. Dito sa isang bachelor pad na ni walang furniture na pangbabae at puro neutral colors ang makikitang kulay. Ang kaayusan niyon ay napaka-minimalist. Halos walang nakasabit na display sa mga pader. Tanging ang bungkos ng mga bulaklak sa isang vase na lagi niyang pinapalitan ang laman ang siyang senyales na may nakatirang babae doon. But Ariana really felt at home in this place.
"Ariana, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Clay. Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya paupo sa sofa. "Kanina ka pa tahimik. Tell me what's wrong."
Napahikbi si Ariana. Hindi niya namamalayang naiyak na siya. "I'm just so happy to be with you, Clay."
"Me too, sweetheart," sagot nito saka basta na lang siyang binuhat at iniupo sa kandungan nito. Hindi naman pumalag si Ariana. Awtomatikong pumaikot ang kanyang mga kamay sa leeg ni Clay at niyakap ito. "Pero nalulungkot din ako kasi napamahal na yata sa akin itong pad mo. I'll be really sad when we move."
"Bakit tayo aalis?" tila naguguluhang wika ni Clay.
Bigla namang lumayo dito si Ariana at binigyan ito ng nagdududang tingin. "Sabi mo willing kang ibenta ang pad na ito para magamit sa pag-i- invest mo dahil hindi ibibigay ni mama Virginia ang trust fund mo kapag nanatili tayong kasal."
"Oh, that," pagkatapos ay ngumiti lang si Clay.
Pinanlakihan ito ni Ariana ng mga mata. "Anong oh, that?"
"Kakausapin ko si mama. I don't think na gagawin talaga niya iyon. Sa tingin ko ay gusto lang niya akong takutin. I think she's secretly happy that she manipulated me into this."
"Sigurado ka?"
"Yes," confident na sagot ni Clay saka sumandal sa sofa at hinila siya pasandal sa dibdib nito.
"Clay?"
"Hmm?"
"Naaalala mo ba nung sinundan mo ako sa Quezon?"
Umungol lang si Clay bilang sagot. Napangiti na lang si Ariana.
"In case hindi mo alam, um-attend ako sa kasal ng kaklase at kaibigan ko noong high school."
Hindi pa rin ito sumagot.
"I caught the bouquet, you know."
"Really?"
BINABASA MO ANG
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceBuong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business...