Surprise Visit

9.5K 262 17
                                    

        

PAGDATING ng lunes ay tinatamad pumasok sa trabaho si Ariana. Kaya tinawagan niya si Georgie at sinabing ito na muna ang bahala sa opisina. Patapos na kasi ang summer at kaunti na lang ang kailangan nilang gawin. Ang gusto lang talaga niya nang araw na iyon ay ipagluto muli si Clay. Kaya lang ay nagmamadali itong pumasok kanina. Kaya naisip ni Ariana na surpresahin na lang ito pagdating ng tanghalian.

Kaya ngayon ay naroon si Ariana sa reception area ng building kung saan naroon ang opisina ni Clay.

"Ano po ang pangalan nila, Ma'am?" tanong ng receptionist. Mukhang baguhan lang ito sa trabaho dahil halos hindi ito magkandaugaga sa pagsagot ng telepono.

Bago pa makapagsalita si Ariana ay tumunog nanaman ang isang telepono. "Excuse me," nahihiyang wika ng receptionist saka sinagot iyon. "Pasensiya na po, Ma'am," hingi nito ng paumanhin nang matapos ang pakikipag-usap.

Ngumiti si Ariana. Hindi naman talaga siya totoong snob. Hangga't maaari ay iniintindi niya ang mga taong nasa paligid niya. Saka lang siya nagtataray kapag talagang unreasonable na ang ginagawa at sinasabi ng iba.

"That's okay, just direct me to the office of Mr. De Asis," nakangiti paring wika niya.

"As in Mr. Clarence De Asis?"

"Yes."

"Ahm, pasensiya na po, Ma'am. Bawal po kasing puntahan si Sir nang walang appointment."

Nakangiti pa rin si Ariana nang sumagot. "It's okay, I'm his wife."

Napasinghap ang receptionist saka tila kinakabahang kinagat nito ang ibabang labi. "Eh, Ma'am, sorry po. Hindi ko alam. Bago lang kasi ako at—"

"It's okay. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ang opisina niya."

Mukhang nagtatalo ang isip ng receptionist. "Pasensiya na po talaga, Ma'am. Hindi ko po pwedeng sabihin kung nasaan ang opisina niya. Nasa kontrata ko po 'yun. Bawal kong ituro kahit kanino ang opisina ni Sir Clarence."

Na-curious naman si Ariana sa sinabi ng receptionist kaya bahagyang yumuko siya at nagtanong sa mahinang tinig. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Madalas po kasing may mga babaeng naghahanap kay Sir Clarence. At 'yung dating receptionist na pinalitan ko ay nauto ng isang babae na sabihin sa kanya kung nasaan ang opisina ni Sir. Well, it turned out na isa pala ang babaeng 'yun sa mga nagkakagusto kay Sir. Kaya hayun, inilipat na lang siya sa ibang posisyon."

"Hindi siya sinesante?"

"Ay hindi po, Ma'am, hindi naman ganoon si Sir Clarence. Nilipat lang niya ng department. Kaya ako ang napunta dito sa reception. Dati po akong staff." Pagkatapos ay bigla itong natahimik at pinanood si Ariana. "Kung totoo pong kayo ang asawa ni Sir Clarence, mas mabuti pong tawagan niyo na lang siya."

Napailing si Ariana. "This was supposed to be a surprise. Eh kung 'yung sekretarya na lang niya o kaya assistant ang tawagan mo para sunduin ako? Pwede ba 'yun?"

"Sige, Ma'am, susubukan ko pong tawagan si Ma'am Kristy." Pagkatapos ng ilang sandaling pakikipag-usap sa telepono ay bumaling muli kay Ariana ang receptionist. "Papunta na po si Ma'am Kristy dito."

Tumango si Ariana at tahimik na naghintay. Ilang sandali pa ay isang magandang babae ang lumapit sa kanya.

"Miss Ariana?"

"Yes?" nakangiting wika ni Ariana pero isang seryosong tango lang ang ibinigay sa kanya ng babae.

"Follow me, please."

Naglalakad na sila sa isang may kahabaang hallway nang magsalita ang babae. "Nasa meeting pa si Sir Clarence."

"So hindi mo pinagdududahang ako nga ang asawa ni Clay—I mean Clarence?"

The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon