Chapter 4- There Private Room

16 0 0
                                    

Eve's POV

      Kringgg.....

Nagbell na, hudyat na tapos na ang klase at lunch time na. Tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng gamit ko. Nang natapos ako nilapitan ko si Red para sumabay kumain.

" Uhm Eve pwede mo ba akong samahan sa private room nina Ezekiel?", tanong niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. First time na may pinapapunta doon si Zeke except samin ng kaibigan ko at mga kaibigan niya. Well baka siguro may reason. And besides Red is now my friend kaya counted na yun siguro.

"Geh matagal tagal narin akong hindi nakakapunta dun. Punta muna tayong cafeteria para bumili ng lunch at isama narin natin ang kambal. Doon nalang tayo kumain", sabi ko.

" ikaw ang bahala", sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinundo muna namin ang kambal sa room nila at nagpunta sa cafeteria. Nakasalubong panga namin sa daan sina Malia. Kung wala lng share ang papa niya sa school na ito baka matagal ng napatalsik yan. Sinamaan niya namn kami ng tingin. Tinaasan ko lng sya ng kilay ganun din ang ginawa ng kambal pero si Red straight look lng ang ginawa. Dadaan na sana kami pero papatidin sana ni Niley si Lucy pero di natuloy kasi nakita ito ni Lucy at tinapakan niya ang paa nito. Nako paniguradong masakit yun may heels pa naman ang shoes ni Lucy. Napa aray at napatalon nalang si Niley sa ginawa ni Lucy.

"Don't try me bitch, I'm not a fool like you", cold na sabi ni Lucy at nauna nang maglakad sumunod naman kami. Naiwang nakatulala sina Malia.

"Hey Luce, hintay naman di na kami makahabol sayo",sabi ni Rain sa kapatid niya. Luce ang tawag niya dito para shortcut daw.

"Arghh, nakakainis na talaga sila,pag di pa ako makapagpigil ilalampaso ko ang mga mukha nila sa inidoro",inis na inis na sabi ni Lucy at huminto para hintayin kami.

"Kalma Lucy, walang magagawa ang init ng ulo pabayaan mo na sila let Karma do the favor", sabi ni Red at pinat ang balikat ni Lucy. Napabuntong hininga nalang si Lucy.

"Tara na guys bumili na tayo at pumunta sa private room ng mga loko-loko", nakangising sabi ni Rain. Paniguradong kawawa namn si Mabuchu nito.

After naming bumili ay pumunta kami sa garden. Hidden lng kasi dito ang pinto papunta sa room na yun para walang istorbo at makakita nun.

We walk at end of the garden and enter a small cave with vines covering the entrance. Hinawi naman iyon ni Rain at pumasok. Sumunod naman kami, manghang mangha si Red dahil sa mga nakikita niya. Pagpasok namin sa pinto bumungad samin ang isang malaking kwarto na fully furnished na parang isang clubhouse na sya na maraming kasangkapan. Organize pa lahat. Hay nakakamis tumambay dito.

Pumunta kami sa sala kung saan kita ang likod ng kwarto. Isang sapa pala na may malaking puno sa gilid at maraming halaman at bulaklak. Maganda rin ang pagkakalandscape dito. May tree house rin sa taas. Diyan ang perfect spot ni Hiruma. Lagi syang natutulog dyan.

Nakita nmin ang apat na umuupo sa tabi ng sapa nakatalikod sila samin habang pinagmamasdan ang daloy ng tubig. Kinuha ko ang CP ko at pinicturan sila. It's a good scenery. Napangiti nalang ako at tinago ang phone ko dahil lumingon si Mabuchi.

"Ulan!!!!!", sigaw ni Mabuchi at tumakbo papunta kay Rain. Akmang yayakapin niya sana pero di natuloy ng pinakita ni Rain ang kamao nito. Pumunta naman ang iba samin.

"Andito na pala kayo tara pasok tayo sa loob, mainit na dito eh", sabi ni Gray at nauna nang pumasok. Hinila naman ako ni Hiruma papunta sa tree house. Anong problema ng lalakeng toh.

"Ngayon natin gagawin ang activity",bored niyang sabi.

"Bahala ka tss",sabi ko. Napabuntong hininga naman ako. Paniguradong mabibingi ako sa katahimikan nito.

My Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon