Chapter 3- Partners

7 1 0
                                    

Red's POV
      Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa clinic pala ako." Nakatulog pala ako", I murmured.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse.
"Oh gising kana pala hija", sabi ng nurse habang nakangiti sakin.
"Salamat po pala sa pagbabantay sakin habang natutulog ako",I politely say.

She chuckled" woahh it's the first time na may nagthank sakin sa tatlong taong kung pagseserbisyo dito. Walang anuman hija your the first to say that to me. Masyadong matapobre mga estudyante dito eh",sabi niya habang nakangiti sakin.

"Ilang taon kana po ba miss mukhang ang bata niyo pa kasi eh", tanong ko. It's true kasi maganda sya at mukha talagang bata. She have a Reddish shoulder length hair. Parang may nakita na akong ganito rin ang buhok.

" just call me ate Ellaine. Im just 21 yrs old. Newly graduate lng ako and this is just my side job."sabi niya habang nakangiti.

"Uhm ate parang may kamukha ka",sabi ko. May kamukha talaga siya eh.

"Haha nahalata mo pala",sabi niya sakin. 
Tumingin sya sakin.
" okay dahil gusto kita, pinagkakatiwalaan kita sa aking sekreto sanay wag mong ipagsabi"sabi niya sakin at ngumiti. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Magaan talaga ang loob ko sa kanya.
" okay, mukhang di mo pa ata narerealize kung sino ang kamukha ko, I'm Ezekiel's sister.",sabi niya sakin.
Nagulat naman ako. "Weh di nga, di halata sa ugali eh", sabi ko.
"Haha ikaw talaga, di naman ganon kasama si Zeke masyado lng yung self- centered",sabi niya sakin habang tumatawa. Kung sabagay tinulungan niya nga ako kanina." Ate natural red hair po ba talaga kayo?",tanong ko. "Yep, red head si mom eh, half german kasi sya at si papa naman Korean.", sabi niya sakin. Kaya pala mapuputi sila.
"Eh ikaw bakit red eye ka",tanong niya.
"Ewan ko nga ate baka napaglihian lng ni mom ako sa kulay pula nung pinagbubuntis niya palang ako",paliwanag ko. Yan rin siguro ang dahilan kung bakit RED ang pinangalan sakin. Ang mga kapatid ko kasi puro letter A ang first letter ng first name nila.

"Siguro",kibit -balikat niya nalang.
Nag usap lng kami ng nag usap. Sinabi ko rin na kami ang bagong lipat sa tabi ng bahay nila. Laking tuwa niya naman dahil makakapunta siya samin at madali niya lang ako mapapunta sa kanila. Lumipas ang mga oras at lunch time napala. Di tuloy ako nakapasok sa morning class ko. Tatayo na sana ako sa kama para umalis na pero biglang bumukas ang pintuan at pumasok sina Eve kasama ang kambal.

"Red okay kalang ba, napuruhan ka ba?", tanong ni Eve habang chinecheck ako kung may galos ako.

"Eve shunga ka ba, di ba obvious kaya nga dito sya sa clinic kasi di sya okay, dapat ang itanong mo kung saan ang masakit", sabi ni Lucy kay Eve. Ito talagang babaeng toh masyadong straight to the point. Mahilig mambara.

"Tse, oh saan ang masakit", tanong sakin ni Eve.
"Ang balakang ko, tinulak kasi ako ni Niley kanina"sabi ko.
"What!,sinasabi ko na nga ba,sila na namn ang dahilan, kung hindi lng kami kanina sinabihan ni Zeke hindi ka namin mahahanap,sobrang nag alala kami sayo, ano ba kasi ang ginawa mo kanina at nasagupa mo ang grupo ni Malia?",inis na tanong ni Rain. Sa amin sya ang sadista at short tempered pero cheerful yan at sweet. Kung baga sya ang sweet sadist samin.

Napabuntong hininga nalang ako at sinabi sa kanila ang nangyari except dun sa part na tinulungan ako ni Ezekiel. Ewan ko nga trip ko lng na di sabihin sa kanila.

"Aigoo, nagugutom na ako punta na tayo sa cafeteria malapit ng magsimula ang klase pero di pa tayo kumakain",reklamo ni Eve, siya ang matakaw at talkative samin. Sya rin ang masayahin at active. Napailing nalang ako. Tumayo na ako at nag ayos. Nagpaalam muna kami kay ate Ellaine. Alam rin naman pala nila ang true identity ni ate Ellaine. Pumunta kami agad sa cafeteria at kumain dahil may klase pa kami. Kailangan kung pumasok ngayon dahil kanina di ako nakapasok. Patay ako kay mommy pag di ako pumasok. Kahit ngayon lang. Nagring na ang bell kaya dali dali nming inubos ang pagkain at tumakbo sa next class namin.

My Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon