Red's POV,
Ahhhh ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at inilibot ang tingin sa paligid. Kwarto ko to ah!. As I remember andun pa ako sa school sa parking lot. Paano ako napunta dito?
Shit! Ang bigat ng ulo ko, umiikot rin ang paningin ko. Naipikit ko nalang ulit ang aking mga mata. Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Iminulat ko ulit ang aking mga mata at nakita ko si mom na may dalang pagkain at gamot. Nang nakita niya akong gising na ay dali dali niyang inilapag ang tray ng pagkain sa side table ko at pumunta agad sa akin. Kita sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala."Anak okay lang ba pakiramdam mo?may masakit ba sayo?"tarantang tanong ni mom at hinipo ang aking noo at leeg.
"No mom I feel very dizzy",sabi ko kasi totoo naman.
"Naku ang init mo na kaysa kanina,ba't ka ba kasi nahimatay kanina?,buti nalang nakita ka ng kaibigan mo at dinala ka nalang dito sa bahay dahil sirado na ang clinic niyo",sabi sakin ni mom.
"Kainin mo muna to bao uminom ng gamot",sabi niya at sinubuan ako ng sopas.
"Wait mom sinong kaibigan ang nagdala sakin dito?",tanong ko habang nginunguya ang sopas.
"Si Ezekiel yung kapit bahay natin,sobra nga syang nataranta at nag-alala habang dinadala ka niya dito, muntik ka na niyang dalhin sa ospital eh kaso sabi ko nahimatay kalang at wag syang OA",sabi ni mom at tumawa.
Luh seryoso ang ugok na yun ang nagdala sakin dito. Himala may concern parin pala sya kahit konti para sakin. Or not baka ginawa niya lang yun dahil papagalitan sya ni Eve kung pinabayaan lang ako.
Pagkatapos kung kumain ay pinainom na ako ni mom ng biogesic at lumbas para daw makapagpahinga ako..
Hayy nako mukha yatang nahawaan ako ng sakit. Nagkasakit kasi si Kuya kagabi at wala sina mom kaya ako na ang nag-alaga kasi di naman marunong mag alaga si Dwayne dakilang tamad yun eh at alangan naman si Astrid eh bata pa yun kaya no choice kundi ako ang nag alaga buong magdamag sa kanya tapos ako pa ang gumawa ng damit ni lulu na pinagawa ni Astrid dahil kung hindi magtatampo yin eh. Minsan lang kasi humingi ng favor kaya pinagbigyan ko na dahil marunong naman akong manahi. Kahit ganito ako marunong parin naman ako ng ibang gawaing pambabae noh. Yun Ang dahilan kong bakit puyat ako. Nalate pa ako ng gising kaya di na ako nakapagbreakfast. Walang hiya kasi ang kapatid ko di manlang ako ginising. Ako na nga ang nag alaga ako pa ang iniwan. Mabuti naang d pa sya nakaka alis kaya sumabay na ako sa kanya. Tapos umepal na naman ang mangbablackmail na si Ezekiel nanggulat pa kayo ayun nasampolan ko tuloy. Plus pa yung away nina Eve at Hiru. Masyado kasi silang mapride d pa aminin eh.. Sus at tsaka may nanliligaw nga kay Eve dahil puno ng chocolates ang kanyang locker at may bulaklak pa syang natanggap kanina. Yun siguro and dahilan ng pagkabadtrip ni Hiru. Tapos si Eve naman d pa aminin samin na nahurt sya sa narinig niya kanina sa private room. Sabi pa na sa amin" Never rin akong magkagusto sa taong tulad niya, d ko sya type duh!" Yan ang sinasabi niya samin pero di parin kami kumbensido cause kilala namin sya. Kung di sya affected eh bakit ang subrong tahimik niya na that unusual.
Iwinaksi ko nalang ang aking mga iniisip at natulog kaylangan kong magpagaling cause I hate being sick because I felt so weak I dont like it!Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
ZZZzzzzzzzZZzzzzzZzzzzzz..........
Tok! tok! tok!
Naalimputan ako dahil sa katok sa aking pinto.
"Sino yan?",sabi ko. D ko pa masyadong maigalaw ang ulo ko dahil nahihilo parin ako pero medyo magaan na ang pakiramdam ko.
"Ako to ang gwapo mong pinsan may gustong bumisita sayo",sabi ni Dwayne naparoll eyes naman ako dahil sa kayabangan niya.
"Pumasok na kayo bukas yan",sagot ko at inayos ang pagkakaupo ko sa aking kama. Isinandig ko ang aking ulo sa headrest. Bumukas naman ang pinto at pumasok doon si Dwayne na may kasama sa likod niya. Nagulat ako dahil si ate Ellaine ang kasama niya at si.....Ezekiel...
BINABASA MO ANG
My Dear Soulmate
Teen FictionPapaano mo malalaman kong sya nga ba talaga ang nakatadhana sayo? Ang soulmate mo? May nakapagsabi kasi sakin na " all fates are all the heart's desire", pero paano kong ang fate na napunta sakin ay di ko gusto? Sya ba talaga? O nagloko ang tadhana...