Lucy's POV
Excited na ako. Ngayon kami magsesleep over kina Red. Oh my gosh this is exciting. Sana mababait ang mga parents ni Red.Kringggg kringggg.
Tumunog ang cp ko. Kinuha ko yun syempre alangan naman bitawan ko. Di jwk ^__^."Hello, Eve ready kana ba?",tanong ko. Yep si Eve yung tumawag.
"Yep, hinihintay ko nalang ang text ni Red",sagot niya.
Tinggg...biglang nagpop sa screen ng cp ko ang message ni Red.
"Wait Eve babasahin ko yung message ni Red makinig ka nalang",sabi ko.
"Geh go on",sabi niya."Guys punta na kayo sa bahay alam ko namang alam na ninyo yun, hihintayin ko kayo sa labas",pagbabasa ko sa message.
"Oh sige Lucy una na ako kanina pa ako nasa kotse eh",natatawang sabi niya.
"GG ka talaga,excite much",sabi ko.
"Haha oh sige na sabihan mo na si Rain dun dahil alam kong atat na atat na yun",sabi niya.
"Geh bye",sabi ko at inend call na.
Anyway I'm Lucy Zein Alistair. As you can see I'm Rain's twin sister. Don't ever call me Zein cause......cause...
Nevermind it's not the time to tell you my reasons.Lumabas ako ng aking kwarto dala ang aking mga gamit. Pumunta ako sa kwarto ni Rain at kumatok. Nakaisang katok palang ako ay binuksan na nya agad. Hindi halatang excited tong kapatid ko ahh..haha
"Tara na",jolly niyang sabi at nauna ng bumaba. Napailing nalang ako.
"Mom! Dad alis napo kami",sigaw niya sa kusina. Pagdating ko dun ay kiniss ko na sa cheeks ang mga magulang namin.
"Magiingat kayo dun ha!",paalala nila samin bago kami umalis. Hinatid kami ng driver namin sa bahay nina Red.
Pagdating namin ay nakita ko na si Eve at Red na naghihintay sa labas ng gate. Grabe ang daming dala ni Eve daig pa ang magcacamping ng tatlong araw. Haha.
"Oh tara pasok na tayo sa loob",yaya ni Red at pumasok na kami sa loob.
Grabe ang ganda ng bahay nila. Maaliwalas dahil halos glass wall lahat ng mga pader nila. Parang yung bahay nina Edward Cullen sa twilight ahha. Kita yung nasa loob. Halos magkasing laki sila ng bahay ni Zeke pero mas malaki yung kina Zeke. Gulo ba? Bahala na kayong umintindi haha ^_^
Pagpasok namin sa loob ay pinaderetso niya kami sa sala. Kita sa glass wall ang labas ng bahay nila which is may mini garden. Grabe kahit hapon na ay makikita mo parin ang ganda ng mga bulaklak nila. Wahh ang sarap kunan ng litrato yung scenery. Bakit kaya ang dal dal ko ngayon haha.
"Grabe napakarelaxing ng bahay niyo",namamanghang sabi ni Eve.
"Ahha salamat, feel at home kayo ha kukuha lng ako ng maiinom",sabi niya at umalis.
"Napakaaliwalas dito no",sabi ni Rain at sumandig pa sa sofa.
"Oo nga sana ganito din yung bahay ko pagmay asawa nako",sabi ni Eve. Napatingin naman kami sa kanya.
"Ang bata mo pa para mag isip nyan",sabi ko at napailing.
"What, anong masama dun",sabi niya."Hmm anong klaseng asawa ang gusto mo?",tanong ni Rain. Napatingin naman ako sa kanya. Bakit napunta sa pag aasawa yung usapan namin.
"Hmm, yung maalagain at seryoso kung magmahal",sabi niya habang nakahalumbaba sa center table.
"I bet Hiru for you",nakangisi kong sabi.
"What! Hell no! Baka mapanis pa ang laway ko dun, sobra kayang tahimik nun at walang pakealam sa paligid, keydami daming lalake sya pa tsk",nakanguso niyang sabi.
BINABASA MO ANG
My Dear Soulmate
Fiksi RemajaPapaano mo malalaman kong sya nga ba talaga ang nakatadhana sayo? Ang soulmate mo? May nakapagsabi kasi sakin na " all fates are all the heart's desire", pero paano kong ang fate na napunta sakin ay di ko gusto? Sya ba talaga? O nagloko ang tadhana...