Chapter 14- The Stressful Day

3 0 0
                                    

Ezekiel's POV,
   
            Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko at bahagyang sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri. Agad na akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo.
            It's now friday and this is gonna be a stressful day. It's our examination's day.

Pagkatapos kung magbihis ay pumunta na ako sa kusina para kumain ng breakfast. Naabutan ko naman doon si ate na naghahanda ng mga pagkain.

"Oh goodmorning little bro, eat up di ba may exam kayo ngayon nakapagreview ka na ba?",nakangiti niyang sabi.

"I don't need to review I'm already smart enough to handle the test ",sabi ko at humikab damn! inaantok pa ako.

"Okay, okay fine but be sure na mataas ang marka mo ha kung hindi lagot ka talaga samin nina daddy",sabi niya pa at namewang. Hayst what an annoying sister.

"Kailan ba ako nagkafailure?",sabi ko.

"Yeah,yeah whatever oh sya bilisan mo na dyan at baka malate ka pa geh punta muna akong garden magdidilig pa ako ng mga halaman",sabi niya at lumabas patunong garden.

Pagkatapos kung kumain ay sinukbit ko na ang bag ko at pumunta sa garahe to get my car.

Binilisan ko ang pagdridrive para makarating ako agad sa school. Nang nakapagpark na ako ay may biglang may humintong sasakyan sa harapan ng sasakyan ko at bumaba doon si Red Eye. Kinausap niya muna ang driver ng sasakyang yun na mukhang ang kuya niya yata. Pagkaalis ng sasakyan ay bumaba narin ako.

Napatingin naman sya sakin at mukhang nagulat. Pero mas nashock ako dahil sa itsura niya.
Pale ang kanyang mukha medyo dry rin ang kanyang mga labi at most of all ang laki ng eybags niya!!
Luh ano bang nangyari sa bungangerang to. Magdamag ba syang nareview para sa exam ngayon? Sobrang hagard ng itsura niya mukha syang tindera sa palengke hahaha LT..geh..

"Pftt.. Nyare sayo parang nakahithit ka ng katol sa itsura mo, uso concealers uyy ahaha",kantyaw ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama at inirapan. Tinalikuran niya nalang ako at naglakad na papuntang classroom namin. Hahaha para na syang gurang. Buti pa ako no need to review. Hahaha. Agad naman akong sumunod. Sa bawat hallway na madadaanan ko ay panay ang mga bulungang naririnig ko tungkol sakin. Well I'm used to it ano pa bang bago hay nako hirap maging gwapo nakakastress. Inignore ko nalang sila at patuloy na naglakad.

Pagdating ko sa room namin nakita kong kinakausap ni Eve si Red. Halata sa mukha nito ang pag aalala.
"Wala to Eve don't worry masyado lng akong napuyat",rinig kong sabi ni Red.

"Ikaw naman kasi eh! Masyado mong pinipwersa ang sarili mo sa pag-aaral ito tuloy ang nangyari mukha kang zombie",sumbat ni Eve sa kanya. Napailing nalang ako dahil sa kanila. Tss girly talks. Nilagpasan ko nalang sila at umupo na sa upuan ko sa likod ng seat ni Red. Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil nasa harap ko lang sila nag-uusap. Di naman sila aware sa paligid nila kaya di nila ako napapansing nakikinig sa kanila.

"Well sadly it's not because of my studies kaya napuyat ako",sabi ni Red at umupo na sa kanyang upuan. Nanlaki naman ang mg mata ni Eve.

"Oh my! Don't tell me----",naputol ang sasabihin sana ni Eve dahil binatukan sya ni Red ng malakas.

Pakkk!

"Ouch that hurts",inis na sabi ni Eve at hinimas himas ang kanyang ulo.

"Stop with your naughty thoughts it's because of kuya and astrid.

"Owss"-Eve

Napaismid nalang si Red. Bumalik naman sa kanyang upuan si Eve.

"Eavesdropping huh"
Nagulat naman ako at napaigtad ng konti. Pagtingin ko si Mabuchi pala na nakasmirk. Tss.

My Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon