Chapter 1-Mr. Red Hair

23 2 0
                                    

"RED HAINNA!!!!!!"

Napabangon nalang ako dahil sa malakas na sigaw ng aking magandang ina.

"Arrrggghh!! Mom naman eh, inaantok pa ang anak niyong maganda,"inis na sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.

"Maligo kana at maghanda, first day of school mo ngayon sa new school mo!!",sigaw niya at kinuha ang kumot na nakatalukbong sakin.

"Ehh!! Bakit niyo pa kasi ako trinansfer sa ibang school masaya na ako sa old school ko eh!!",tanong ko sa kanya. Tumayo na ako sa aking pinakamamahal na kama. Alam ko namang wala akong magagawa dahil di talaga magpapatalo si mom eh.

"Anong masaya, masaya siguro dahil marami ka dung kaaway huh!! Wala ka ngang kaibigan dun eh! Anong magagandang madudulot nun sayo, baka maging basagulera ka dahil sa dami ng mga kaaway mo, mostly mga babae. Ayaw ko ng ganun anak baka saktan ka nila sayang pa ang magandang mukha mo,maraming lalake ang iiyak niyan nako!!",mahabang sabi niya habang tinutulak ako sa aking banyo.

"Pero mom masyadong mahirap mag adjust sa bagong school ko, wala akong kilala dun mas mabuti pa sa old school ko marami akong kilala at maraming nakakilala sa akin",sagot ko sa kanya.

"Just wait maraming makakilala sayo sa ganda mong yan nako!! Maraming lalake ang magtatanong sa pangalan mo. Oh sya maligo kana dyan ihahanda ko nalang uniform mo. Bilisan mo ha baka malate ka pa"sabi niya bago sinarado ang pintuan ng banyo ko. Hayy nako ang daldal ng nanay ko makapapuri wagas parang sa kanya ang mukha kong toh. Di naman ako masyadong maganda. I'm just an average highschool girl.

Naligo na ako at nagbihis.

By the way my name is Red Hainna Gutchillo, I'm 16 yrs.old senior highschool already a grade 11. Now I'm transferred in the Springfield Academy and I know this year will be hard.

Maganda naman uniform nila simple but elegant. Di na ako masyadong nag ayos kasi di naman ako maaarte katulad ng ibang babae dyan eh. Bumaba na ako para kumain.

Hinatid na ako ng driver namin sa school.Pagbaba ko palang marami ng nakatingin sa akin. Tss I hate attention. Marami ng nagbubulungan sa hallway habang dumadaan ako papuntang administration office para malaman ko kung what section ako at schedule ko. May naririnig pa nga akong di magagandamg salita sa kanila eh.. Here are some of it.

" huh new girl, may bagong laruan na naman si Malia nako poor girl."

" tss ang papansin naman niya di naman kagandahan"

" nako may mas maganda na kay malia, malaking gulo toh poor girl, sya na naman ang aawayin ni Malia"

Tss, mga ingetera at sino si Malia? Kanina ko pa naririnig ang pangalan niya but I'm sure that she is one of the maarte girls in this school. Anyway I don't care. Naglakad na ulit ako papuntang Administration office. At biglang may nakabangga sa akin isang lalaking may pulang buhok. Tinulungan niya akong makatayo at naglakad ulit. Nakita ko ang itsura and I admit that he's handsome but his eyes are so damn cold. I hate it cause it gives me goosebumps and my body keeps shivering  because of it. Ipinisawalang bahala ko nalang ito at pumasok sa office.

Nang nakuha ko na ang mga kailangan ko ay agad na akong naglibot sa school para makita yung room ko at para narin mafamiliarize ko ang school mahirap na baka maligaw ako sa laki ng school na ito.

I'm section 11- Diamond the star section. Mom really did something about it maybe she used some of her connection in this school.
My room is room 11-D

Nang nakita ko na ang room ko biglang nagbell kaya tumakbo na ako papunta dun. Bubuksan ko na sana ng may nakita akong teacher na papunta dito.

" oh iha ikaw ba yung bagong student?",tanong ng teacher.
Nagnod nalang ako sa kanya.

My Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon