Chapter 13- Malia's Back

1 0 0
                                    

Red's POV,

     "RISE AND SHINE EVERYONE GET READY FOR SCHOOL"

Isang sigaw ang bumalabog sa aming napakahimbing na tulog. Naimulat ko nalang ang aking mga mata. Nakita ko rin ang mga sinag ng araw na pumapasok mula sa mga bintana at sa glass wall. Nakita ko naman sa ulunan namin ang pares ng mga paa. Itinaas ko ang aking paningin at bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni mommy. Napabangon naman ako at kinusot kusot ang aking mga mata. Nagising narin ang iba at nagsimula ng mag-ayos ng kanilang mga kagamitan at ang hinigaan namin. Pumunta naman ako sa aking veranda upang langhapin ang sariwang hangin ng umaga. Naipikit ko nalang ang aking mga mata upang mas malanghap ang sariwang hangin na dumadapya sa aking balat na mala porselana ang pagkaputi.(wow ang lalim nun ah haha)

"Hoy kiaga-aga nagfefeeling ka dyan nakakasira ng araw ang mukha mo tsk",sabi ng isang boses lalake. Bigla namang uminit ang ulo ko. Ang aga-aga naman niyang umepal nakakabadtrip. Iminulat ko naman ang aking mga mata at tinignan sya ng masama. Tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO! KAY GANDA-GANDA NG GISING KO TAPOS EEPAL KALANG KUNG WALA KANG MAGAWA WAG AKO ANG PAGTRIPAN MO NAKAKAINIS KANA AH KIAGA-AGA MO NAMANG UMEPAL AT MAKAPANGBADTRIP WALA NAMANG GINAGAWA SAYO ANG TAO HIYANG-HIYA NAMAN AKO SAYO. PARANG KUNG SINO KA MAKAASTA DI NAMAN KAGWAPUHAN PURO LNG HANGIN ANG LAMAN NG KATAWAN MONG DI NAMAN KAGANDAHAN ARGHH!!!", bulyaw ko naman sa kanya. Nagulat naman sya sa mga sinabi ko. Bigla naman syang natawa ng malakas na may pahawak hawak pa sa tyan. Tinignan ko naman sya ng masama at inirapan. Kainis nakakasira ng mood.

"Hahahaha! Seriously yun lng ang sinabi ko ang haba na ng speech mo ahahhaha,dahil lng sa ganun nagalit ka agad hahaha may PMS ka siguro noh,ah! Oo nga pala you have your period so now it's understood ahhaha what a shame!!",sabi niya at tinuro turo pa ako habang tumatawa. Ano bang nakakatawa dun tsk. Mabulunan sana ng magtanda na.

"Hey Red ba't ang aga mong magsigawan dyan oh hi insan",nakangiting sabi ni Eve at kumaway kay Ezekiel di Masugit alyas Blackmailer tsk..

"Oh ano ang ginagawa mo sa kwarto ng bungangerang yan?",taas kilay na tanong ni Ezekiel na nagpakulo naman ng dugo ko.

"SINONG BUNGANGERA?",sigaw ko.

"Who do you think tsk stupid",bored niyang sabi at humikab pa. Sisigaw pa sana ako kaso nagsalita na si Eve.

"Nagsleepover lng kami dito",nakangiti niyang sabi. Buti pa sya goodmoon pa ako letche lng badmood na epal kasi ang kwagong to ehh.

"Geh ingat lng sa bungangerang yan",sabi niya at pumasok na sa kanyang kwarto habang kumakaway patalikod.

"Oh wag ng magalit madali kang tatanda niyan nako",paalala naman ni Eve at nauna ng pumasok sa kwarto..
Ughh!! Kalma lng Red wag mong sayangin ang oras mo sa gunggong na yun tatanda ka niyan ng maaga. Mabubulunan yan mamaya at sasakit ang tyan niya,magtatae magcocolor violet ang kanyang mukha at macoconfine sya sa clinic dahil sa indigestion at uutot sya ng mabahong mabaho. Okay fine masyado ng cruel geh.

Pumasok na ako sa loob para maghanda. Pero nagulat ako dahil sa kambal na nag-aaway kung sino ang mauunang maligo. Si Eve naman ay hinanda na niya ang kanyang mga gagamitin. Magugulat ka nalang sa dami ng mga beauty products na kanyang hinanda. May mga make up kit at blower din sya na nilabas sa kanyang maleta. Parang naging salon ang center table ko. Ughh. What the!!

Napailing nalang ako at inignore sila. Pumasok ako sa walk in closet ko at hinanda ang kakailanganin ko at kumuha na ng towel.

"Tama na nga yan,ako na ang mauunang maligo malelate tayo niyan  dahil sa inyo eh",sabi ko at pumasok na sa banyo.

My Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon