Pagkatapos naming mag-usap ni Cristina ay agad akong dumiretso sa kwarto ko upang magpahinga.

Nang medyo makakatulog na ako ay sakto namang nag vibrate ang cellphone ko dahilan upang maalimpungatan ako.

Pagtingin ko, si Cristina pala ang nag message.

Hoooooy! Mag online  kaaaaaana. Bilis!!

Yan ang nakasulat sa text niya. Dali dali ko namang binuksan ang facebook ko dahil sobrang nakapagtataka ang pag gamit ni Cristina ng excalamation mark sa messages niya.

Pagka online ko ay agad namang nag message sa akin si Cristina.

"Ano naaaa?" nagtataka ako dahil sa tanong niya, eh siya nga itong nagsabi sa akin na mag online.

"Anong ano na? Di kita gets." sagot ko naman sa kanya.

"Yung Troy na yun online! Kausapin mo!!" pagkabasa ko noon ay agad kong chineck kung online nga ba siya.

and bingo! Online nga!

Ay teka, diba si Cristina ang nagsabi sa akin na huwag na akong umasa? at wag ko ng habulin si Troy?

Eh ba't parang ipinagtutulakan niya ata ako ngayon?

Ah, bahala na.

"Sige, iseenzone mo lang ako. I understand. Sulitin mo muna ang pakikipag-usap sa Troy na 'yon. 'kay? Bye. May lakad pa ako. See ya."

Pero bago pa man ako makasagot ay nag offline na siya. Kaya naman sinunod ko nalang ang sinabi niya.

Siguro mahigit sampung minuto na akong nakatunganga dito. Nahihiya kasi akong mag message sa kanya.

Ikaw ba naman, inaway mo na nga, inamin mo pa na mahal mo, galit na nga sayo, hindi ka ba mahihiyang kausapin? Syempre mahihiya ka din no!

Nang isisend ko na sana ang message ko sa kanya ay bigla siyang nag message sa akin.

OH EM GEE

Kaya naman inerase ko ang tinype ko kanina at sumagot sa kanya.

T: Hi Selene :)

A: Hello, Troy. Kumusta?

this is so awkard.

T: Haha. Diba katatanong mo lang sa akin nyan kanina?

A: Ah, oo nga pala.

T: Ikaw, how are you? After mong umalis, ngayon nalang ulit tayo nagkita.

A: Um, still the same pa rin naman.

Uh-oh. Mukhang nagkakaubusan na kami ng pag-uusapan. Tsk.

A: So kumusta ang love life mo?

xbjsjfnshskksdjj did I just ask him that? Stupid, Selene.

T: Uyyy, interested siya. Hahahaha!

the heck. Hindi ba siya naiilang sa tanong ko?

T: Eto, okay lang kami ni, Coreen. In fact, I'm very happy right now.

Ouch. Yun yun eh. Bakit ko nga ba kasi tinanong? Aish.

A: Really? That's good to know. Buti at pinatulan ka? :p

No, it is not good to know.

Me and my stupid way of thinking.

T: Asuuus. Inggit ka no? Ahaha. Sa gwapo ko ba namang 'to imposibleng walang pumatol.

Imposibleng imposible nga. Ako na hindi ka nga maahal noon, napaibig mo, yung iba pa kaya?

A: Hooo. Buti di natatangay si Coreen ng kahanginan mo? You're over-confident. Hahaha. Yabang mo! :p

T: Mahal mo naman.

I was stunned for a second. Oh my gosh. Hindi ba siya naiilang sa mga pinagsasasabi niya? As in hindi? Not at all? Kasi ako, ilang na ilang na.

Here I am, talking to my ex suitor as if nothing really happened between us.

Naka move on na kasi siya. Ikaw nalang ang hindi pa.

Ugh, walangyang konsensya.

A: Ang yabang mo talaga. Ahahaha. Wala kang pinagbago. Osya, mag sskype pa kami ni Cristina kaya mag a-out na ako.

Alam kong umalis si Cristina at offline siya. Pero hindi naman malalaman ni Troy na nagsisinungaling ako, diba? Diba?

T: Ay, di ba pwedeng magka chat tayo habang nag sskype kayo? :(

What's with the sad face?

A: Nopee. Tampuhin  'yun. Gusto niya pag ka chat ko siya, naka full attention ako sa mga sinasabi niya. Annd, mag gigirl talk kami you know. Hahahah. Sige naa. Next time nalang ulit :)

T: Tssk. What' with the girls and their 'girl talk'? Sige na nga. Basta next time ah? Bye :)

A: Byee :)

Tell me I'm dreaming. Tell me.

Changing His MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon