"Kyaaaaaa! So ano na? Ano? Kayo na ba? Nag i love you ka na? Inamin mo na? Anong sabi sayo? Daliiiiiiiiii! Sagot naaaaaa!" actually, kanina pa ako nabibingi sa katitili ni Cristina dito. Nagsskype kami ngayon. Ikwinento ko sa kanya yung pinag-usapan namin ni Troy kahapon.
"Cristina, bipolar ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya na nakapagpatigil sa pagtili niya.
"Siguro? Hahahaha. Pero make kwento naaaaaa!! Ay teka, bat mo natanong?" paano ba kami naging nagkaibigan ng babaeng 'to? Pakipaalala nga sa akin. Now na.
"Kasi naman po, noong isang araw, napakaseryoso mo. Ayaw mo akong umasa kuno sa kanya. Tapos dati sabi mo mag move on na ako. Now, ipinagtutulakan mo naman ako sa kanya. Ano ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Eeeh, kasi you know. Uh, how do I explain this. I rarely see you cry na kasi, and I trust you enough to know the right thing to do. Alam ko namang pag wala na talagang pag-asa eh you will stop na. Basta ang sa akin, okay na yung isisnasaulo mo yung mga sinabi ko sayo." ngumiti siya ng pagkalapad lapad sa camera. I suddenly miss her. Kailan ba kasi kami huling nagkita? Graduation pa ata yun nung elementary kami eh.
"Uyyyy, kelan ka ba kasi magbabakasyon ditooooo?" nalulungkot kong tanong sa kanya.
"Actually, baka after grad na sa hs eh. Probably next year. Masyado kasing busy, and wala akong matutuluyan diyan." sabi niya sa akin. Naka isip naman ako ng bright idea.
"Dito ka nalang sa amiiiin! Or, mag boracay tayo pagkatapos ng graduation!" para akong bata na binilhan ng pinakaaasam asam niyang barbie.
Natawa naman si Cristina sa sinabi ko.
"Masyadong nakakahiya kina tita pag diyan ako nag stay. Kina ninang nalang siguro or kina Chris. Anyway. Boracay? I am so loving this!!" nagtititili nanaman siya. Akala ko ba ayaw niya ng maingay? At sa maiingay na tao? Hindi ba siya naiingayan sa sarili niya?
" O sige ha. Boracay tayo next year. " sabi niya sa akin. Kumikinang na ang mata ko dahil sa excitement kahit next year pa naman yun.
"Waaaah! I can't believe it. Gagraduate na tayo next year!" sabi ko sa kanya.
"Oo. Gagraduate tayo at lahat lahat na, hindi mo pa rin siya nakakausap ng masinsinan." sabi niya sa akin with a bored look on her face.
Paano ko ba naman kasi sasabihin?
"I can't right now, Cristina. I'm happy na ganito na ang pakikitungo niya sa akin after what happened. I can't risk this." nakita ko namang hinihilot niya ang sentido niya.
"Look, Selene. Dati, di ka mapakali at kating kati ka na na kausapin siya. Nagkita lang kayo ng isang beses, nawala na ang determination at courage mo. Napalitan ng fear." hindi ako makasagot sa kanya.
"Look, it's okay to risk something. Kasi everything you risk is worth it. Wala kang i-ririsk na walang worth. Kaya nga risk diba? You have to take chances. Whatever happebed before, won't happen again, am i right? tumango tango ako sa nga sinasabi niya. Ba't ba kasi ang galing niya pagdating sa mga bagay na 'yan eh pareho kaming zero sa lovelife?
That's the reason.
"So, dahil alam natin, na napakamasalimuot ang nangyari dati, hindi na natin uulitin 'yon. You want to settle thibgs with him,diba? This is your chance. This will be your last stop. Dito niyo madidiscover kung ano talaga ang nararamdaman 'nyo. Dito mo malalaman kung kailangan mo ng mag move on or mag let go. Wag kang matakot, wag kang mag-alalang masaktan ka. Kasi, malalaman mo kung anong nararamdaman niya. Magkakaroon kayo ng closure. Masasaktan ka, yes. But the pain you'll feel this time is not as great like the last time." nakangti niyang sabi sa akin.
I smiled at her words. It gave.me courage. Tama siya, ito yung matagal ko ng hinihintay na pagkakataon.
This time, I will surely patch things up.
This time.
BINABASA MO ANG
Changing His Mind
RomanceNasayo na, pinakawalan mo pa. Nasa harap mo na, hindi mo pa nakita. Mahal ka na nga, nagmahal ka naman ng iba.