Total bakasyon naman, napagpasyahan kong dumito muna for the rest of the month.  Para na rin magkaroon pa kami ng pagkakataon na magkita ni Troy even though I know that the chances are rare.

But anyway, susubukan ko pa rin. Sa halos two months naman siguro na nandito ako eh,  kahit isang beses ay magkikita rin naman kami ni Troy,  diba?  Diba?

Heto ako ngayon at nanonood ng Pretty Little Liars.  Masyado ng thrilling ang mga nangyayari.

Pagkatapos kong manood ay nag online ako sa facebook.  As usual, missing nanaman si Cristina.  Ang gala talaga ng babaeng 'yon.  Pagtiningnan mo,  napakahinhin tapos pa shy type pa, halos hindi mo mapagsalita 'yon pag nasa classroom. 

Hay,  pero kita niyo naman na napaka opposite niya pag kausap ako,  ano? 

Anyway nanaman.  Eto ako,  stalking Troy's profile.  Sorry naman,  pero girls,  aminin.  Ganito rin kayo kaya don't judge me.

Nabasa ko naman ang wallpost niya kung saan nakatag si Coreen.  Tch.  Pero teka nag-away ba sila?  10 minutes ago pa lang 'to ah.

"Hey Coreen.  I'm sorry.  Love please forgive me na?  Please? "

Wow ha.  Kailangang lantaran? 

As in?  Pwede namang i-pm niya diba? 

Selos ka lang.

Oh my ever supportive conscience.  Shut up,  please.

Napalingon naman ako sa kama ko ng narinig kong nag riring ang aking cellphone.

Pagtingin ko,  unregistered number ang lumabas sa screen. 

Siyempre,  kahit may probabilty na isa 'tong stranger eh sinagot ko pa rin.  Hindi naman ako mamamatay agad agad kapag sinagot ko diba?

"Hello?  Sino 'to? "

"Ouch.  Lumipat ka lang ng school dinelete mo na number ko? " Oh my gosh.  Tell me I'm dreaming.  Please please tell me. 

"Troy? " I heard him chuckle.

"The one and only" ngayon pa lang gusto ko ng maglulukso sa tuwa at kurot kurutin ang braso ni Cristina kung nandito man siya ngayon dahil sa sobrang kilig. 

OH MY GOSH TALAGA!!!

I can't believe this.  Paano niya nalaman ang number ko?

" I see that you haven't changed your number yet.  Alam mo bang saya saya ko nung nag ring ang phone mo?  Hahaha" sabi niya sa akin sabay tawa.  Oh my gosh.  As in oh my gosh na talaga 'to.

"Ah,  oo eh.  Sorry ah.  Unregistered kasi number mo.  Sorry talaga. " nahihiya kong sabi sa kanya.  Kasi naman eh.

"Nakakasakit ka na talaga ng damdamin,  Selene.  Yun pa rin naman yung number mo,  pero unregistered yung akin?  Tssk.  I feel so sad na dinelete mo ang number ko. " bumuntong hininga siya.  Hala.  Waaah.  Baka galit nanaman siya sa akin.  Oh no :(

Kasi naman eh,  nareformat yung phone ko.  Eh sa phone storage ko lang sinave lahat as in lahat ng nasa contacts ko.  Kaya ayun.  Pati yung sa kanya nabura :( Alangan namang hingin ko,  eh galit nga siya sa akin nung time na yun eh.

"Sorry talaga,  Troy.  Sorry.  Galit ka ba?  Hindi ko naman sinasadyang madelete yung number mo eh. Hihingin ko sana ulit,  kaya lang ano eh,  magkaano na tayo nun… " nanghihina kong sabi sa kanya.  Naiiyak nanaman ako.  Galit nanaman siya sa akin :(

"Hey…  ba't ang lungkot ang boses mo?  Don't worry hindi ako galit sayo,  okay?  So please ngumiti ka na.  Nagbibiro lang ako. " gumaan naman ang pakiramdam ko nung sinabi niya 'yon.  Yeey,  so friends na ulit kami?

"Wah,  akala ko galit ka nanaman sa akin. Troy…  friends ba tayo? " nahihiyang tanong ko sa kanya.  Say yes please.  Say yes.

Narinig ko namang tumawa siya.

"Of course,  Selene.  We're friends.  Reaaally close friends. " feeling ko nakangiti siya ngayon.

Feeling mo lang 'yon.

Tch. 

"Selene,  pwede ba tayong magkita ngayon?  Sa park na lagi nating pinupuntahan dati?  Sobrang na miss kita eh. "

bfjdkdndjdkskbdbdioanabvd

Tell me,  pang ilang oh my gosh na ang sasabihin ko ngayon?

OH MY GOOOOOSH! 

" Selene?  Still there? "

Waaaaaah!  Magkikita kami!

" Sure!  3 pm mamaya? "

"Yep.  See you later. "

"Bye. "

and I ended the call.

Changing His MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon