" Troy, mahal mo pa ba ako?"
Natigilan siya at napatingin sa akin. Ramdam ko ang mga titig niya kahit hindi ako nakatingin sa kanya. I heard him sigh.
"Selene..." I smiled bitterly.
Ayan nanaman siya. He would slowly change the topic. Aakto siyang hindi niya narinig ang tanong ko. I shoud know better.
"I know, I know." I heaved a deep sigh. How stupid can I be? Alam ko naman ang sagot niya eh. Alam na alam ko. I was just too stupid to hope na may pag-asa.
"Paano pag sinabi kong mahal pa rin kita?"
Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. This time, napatingin ako sa kanya. He looks so serious.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Oh God, bakit ganito? I don't like this feeling.
"Yea right. Magbiro ka lang, Alcantara." I tried to laugh it off pero ramdam ko talaga yung intensity ng titig niya sa akin.
"Hindi ako nagbibiro. Paano nga pag sinabi kong mahal pa rin kita?" I was speechless.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. I am bothered.
"Troy, wag mo na akong paasahin. Kuntento na sana ako na makita lang at makasama kita bilang kaibigan eh. Pero here you are, messing up my thoughts, hindi ko alam. Nalilito na ako. Kasi mahal na mahal kita. Pero alam ko, hindi na ako ang mahal mo. At kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang manira ng relasyon."
Naluluha ako na ewan. Para akong tanga.
"I'm confused too, Selene. There's you and there's Coreen."
"Please, Troy. Sabihin mo na, ipagtabuyan mo na ako ngayon. Ayoko ng umasa. Sapat na ang tatlong taon. I want to end this misery."
Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong isang araw lang, nagkita ulit kami tapos ngayon puro confessions at revelations na. This is too much to take.
" I can't . I let you go before, at ngayong nakita na ulit kita, ayaw ko ng pakawalan ka ulit. I just can't let you go, Selene. Not now, not ever."
Unti unti ng tumulo ang mga luha ko. Mahirap din pala, hindi ko alam kung saan ako nahihirapan, dahil ba mahal ko siya? Dahil ba nalilito ako? Dahil ba may iba rin siyang mahal? Ano ba talaga?
"Nagawa mo akong iwan at pakawalan dati, magagawa mo rin 'yon ngayon. Kaya please Troy. Make up your mind. Gustuhin ko mang maging tayong dalawa, hindi pa pwede. Marami pang butas ang relasyon natin."
Bakit ba pag nagmahal ka, may kasamang sakit? Ano yun, package? Hindi ba talaga pwedeng magmahal na puro saya lang?
"That's the point, Selene. Nagawa kitang iwan at pakawalan dati, nagawa ko. Pero hindi ko nakayanan. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang iwan ka. Nagawa ko noon, pero mas lalong hindi ko kakayanin pag nagawa ko ulit ngayon. Kaya hindi kita papakawalan, Selene."
This is so wrong.
Pero diba ito naman ang ginusto ko? Ang mahalin niya rin ako? Yung mutual na ang nararamdaman naming dalawa?
Pero bakit masakit? Diba dapat pag nagmahal ka, kahit na masakit masaya ka pa rin?
Pero bakit parang pareho kaming nasasaktan? Bakit hindi kami masaya?
"Troy, I've been through a lot. Baka hindi ko kayanin pag pinatagal pa natin 'to. You shouldn't have been with Coreen. I know I may sound selfish pero dapat ako lang. Hindi ka dapat sumama sa iba kung ako pa rin ang mahal mo. Nagkakaganto tayo ng dahil sa kanya, Troy. All because you led her on."
BINABASA MO ANG
Changing His Mind
RomanceNasayo na, pinakawalan mo pa. Nasa harap mo na, hindi mo pa nakita. Mahal ka na nga, nagmahal ka naman ng iba.