Months passed at unti-unti kaming naging close ni Troy. After nung confession niya na yun, bigla kaming naging close. Ewan ko ba, hindi ko naman siya gusto. Binalewala ko ang sinabi niya. It’s no a big deal anyway. Hindi rin naman niya ako tinatanong at wala naman siyang sinasabi tungkol doon. Hinayaan ko naang dahil ayaw kong maungkat pa ‘yon ngayon lalo na at madalas ko na rin nakakasama ang crush kong si Adrian.
“Selene, gusto mong sumama sa amin?” tanong sa akin ng kakambal ni Adrian na si Andrea. Medyo close kami at lagi niyang kasabay ang kuya niya tuwing lunch at recess. Alam din niya na may gusto ako sa kakambal niya.
Napansin ko naman na tumingin sa akin si Troy na katabi ko lang. Pinag-uusapan kasi namin ang mga tanong na lumabas sa quiz kanina sa physics.
“Ah sige. Teka lang.” sagot ko kay Andrea. Binaling ko naman ang tingin ko kay Troy.
“Um, sige ah? Una na ako, hinihintay na ako nila Andrea.” Paalam ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito.
“I thought we’re having lunch together kasama sina Cassy?” uh-oh. Oo nga pala. Nakapangako ako sa kanila. Pero absent naman si Cassy eh. Si Rey naman eh MIA.
“Selene!” tawag sa akin ni Adrian. Nilingon ko siya at nginitian niya ako. Sumisenyas siya na aalis na kami. Binalingan ko ulit si Troy.
“um, Troy? Pwede bang bukas nalang? Wala rin naman si Cassy at Rey eh. Please? Promise, bukas sa inyo na ako sasabay.” I heard him sigh. Hay nako, nilingon ko ulit sina Adrian dahil baka naiinip na ang mga ‘yon. Kaya hindi ko na hinintay pang sumagot si Troy.
“Una na ako ah.” Sabi ko nalang sa kanya. Nang makalapit na ako kina Adrian ay niyaya ko na silang pumunta sa canteen. Minsan lang ‘to kaya lulubusin ko na.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan nila Adrian haggang mag ring na ang warning bell. Ngiting ngiti naman sa akin si Andrea dahil pinagtabi niya kami ni Adrian. At ako naman, syempre ay kilig na kilig. Iba pala talaga pag close kayo ni crush.
Nakatulala lang ako ditto sa harap ng laptop dahil bakasyon na. Wala akong magawa ngayong araw na ‘to at pati na rin siguro sa mga susunod na araw dahil madalang mag online si Cristina. Ewan ko bas a babaeng ‘yun, kung saan saang sulok ng Pilipinas nagsususuot. Buti pa siya, walang pinoproblema.
Nakakastress din pala kapag summer na. Hindi dahil sa wala ka ng baon, kundi masyado ng malaki ang space ng utak ko. Sa laki ng space eh kung anu ano nalang ang naiisip ko. Gaya ngayon, nakita kong online si Troy.
Hay, kumusta na kaya siya? Naiissip pa rin kaya niya ako? Tanga ka ba? Ba’t ka naman iisipin non? Ano ka ba para sa kanya? Napabuntong hininga nalang ako. Nakakastress talaga.
Mahal ko si Troy. Oo mahal ko na siya. Mahal ko na siya ngayong may mahal na siyang iba. Ang labo ko no? Noong una, halos ipagtabuyan ko siya. Lagi kong ipinapamukha sa kanya that I can never love him. I kept pushing him away. Until one day, I successfully did. And that was also the day that I realized I loved him. Pero ang tadhana nga, gaya ng sabi nila ay sadyang mapagbiro.
Kung kailan ayaw na niya, doon ko pa naramdaman. Kung kailan sumuko na siya, doon ko gusting lumaban. Kug kailan nakahanap na siya ng iba, doon ko gustong malaman niya na mahal ko siya.
But then again, I was too late.
Too late to even try.
Too late to change his mind.
BINABASA MO ANG
Changing His Mind
RomantizmNasayo na, pinakawalan mo pa. Nasa harap mo na, hindi mo pa nakita. Mahal ka na nga, nagmahal ka naman ng iba.